Chapter 17: Fireworks-related Murder

4 1 0
                                    

BLAKE

Nakarating kami ng 2:30 dito sa resort. Tagiisa ang kwarto namin. Katabi ko ang kwarto ni Seb. Sa kabilang kwarto naman si Chloe. Para di kayo malito, 204 ako, 203 si Seb at 201 si Chloe. Occupied na ang 202 eh.

Lumabas muna ako sa kwarto pagkaayos ko ng gamit ko. Di ko na inalis sa bag dahil ilang oras lang naman kami dito.

Ang resort na ito ay may malalaking pool sa ibaba. Pwede kayong mag private pool. Pwede din dun sa malaki na pangmaramihan.

Maraming tao ngayon dito sa baba. Naka beach shorts ako at white t-shirt. Pumunta ako sa malapit na bar at syempre, dahil di pa pwede ang alak, milkshake nalang ang binili ko.

Habang nakatingin sa mga nalangoy ay bigla nalang may humaplos sa balikat ko. Pagkalingon ko ay nakita ko ang isang babaeng halos kasing edad ko lang siguro. Naka red bikini siya. Nakalugay ang wavy niyang buhok.

"Hi, handsome." Bati niya habang nakatayo parin sa gilid ko at hinahaplos ang balikat ko. "You're alone? Want me to join you?"

"Nah, I'm fine. Kakarating lang din kasi namin kaya nagpapahinga ako."

"Alexa by the way." Naupo siya sa harapan ko at inilahad ang kaniyang kamay na tinanggap ko rin naman.

"Blake" simpleng sagot ko. Bibitawan ko na sana ang kamay niya pero nakangiti parin siya at hinaplos haplos ang kamay ko.

"You have a soft hand Blake. Can I get your number?"

Can please somebody tell me, can a girl court a man? Kasi mas maganda paring yung lalaki yung nanliligaw. Cause it makes the woman's image to be negative to others.

"Blake!"

Hindi pa ako nakakasagot ay may tumawag na sa akin. Binitawan ko ang kamay niya at nilingon ang tumawag sa akin. Si Chloe pala, kasama si Seb.

I smiled mischievously. Si Seb talaga eh.

"Uyy, Blake, bat di mo kami sinama?" Bungad ni Seb sa akin.

"Eh, ayaw mo nun? Nakasabay mo si Chloe hahaha" humalakhak ako.

"Tara! Swimming tayo!" Yaya ni Chloe.

Nakalimutan ko na si Alexa dun sa bar. Di ko na siya nilingon. I freakin hate girls who does the moves for the boys.

Nagbasa lang kami panandalian. Di maikakailang ang daming natingin sa parte namin. Si Seb at ako ay naka-topless at madami ang lumalapit na babae. Pero madami ding nakukuhang atensyon si Chloe. She's wearing a navy blue swimsuit.

Eto namang si Seb, pagkatalikod ni Chloe, sasamaan niya ng tingin yung mga lalaki.

Nang magbandang alas sais na ay nag-ayos na kami para sa pagalis. Kailangan namin bumalik sa dorm at makauwi agad para di mahuli ni Madam.

Naayos ko na yung akin dahil nga di ko naman inalis sa bag ko. Sumilip ako sa bintana at kita ang ganda ng langit.

Maya-maya ay may narinig akong pagputok ng fireworks. Saktong 6:45 na. Heart shape ito kaya siguro ay may nagready talaga nito para siguro sa kasintahan niya.

How sweet...

Lumabas na ako ng room ko at kinatok si Seb sa kwarto niya.

"Seb! Halika na! Para maaga tayong makauwi, may pasok pa bukas." Sabi ko sa kaniya.

Binuksan niya iyon at nagtungo kami kay Chloe.

Pagkababa namin ay nagulat kami na marami ang tao sa isang pwesto doon. Isang bar siya na medyo tago. Hindi ito yung bar na pinagtambayan ko kanina. Iba't-ibang bar kasi ang meron at iyon ang pinakatago.

The Covert & The Prominent DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon