REIGN
Hindi ko talaga ine-expect na tutuparin niya yung pangako niya sa akin dati. Palipat-lipat kasi siya ng school dahil sa business ng papa niya kaya baka may business din ulit yung papa niya ngayon kaya siya nandito ulit.
Namiss ko na talaga si Seb. Yung kakulitan niya, tsaka yung pagiging kaibigan niya sa akin.
Hindi pa din kami nakakapagusap ngayon dahil pagkaupo niya sa likuran ko, katabi ni Blake, nagstart na si Sir Perez na magturo.
Nagbell na at nagayos na ako ng gamit. Nagaantay silang lahat sa akin—si Chloe, Dwayne, Seb at Blake.
“Alam niyo naman na hindi ako nagrerecess diba?” sabi ko sa kanila nang hindi tinitignan.
Bigla nalang may yumakap sa akin. Nanlaki din yung mata ko.
“Namiss na kita. Sabi ko naman kasi sa'yo babalik ako eh.” sabi ni Seb habang nakayakap pa din sa akin.
“I miss you too Seb.” niyakap ko din siya at napangiti naman ako.
Bigla ko tuloy naalala yung nangyari noon.
________
Masayang nagtatawanan ang magkaibigan sa rooftop ng eskuwelahan. Ito na ang araw na aalis na si Lucas.
Balak na niya itong sabihin kay Reign kaya sinusulit na rin niya ang oras na ito para makasama siya.
“Hmm Reign. Pag umalis na ako, anong gagawin mo?” tanong niya sa twelve years old na batang si Reign.
“Syempre mami-miss kita tapos baka umiyak din ako.” sagot naman ni Reign habang nakatingin sa malayo. Pinagmamasdan niya ang malapit na paglubog ng araw dahil tapos na din naman ang klase nila ng ganitong oras kaya dumeretso sila sa rooftop.
Napatingin ang labingdalawang taong gulang na si Lucas kay Reign. Napangiti siya pero may halo itong kalungkutan.
“Paano naman kapag sinabi kong aalis na ako at ito na ang araw na iyon?”
Napakunot ang kilay si Reign at napatingin sa kaibigan. “Bat parang may pakiramdam ako na aalis ka na nga? Sabihin mo nga, aalis ka na ba?”
Biglang may tumulong luha sa mata ni Lucas. “This is my last day. We will go to New York tomorrow.”
Umiyak na din si Reign dahil sa sinabi ni Lucas. Tulo ng tulo ang luha niya at walang tigil. “Pero babalik ka ba? Please promise me that you will return and stay here for good. Please promise me.”
“I promise. Once I return, I will never leave you again.”
Hinalikan niya sa noo si Reign at pinunasan ang luha ng babae bago ito yakapin.
____________
Napangiti nalang ako ng maalala ko iyon. Namiss ko talaga ang ugok na ito.
“Ehem.” bigla akong napatingin kay Dwayne at Blake. Kumawala na rin kami sa yakap namin.
“Sorry namiss lang talaga kita eh.” sabi ko kay Seb. Napangiti lang siya
Seb ang tawag ko sa kanya imbes na Lucas. Mas trip ko kasi ang Seb eh, galing sa Sebastian niya.
“So twinie, let's go to the school canteen or café?” tanong ni Blake.
“Sorry twinie pero di ako nagrerecess eh.” sagot ko sa kanya.
Nagpout si Chloe at hinila hila ang lalayan ng sleeves ng damit ko. “Sumama ka na Reign oh.”
Umiling nalang ako at nagpaalam. Alam naman nilang pag nagdecide na ako, wala ng bawian.
Naglakad ako, hindi papunta sa library. Ayoko kasi muna pumunta doon. Papunta ako ngayon sa music room. Gusto ko lang muna mapagisa kaya dito muna ako.
BINABASA MO ANG
The Covert & The Prominent Detective
Misterio / SuspensoReign Pearl Middleton • Highschool Detective • Deducing Skills • Talented Nerd • Nonexisting person • Friend with the owner of the school • Secretly helping the police • Ghost for others • The so called Mysterious Detective in Houston High Dwayne Jo...