Makalipas lang ang ilang araw, nagising si Haring Ngepoy sa kanyang pagsisiyesta mula sa isang sunod-sunod na malakas na katok sa kanyang pinto. At nang kanya itong buksan ay tumambad sa harapan niya si Kibord na pawis na pawis at balisang balisa.
"Haring Ngepoy, haring Ngepoy!" Nanginginig na wika ni Kibord.
"Bakit Kibord? Anong nangyari sa iyo?" Ang malumanay na tanong naman ng hari.
"Haring Ngepoy, sinasalakay po ang ating kaharian ng mga higanteng taong bato!" Ang sabi naman ni Kibord
"Ha! What do you mean to tell me, Kibord?" Tanong muli ng hari
"May limampu't tatlong mga higanteng taong bato na kasinlaki ng mga bundok ang sumasalakay sa isang baryo ng ating nasasakupang lupain, ang Baryo Lasaneo at biktima ng pagsalakay nito ang humigit kumulang na isang pamilya na naninirahan doon!" Ang pag-uulat ni Kibord
"May nasaktan na ba sa pamilyang yun, Kibord? Ilan bang katao ang pamilyang yaon?" Usisa ng hari.
"Dalawa lang po sila, ang mag-asawang Damian at Kuntsita Ballesteros. Ngunit wag na po kayong mag-alala sa kalagayan nila dahil mabilis na nakarating po doon si Ploktok at nailigtas po sila. Sa katunayan nga po ay nandito na po sila sa ating palasyo at kasalukuyan pong pinagtatanggol nina Ploktok at Kleng-kleng ang baryo pong yuon" Tugon ni Kibord.
"Eh si Transmit nasaan?" Tanong ng hari.
"Nandito po siya sa palasyo nagbabantay sakaling salakayin po naman tayo dito" Wika ni Kibord
"Ganun ba, kung gayun ihanda mo ngayon din ang aking mga damit at kagamitan sa panligo.....mag-shoshower muna ako." Utos ng hari
Samantala, sa baryo kung saan naglalaban sina Ploktok at Kleng-kleng laban sa mga higanteng taong bato.
"Kleng-kleng, subukan mo ngang ipatilapon ang mga higanteng ito sa isa't-isa pamamagitan ng iyong abilidad, di sila tinatablan ng aking mga palaso e" Wika ni Ploktok.
"Ok susubukan ko" Tugon naman ni Kleng-kleng
At ganun nga ang nangyari, gamit ang isang sampaguita ay nagawa niyang ilipad ng hangin ang mga taong bato at ihagis sa mga kasamahan nilang mga taong bato rin upang sila'y magkadurog-durog ngunit hindi ganun ang nangyari. Lubhang napatigas ng katawan ng mga taong batong ito na kahit pag-umpugin mo sila ay di sila nababasag o natitibag..
"Paano na yan Ploktok? Wah epek din ang kakayahan ko sa kanila, napakatibay ng mga katawan nila, my golly!" Wika ni Kleng-kleng
"Tama ka diyan Kleng, e sa tingin mo kaya makakayanang durugin ni Transmit ang mga yan sa pamamagitan ng kanyang malalakas na suntok?" Pagtatanong ni Ploktok
"Maari, ba't di natin subukan, sunduin mo na siya kaagad Plok" Utos naman ni Kleng.
"O sige, ikaw na muna ang bahala diyan ha" Wika niya kay Kleng
At mabilis na bumalik siya sa palasyo para sunduin si Transmit. Sa kanyang pagdating sa palasyo kanyang nadatnan si Transmit na naglalaba ng kanyang mga panloob na kasuotan.
"Transmit! Madali ka, kailangan namin ang iyong tulong......." Pasigaw na sambit ni Plok
"Lubhang napakalakas para sa amin ni Kleng-kleng ang mga higanteng taong bato, baka naman kaya mo silang supilin? At alam na ba ng hari ang tungkol dito?" Tanong ni Ploktok
"Eh di pa ako tapos dito sa paglalaba ko e, at oo alam na ng hari ang tungkol diyan" Ang sagot naman ni Transmit
"E ba't ba ikaw ang naglalaba niyan bakit hindi na lang si Kibord ang utusan mo, may mahalaga pa tayong aasikasuhin" Ang wika naman ni Ploktok
"Oo nga kaya lang di ko nagustuhan ang paglalaba ni Kibord, may mantsa pa rin kasi itong panloob ko kung siya ang naglalaba, nag-iisa na nga lang di pa niya malabhan nang maayos at sinasama sa di-kolor" Sagot naman ni Transmit
"Tsaka mo na gawin yan, mas mahalaga na malipol muna natin ang mga kaaway" Tugon ni Ploktok
"E paano yan ala akong suot na panloob ngayon, eto nga't nilalabhan ko pa" Sagot ni Transmit
"Ok lang yan di na mapapansin yan pag nakasuot ka na ng iyong baluti", Wika naman ni Ploktok
"O sige na nga, dito ka muna para may bantay sa palasyo. Kami na lang ni Ibonarra ang tutungo doon " Sabi naman ni Transmit.
At mabilis na nagbihis si Transmit, kapit sa mga paa ni Ibonarra kanilang nilipad ang himpapawid patungo sa Baryo Lasaneo kung saan nagaganap ang labanan.
Sa malayo pa lang ay natanaw na nina Transmit at Ibonarra ang mga higante kaya mabilis nilang tinungo ang kinaroroonan ni Kleng-kleng.
"Transmit! Buti na lang at nakarating ka na! Lubhang napakahirap kalabanin ang mga higanteng ito. Bukod sa malalaki na sila ay matitibay pa! Makakaya mo kaya silang durugin sa mga suntok mo?" Wika ni Kleng
"Malalaman natin" Wika naman ni Transmit sabay tungo sa mga kalaban kasama ang kanyang alagang ibon.
"Ibonarra, ihulog mo ako sa ulunan ng isa sa kanila" Utos ni Transmit kay Ibonarra.
At ganun nga ang nangyari, inihulog nga siya ni Ibonarra sa ulunan ng isa sa mga kalaban at paglapag niya dito ay pinakawalan niya kaagad ang isang malakas na suntok at nagawa nga niyang madurog ang ulo ng higante. Ngunit tanging ulo lang ang nadurog at kahit durog na ang ulo nito ay tuloy pa rin ang katawan nito sa pakikipaglaban.
"Shocks! Talagang napakatibay ng mga higanteng ito! Paano kaya ito e limampu't tatlo silang dapat naming lupilin, matagal ito" Ang nasambit ni Transmit
BINABASA MO ANG
Klopeysyus
FantasyKasaysayan ng isang kaharian na hinarap ang lahat ng pagsubok ng may ngiti sa labi.