Chapter 13: New Friend

7 1 0
                                    

REIGN

Umalis na ako sa hideout nila pagkatapos ng maraming pangungulit nila sa akin. Turing kasi sa akin ng lahat doon ay kapatid nila. Kaming dalawa ni Karen, yung bestfriend ko. By the way, her name is Karen Kleane Turner.

Ang dami kong iniisip habang naglalakad pabalik sa dorm ko. Hindi ko na inisip kung tapos na ang announcement.

Habang naglalakad nakita ko yung tatlo na nasa entrance ng girl's dorm. Nagmadali akong lapitan sila.

"Why are you here?" I asked. All of their eyes are on me.

"San ka pumunta kanina?" Bungad ni kuya sa akin.

"Somewhere" maikling sagot ko at papasok na sana sa loob kaso pinigilan ako ni Dwayne at hinawakan ako sa siko ko habang nakasandal parin sa pader at hindi nakatingin sa akin.

Pa-cool toh...

"What?!" Naiinis na sambit ko sa kaniya.

"Let's talk." At yun lang, tapos naglakad na siya papalayo pero muling lumingon. "Just us." Tapos naglakad na siya muli.

Tinignan ko muna yung dalawa bago ako naglakad at sumunod kay Dwayne. Nandito kami ngayon sa garden at pinakatago pa, sa bandang likuran ng building three.

"Anong paguusapan natin?" Bungad ko sa kaniya. Sumandal muli siya sa pader ng school.

"Seryosong tanong, bakit nung naramdaman mong sumusunod kami, bigla kang nagtago?"

"None of your business." Sagot ko at akmang tatalikod pero bigla siyang tumayo ng maayos at hinatak akong muli pero ngayon tumama ako sa dibdib niya. Hinawakan niya pareho ang braso ko at parahas na isinandal sa pader at kinorner ako bago tumitig sa mga mata ko. "D-Dwayne..."

Hindi siya sumagot. He just remained staring at me so I also stared at him intil both his eyebrows furrowed.

"You know what, Reign? You made me worry. Then you will tell me that it's 'none of my business'?"

"S-Sorry." Di ko na talaga alam yung sasabihin ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko at ayaw tumigil.

Sobrang lapit niya at di ko malaman ang gagawin kaya umiwas ako ng tingin. But he held my chin so he can made me face him. As soon as I faced him, he slowly leaned towards me. He's looking at my lips. So I started to close my eyes. But to my disappointment. I waited for his lips to touch mine but instead, he hugged me, so tight and tighter. So I opened my eyes.

Wait! Disappointment?!

What the hell am I thinking?!

"I'm so worried, Reign. I don't know what to do." He muttered as his hug become more tighter than tight. Until he released me from the hug. He stared at me for minutes bago siya yumuko at naglakad papalayo. Ako? Nananatili paring nakatayo dito at tulala.

Ano yun?!

Nagaalala siya sa akin. Nakakapagpaalala talaga iyong ginawa ko. Leader ng Difals ang pinuntahan ko at ang laman niyon ay puro rank fighters ng gang kaya malaki ang posibilidad na may mangyari doon.

Pero sigurado akong hindi nila magagawa iyon. Dahil ako si Reign, kaibigan ako ng gang. Yung rank fighters at si Darth, to be specific. Kasi halos buong gang na ay hindi ako kilala.

Gumalaw ka Reign! Maglakad ka na papalayo dyan at tulala ka pa rin!

The Covert & The Prominent DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon