Chapter 15

5 1 0
                                    

REIGN

Pagkalabas namin ng elevator at PAGKASABI NI DWAYNE NON, Lumapit na kami sa mga pulis na nasa labas. Una nagulat pa sila. Pero nang lumabas si Inspector Scott ay umokay naman na kahit papaano sila.

Sumama kami sa police station...

Ay mali!

Sila lang pala...Dahil nagpaalam ako na dederetso na ako pauwi. At hihiramin ang kotse ni Dwayne tapos ay i-text nalang nila ako kung susunduin ko na sila dahil nga wala silang sasakyan.

Nagmadali akong mag-drive para makauwi agad sa dorm. Pagkadating ko doon ay mukhang nasa kwarto niya lang si Chloe kaya dumeretso nalang ako sa kuwarto ko. Kinuha ang laptop at mabilis na hinack ang system ng police station. Kailangang nandito kasi ako para makapagresearch din about sa Deity Mafia.

Nakita ko sa CCTV ang interrogation room. Nasa loob ang babaeng si Ave at pagkatapos ay nakaposas, wala parin siyang malay.

Sa kabilang room naman ay makikita mo doon ang Ceo ng kompanya.

Nag-uusap na sila at wala namang mahalagang pinaguusapan kaya di ko na pinagtuunan ng pansin.

Tinignan ko ang profiles nila pero wala rin naman akong makukuhang mahalagang impormasyon.

Nagulat ako ng biglang may marinig akong kalabog. Pagkatingin ko doon ay ang secretary na gising na at natanggal niya ang posas niya. Pinagtulungan siya ng maraming pulis at natataranta naman ang lahat. Lalo silang nataranta nang biglang hablutin ni Ave ang baril ng isang pulis at itinapat sa mga pulis.

Oh no! Ito ang bago sa akin! Alam ko naman na ang drugs na iyon ay nagbibigay lakas ng loob sa iyo na magpakamatay o pumatay. Pero hindi ko alam na ganito pala kalakas ang epekto nito.

"Huwag niyong kukunin ang mga baril ninyo kundi magpapaputok ako at sasakto toh sa inyo!" Singhal ni Ave.

Kita din sa camera na pati sina Dwayne ay hindi alam ang gagawin.

Nagmadali ako papalabas at pumunta sa boy's dorm. Marami ang naharang sa akin pero wala akong pake. Dumeretso ako sa kwarto nila Seb at kuya. Ni-lock pick iyon kahit pinipigilan parin ako ng mga lalaking nakakakita sa akin pero titigan ko lang sila ng masama o sapakin lang sila sa tiyan ay natigil na sila.

Nang makapasok ako sa loob ay hinanap ko ang kwarto ni Seb at nang makita ko ay hinanap ko ang mga syringe niya. Nang may makita ako at lumabas na akong muli pero ni-lock ko ang pintuan. Medyo gabi narin pero medyo marami rami ang tao sa labas ng boy's dorm. May mga nagtatangkang isumbong pa nga ako.

"Hoy miss pres! Hindi ka isang magandang halimbawa! Maisumbong nga sa mga teachers." Banta ng isang humarang sa akin sa daan.

"Lalayas kayo dyan o..." Hindi pa man tapos ang sasabihin ko ay humawi na ang daan kaya tumakbo na ako papalabas. Bumalik ako sa dorm ng girls at pagkatapos ay dumeretso sa kwarto ko.

Kinuha ko ang bee like drown ko at itinusok ang laman ng syringe sa bandang pwetan nito. Kita ko parin sa CCTV na onti onting lumalabas ang babae. Ang hindi ko inaasahan ay may dalawang bangkay na ng pulis ang nasa lapag.

Minadali kong iactive ang drown at pinalipad ito hanggang doon at nakita ko sa camera na papalabas na ang babae pipihitin nalang ang pinto pero pagkabukas niya ng pinto ay sinunggaban na siya ng drown ko at itinurok sa leeg ang parang sinulid na nasa pwetan niya kaya dahan-dahang natumba ang babae.

And again, she's unconscious.

Hindi siya pwedeng mawala dahil isa siya sa mga ebidensya.

Mukhang nagiimprove na ang drugs ng Deity Mafia. Kung sino man ang nagawa, hindi maikakailang matalino ito.

The Covert & The Prominent DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon