Chapter 12: DIFALS

8 1 0
                                    

A/N: Sorry, kung natagalan yung update ko, busy lang kasi eh.

Ayun nga, kita niyo naman na Chapter 12 lang ang nakalagay. Simula po ngayon, wala na pong title na ilalagay. Depende nalang dun sa case. Lalagyan ko ng title kapag may naisip ako na title. Sa totoo lang, ang hirap kasing magisip ng title eh. Hihihi. Kaya ayun. Depende nalang dun sa chapter. Enjoy reading.

________________________________________________________________________

REIGN

Pagkatapos ng case na iyon hindi na ako nakabalik sa pagtulog kaya tumayo na ako at nagluto ng almusal.

Maya-maya ay tumayo narin si Chloe at sumabay sa pagkain. Dahil kulang ang tulog ko ay tahimik kaming kumain. Nahahalata siguro niya kaya tumahimik nalang din siya.

Nagtext sa akin ang SSC or Supreme Student Council. Sinabi ng secretary sa akin na may iaannounce daw ang principal na si Sir Atienza.

Sigurado akong tungkol ito sa nangyari kaninang umaga kaya muli, ako ang naunang umalis sa amin ni Chloe at dumeretso ako sa principal's office. Kumatok muna ako bago pumasok.

"Good morning, sir." Bati ko at pinaghawak ang kamay ko bago tumango at muling iniangat ang tingin sa kaniya.

"Good morning din Ms. Middleton. Maupo ka." Umupo naman ako sa upuang nasa harap ng table niya.

Isa si Sir Atienza sa pumili sa akin na maging president ng student council kasama ng iba pang teachers. Walang botohang nangyari pagdating sa posisyon ng president. Automatic ay nagiging ako simula noon.

Ibang klase ang eleksyong iyon dahil tuwing eleksyon ay walang karapatan ang iba sa posisyon kong ito dahil pinili ito ng buong sangay ng paaralan.

Sa totoo lang ay marami ang naguguluhan pero ang dating mga estudyante na nagaral dito ay alam ang totoong nangyari pero pinili ng mga estudyante at mga guro na huwag na itong sabihin sa ibang estudyante at panatilihin itong lihim.

Hanggang ngayon, nananatili ang lihim ng nakaraan na iyon at bilang nalang sa kamay ang bilang ng mga estudyante na nakakaalam nito. Lahat ng guro na dati pang nagtatrabaho dito ay pinanatili din nilang lihim. Ang mga bagong guro-katulad ni Sir Perez-ay hindi alam ang nakaraang iyon at ang lihim ng patakarang iyon. Kaya kakaunti lang din ang may kilala sa akin bilang presidente dito sa paaralan.

"Nabalitaan mo ba Ms. Middleton ang nangyari sa isang sophomore?" Tanong ni sir na nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"Ahh, yes sir."

"Tsk, sophomore palang ay nakagawa na ng ganon. Di ako makapaniwala." Komento niya.

"Kailangang hindi matuloy ito, sir. Hindi magandang bumalik sa dati ang paaralang ito at baka kung ano ang masabi ni Mr. Houston tungkol dito."

"Tama ka Ms. Middleton. Pero nakakapagtaka parin na isang second year lang ang nakagawa nito."

Tama si Sir Atienza. Maaaring may nasa likod nito dahil hindi na ganito ang mga estudyante ngayon at nabago at natabunan nadin ang nakaraan nito kaya nakakagulat na may nangyari.

The Covert & The Prominent DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon