Chapter 20: Escape Room

16 2 1
                                    

REIGN

"Wala bang signal dito?!"

Inis na tanong ko habang nakaupo sa kama.

"For sure may kasunod pang mga kwarto toh. Sa laki ba naman ng lugar na to!" Ipinatong ko ang dalawang siko ko sa tuhod at ipinatong ang ulo ko sa kamay ko habang nakayuko.

I hate this feeling. Bigla akong may naalala sa mga panahong ganito. Nangingilid na ang hula ko hanggang sa hindi ko na napigilan at napaluha na.

"Reign?" Lumapit si Dwayne at Luigi sa akin. Bahagyang sinilip ni Dwayne ang mukha ko at nagulat siya nang makitang naiyak ako. Pati si Luigi ay nagulat din.

"H-Hindi ko k-kayang maulit toh" naiyak kong sambit.

Naramdaman ko na may nahagod ng likuran ko. Si Dwayne pala.

"Anong ibig mong sabihin sa ayaw mong maulit?" Takang tanong ni Luigi.

Hindi ako sumagot pero umiling lang ako.

Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon dahil bawat ala-ala, bumabalik. Yung mga isinisisi ko sa sarili ko ay bumalik nanaman.

Ayaw kong bumalik ang alaala ng nakaraan dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako nakaka move on.

"Let's just find a way to get out of this place." Sabi ni Dwayne at tumayo.

Naramdaman kong niyakap ako ni Luigi at okay lang naman rin iyon sa akin. Dahil medyo nahimasmasan din ako.

Pero bumabalik parin yung nakaraan.

The times when I'm still with her. And the times that she's still alive.

"Found it!" Sabay kaming napatingin kay Dwayne na imbes na masaya ay nakakunot pa ang noo at kita mo sa panga niya na umiigting.

Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. Bigla niya akong hinila kaya napahawak ako sa dibdib niya.

"Let's go" blankong mukha lang siya habang hinihila ako palabas ng kuwarto. Si Luigi naman ay nakapamulsang nakasunod sa amin.

Pumasok kami sa isa pang kuwarto. Medyo makalat ang parteng kanan. May sigle bed doon at may isang teddy bear na nakalagay doon. Makulay ang paligid at kung ano-ano pa. May bookshelves din dito sa gilid. Sa itaas ng pinto ay may orasan na iba iba ang kulay sa bawat numero.

"Umupo ka muna doon sa kama. Kami na maghahanap ng paraan para makaalis." Sabi ni Dwayne.

"Hindi, tutulong ako. I've been in escape room before kaya baka makatulong ako." Tumango nalang ang dalawa pagkatapos ko iyong sabihin.

Naghanap kami ng kung ano-ano sa loob ng kwarto.

"May isang box dito oh!" Pagkakita ko sa box na sinasabi ni Luigi, may marka dito sa itaas na crescent moon, heart shape, at star.

"Anong gagawin dito?" Takang tanong ko.

"I think we need to find the shapes." Suhestiyon ni Dwayne.

Nagikot kaming muli sa kwarto. Dun sa makalat na parte, pumunta ako doon at may nakitang sarado pang box. May napulot naman akong gunting kaya binuksan ko ito. Nakita ko ang heart shape na kulay gold.

"Hindi ba pwedeng mag pick lock nalang tayo?" Sabi ko habang itinaas ang nakuha ko. Kinuha naman ito ni Luigi at inilagay sa parte kung saan siya ilalagay.

"Nope, I already tried kanina pero hindi talaga pwede." Sabi ni Dwayne.

Lumabas ako doon sa kwarto at bumalik muli sa unang kwarto pinasukan namin. Muli kong tinignan ang pintuan. Wala talagang bintana dito pero may ilaw at nakakapagtakang may sindi parin iyon kahit na matagal na ito. May nakita akong maliit na siwang sa gilid ng pintuan.

The Covert & The Prominent DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon