Chapter 16: Painting Exhibit

6 1 0
                                    

REIGN

It's Sunday at walang gagawin so I spend my time sleeping in my bed. 11:36 na ngayon pero gusto ko paring matulog ang kaso may katok nang katok sa pinto.

Pasalamat siya at anong oras na kundi baka mabungangaan ko kung sino man iyon at palayasin dito sa dorm namin ni Chloe. Tas si Chloe pala eh noh? Nvm. Tignan nalang kasi eh, imbes na dumaldal. Tsk.

"Bruha! Gising na!"

Confirmed! Chloe nga. Pano ko mapapalayas sa dorm namin to eh dito ang kwarto niyan? Utak naman Reign. Tsk.

Tumayo na ako. Messy hair ako. Naghilamos lang ako at sinuot ang salamin ko. Nakamaiksing shorts lang ako at sando lang. Simpleng pambahay lang. Di na nga halos makita yung shorts ko dahil sa sando ko eh.

Sinuot ko lang ang tsinelas ko at lumabas na ng kwarto ang kaso ay napatigil din ako at muling isinara ang pintuan ko.

Bat sila nandito?! Nakakimbyerna namang umaga toh oh!

Nagpalit ako ng sando at pinalitan ang shorts ko at bahagyang nagsuklay kahit onting suklay lang bago ako muling lumabas. Nandun parin yung tatlo. Buti nga at hindi nila ako nakita kanina eh.

"Oh? Bat may mga bwisita tayo dito?" Tanong ko kunwari kay Chloe na nagaayos ng hapag-kainan.

"Aba! Bwisita na pala ang turing mo sa kuya mo ha?" Singhal ni Kuya.

"Well, of course. Bwisita ka talaga! Buti nga at nakalock yung pinto ko kung hindi baka nakakapasok ka nanaman sa kwarto ko tulad dati na dere-deretso lang at walang pake kung magising ako at makatikim ka ng isang malakas na sipa galing sa akin!" Singhal ko naman sa kanya.

"Eh? Kabisado ko kaya suotan mo tuwing natutulog ka. Anyare ngayon? Bat maayos damit mo?"

"Oo nga noh Reign? Nakapagsuklay ka pa. Eh dati-rati tuwing gigising ka, daig mo pa si lion king." Panggatong naman ni Chloe.

"Che! Dapat ginising mo nalang ako kapag umalis na yang tatlo noh!"

"Sabihin mo! Nag-aayos ka lang kasi nandito si Dwayne!" Aba! Bwisit na Seb to ah?

"Eh bakit pumunta ka pa dito Seb? Sabihin mo, dinadalaw mo lang si Chloe! Nung nakaraan mamula mula pa yang mukha mo kinausap ka lang ni Chloe. Wag na wag mo kong anuhin dyan Seb!"

Muling namula nanaman ang mukha niya. Napahalakhak naman kaming lahat sa tawa. Hahaha, ang cute ni Seb.

"H-Hoy! Reign! K-Kung ano-anong tsismis kinakalat mo!" Aniya na naiinis parin.

"Oh Chloe, approve ka ba kay Seb? Gwapong binata niyan oh? Sasagutin mo ba kung manligaw yan?" Panggatong ni Twinie para asarin si Seb. Naupo naman ako sa tabi ni Dwayne dahil yung isa pang bakante ay katabi ni Seb.

"Oy! Reign, dito ka nga! Gusto mo lang makatabi si Dwayne eh. Nakakatsansing naman tong bruhong toh! Kanina pa tahimik." Pang-aasar naman ni Seb. Ha! Anong kala mo sa akin Seb? Malilipat mo ang pang-aasar sa akin?

"Aba! Ikaw na nga binibigyan ng chance para makatabi si Chloe eh, tapos ikaw pa magrereklamo? Aba, foul yun."

"H-Hoy!...Reign!...Naku...Grabe...A-Anong...Hays!" Natawa kami sa inakto ni Seb. Hahaha

"Tara na kain na tayo." Singit ni Chloe at umupo na sa tabi ni Seb. "Grabe ka naman kay Seb. Ang cute kayang mamula nito. Dibe Seb?"

Namula naman si Seb. Napuno ng tawanan ang hapag-kainan dahil sa kanya.

"Hoy! Kain na tayo! Baka mamaya matalsikan ng laway niyo yung pagkain. Lalayas pa kayo pagkatapos nito kaya bilisan niyong kumain." Sabi ko sa kanila.

The Covert & The Prominent DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon