A/N: Sorry kung matagal na hindi nakapag-update. Medyo nawawala po kasi ang isip ko habang nagsusulat. Ang hirap mag-isip kung anong kasunod na mangyayari dun sa chapter na iyon. Alam niyo yung feeling na may plano ka na sa isip mo pero hindi mo magawan ng paraan kung paano mapupunta sa ganoong sitwasyon? That's called writer's block, tama ba? Kaya sisihin po natin ang writer's block! Hahaha!
_____________
REIGN
Pagkatapos umuwi nila Twinie at Seb nung isang linggo, tulad nga ng sinabi ni Dwayne, mukha silang zombie pagkapasok. Alagang alaga ang eyebugs dahil sa pagkapuyat.
Isang linggo na ang nakaraan simula ng mangyari iyon. Ang usap usapan dito sa Houston ay ang nakapaskil sa announcement board na may field trip daw na gagawin kaya iyon ang dini-discuss ni Sir Perez ngayon.
Actually, alam ko ang tungkol don dahil nakaroon kami ng council meeting kaya nasabi na ito sa amin. Pero walang may alam kung anong madadatnan namin doon. Ang mga teachers lang ang may alam. Kami kaming senior high lang ang pupunta doon. Every grade kasi ay iba ang pupuntahan.
"Gaganapin ito next week kaya maghanda na kayo. Forest ang lugar na iyon at maraming activities na gagawin. Hindi ito ordinaryong field trip dahil magka-camping din tayo doon so be ready."
____________
Ito na ang araw ng field trip na gaganapin dun sa sinasabi ni sir na kagubatan daw.
Inayos na namin ang gamit namin at ang dinala ko ay ang mga gamit para hindi ako kagatin ng lamok, at yung mga komportable akong suotin.
"Ready ka na ba Chloe?" Tanong ko sa kanya na nasa kwarto parin hanggang ngayon.
"Teka lang! Wait!" Sigaw niya.
"Ang bagal mo naman oh!" Reklamo ko.
"Wait lang nga! Wag kang atat."
Maya maya pa ay lumabas na siya. Nagpaganda pa ata oh.
Lumabas na kami at sumama sa pila ng mga estudyante, or kaklase namin papasok ng bus.
"Twinie!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Sabay-sabay na naglalakad yung tatlo.
"Ang gwapo talaga nila!"
"Sabay-sabay pa sila, OMG! Kailangan ko ng yelo. Umiinit ang paligid dahil sa pagiging hot nilang tatlo!"
"Yieee, kung pwede lang akong maging playgirl eh. Aasawahin ko yang tatlo!"
Tsk. Lakas parin maka-impact ng tatlo.
"Dala mo ba lahat ng kailangan mo?" Tanong sakin ni Twinie.
BINABASA MO ANG
The Covert & The Prominent Detective
Mystery / ThrillerReign Pearl Middleton • Highschool Detective • Deducing Skills • Talented Nerd • Nonexisting person • Friend with the owner of the school • Secretly helping the police • Ghost for others • The so called Mysterious Detective in Houston High Dwayne Jo...