Ang Pagkawasak ng Palasyo

15 0 0
                                    

Samantala sa Baryo Lasaneo kung saan patuloy na nakikipaglaban sina Transmit at Ibonarra laban sa mga higanteng bato.

"Saan na ba si Kleng-kleng? Di pa ba siya tapos makipaglaban dun sa mga epes? As if naman ako ay tapos na pero hindi, di hamak na mas madaling kalabanin ang mga yun kesa dito sa mga hinayupak na taong higanteng bato na 'to and we badly needed her assistance." Ang wika ni Transmit sa sarili

Ngunit lingid sa kaalaman ni Transmit, madaling nalipol ni Kleng-kleng ang mga kalabang epes. Yun nga lang napakabagal ng kalabaw na kanyang nasakyan kaya't patuloy na lamang sina Transmit at Ibonarra sa pagpipilay ng mga higanteng taong bato habang siya'y hinihintay. Nasa dalawangpu pa lamang ng mga higante ang kanilang napipilayan at ang iba ay patuloy ang pamiminsala sa lahat ng madaanan nito at ang destinasyon, ang palasyo ni haring Ngepoy.

"Ibonarra, malabong mapapatumba nating dalawa ang lahat ng higanteng ito bago pa man makarating sila sa palasyo, mas mabuti pa siguro ay iwan mo muna ako dito at hanapin mo sina Kleng-kleng at Ploktok at agad na papuntahin dito para tulungan tayo bago pa mahuli ang lahat" Mungkahi ni Transmit kay Ibonarra

At agad na sinunod ni Ibonarra ang kanyang amo at hinanap sina Kleng-kleng at Ploktok at di rin naman nagtagal ay natagpuan din niya si Kleng-kleng na hilahila ang kalabaw na nag-iinarte.

"Tweeeet....tweeeeeeet" ang wika ni Ibonarra

"Ibonarra ikaw ba yan? Oo nga ikaw nga!" May kagalakang sigaw ni Kleng-kleng

"Mabuti na lang at dumating ka, mas mapapadali na ang pagdating ko sa Baryo Lasaneo para saklolohan si Transmit" Sabi ni Kleng

"Tweeet" Tugon naman ni Ibonarra

"Ganun ba, kung gayon di na tayo dapat mag-aksaya ng oras, dalhin mo na ako dun Ibonarra, iwan na natin itong maarteng kalabaw na ito" Ang wika ni Kleng

Agad nilang nilipad ang kinaroroonan ni Transmit at ang mga higanteng bato at sa loob lamang ng ilang minuto ay kanila ng narating ang lugar ng labanan.

"Transmit! Musta ka na diyan?" Pagbati ni Kleng

"What took you so long? Kailangan nating madurog ang mga higanteng ito bago pa man marating nila ang palasyo. Ibonarra! Sunduin mo naman si Ploktok mula sa palasyo para matulungan tayo dito" Paguutos ni Transmit

"Tweet" Wika ng ibon sabay lipad patungo sa palasyo

"Ilan na ba ang napapatumba niyo ni Ibonara?" Tanong ni Kleng

"Pang-dalawangpu't isa na ang isang ito!" Tugon ni Transmit sabay pakawala ng isang malakas na suntok na dumurog sa paa ng isang higanteng bato

"Dalawampu't isa?" Wika ni Kleng

"Transmit kung gayun may tatlumpu't dalawang higante pa ang dapat nating durugin" Sigaw ni Kleng kay Transmit 

"Obvious ba? Ayun nga sila o, patungo na sa palasyo," Wika naman ni Transmit 

"Oo nga, sabi ko nga e" Tugon ni Kleng 

Agad  na pumitas si Kleng-kleng ng bulaklak at sinimulang ilipad sa ere isa-isa ang mga higante papalayo sa palasyo. May kahirapan ang gawaing ito sapagkat napakalaki ng mga naturang mga higanteng bato at di lang yun, lubhang napakarami pa sa kanila ang nalalabi ang hindi pa napipilayan ni Transmit kung kaya't malaya pa silang nakakapaminsala sa lahat ng madaraanan nila. At ang isa pang problema ay yung mga nadurog na ang mga paa ay nakakaya pang kumandi-kandirit o kaya naman gumapang kung ang dalawa nitong paa ang nadurog na. 

KlopeysyusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon