At tinawag na nga ni Transmit si Ibonarra para ilipad sya sa tuktok ng isa sa mga higante. At nang marating nya ulunan nito ay agad nyang natanaw ang isang ilog na bumabagtas mula sa labas ng gubat papasok sa loob at palabas muli sa kabilang dako ng gubat. At ng masiguro nga nya iyon ay agad na sinuntok ni Transmit mula sa bunbunan ang higanteng kanyang kinatatayuan ngunit parang daplis lamang ang kanyan nagawa pagkat lubhang napatibay ng mga ito.
"Napakatibay talaga nila ngayon! Wa epek ang mga suntok ko" Nasabi ni Transmit sa sarili ngunit di nya alintana ay bigla syang nahagip ng kamay ng isa sa higante na siya namang dahilan upang ikalaglag niya mula sa kanyang kinatatayuan sa ulunan ng isa sa higante at kamalasang tumama ang kanyang ulo sa isang malaking sanga ng puno habang siya ay pabagsak sa lupa.
Dahil dito ay nawalan ng malay si Transmit at tanging si Ibonarra lamang ang tanging nakasaksi sapagkat sa pagkakawalay nila sa kanilang mga kasamahan ay tuluyan na nga silang nagkaligaw-ligaw.
"Mga kasama! Natatanaw nyo pa ba si Transmit, nasaan na sya?" Tanong ni Kleng habang nakatingala sa mga higanteng bato
"Hindi na namin sya matanaw dahil sa biglang paglago ng mga dahon ng mga puno dito sa gubat" Sagot ng isa sa kanila
"Lagot, yan na nga ba sinasabi ko, nagkaligaw-ligaw na tayo. Mga kasama patuloy nyong tutukan ang mga higanteng ito pero alalay lang. Marahil nasa itaas pa nito si Transmit" Utos ni Kleng-kleng
Ngunit lingid sa kaalaman nina Kleng-kleng ay nahulog na pala si Transmit mula sa higante at walang malay.
Samantala, habang nangyayari ang ganitong mga kaganapan ay sinamantala ni Seladon ang tumakas at iniwan na lamang niya ang kanyang tamaraw na si Abida na noon ay kasakasama na ni Chipengaluk.
Patuloy na sinundan nina Kleng-kleng ang mga higante na sa akalang nasa itaas pa si Transmit hanggang sa unti-unti na silang papalayo sa kinabagsakan ni Transmit. At makalipas ang isang araw ay tuluyan na ngang nagkawalay ng landas sina Transmit at Ibonarra kina Kleng-kleng at mga kasamahan nila. At unti-unti na ring nagising at nagkamalay si Transmit.
"Aaah... oh my head hurts. Where am I?" Tanong ni Transmit sa sarili ngunit tanging si Ibonarra lang ang kanyang nasulyapan na nagbantay sa kanya sa buong magdamag.
"Tweet, tweet!" Tugon ni Ibonarra ng may kagalakan dahil nagising na din si Transmit.
Dahil sa tindi ng pagkakabagsak ni Transmit at pagkauntog ng kanyang ulo sa isang malaking sanga na dahilan ng kanyang pagkawalang malay at lumaon ay pagkalimot nito.
"Where am I? What happened? What is this place?" Tanong muli ni Transmit na naguguluhan at walang maalala.
"What's this cute birdie doing here? Oh my head hurts" Wika ni Transmit
"Tweeet, tweeeeet" Tugon ni Ibonarra na ibig ipahiwatig ang tunay na katauhan ni Transmit at kung ano ang nangyari sa kanya matapos niyang mapagtanto na nagkaroon ng amnesia ang kanyang amo.
Patuloy na sinusundan nina Kleng-kleng ang mga higanteng bato na nasa isip nilang nasa tuktok pa nito si Transmit ngunit matapos ng isang linggong pasunod nila dito ay nagduda na rin sila sa kalagayan ni Transmit at di lang yun, di nila namalayan na nakalabas na pala sila sa gubat ng walang patutunguhan sa pagsunod nila sa mga higante na siyang nakakakita ng daan palabas.
"Mga kasama! Wala ba kayong napapansin?" Tanong ni Kleng-kleng
"Meron nga po, bagong rebond po pala ang buhok nyo" Ani ng isang binata
"Hindi yun, although thanks at napansin nyo rin. Ang ibig kong sabihin ay tignan nyo ang ating kapaligiran" Sabi ni Kleng-kleng
At ang lahat ay nagmasid sa kanilang paligid at napagtanto nila na sila pala'y nasa labas na ng kagubatan
"Yehey! Sa wakas nakalabas na rin tayo, makakauwi na rin tayong lahat!" May kagalakang sigaw ng isa sa kanila at lahat sila'y naghiyawan sa sobrang tuwa.
Ngunit sila'y agad na pinigilan ni Kleng-kleng.
"Magsitigil kayong lahat! Di pa napapanahon na tayo ay magalak ng todo! Alalahanin niyo na may mga higanteng bato pa tayong dapat tapusin at si Transmit at Ibonarra ay di pa rin natin nakakasama hanggang ngayon. At wag niyo ring kalimutan ang ating hari at kanyang pamilya kasama na ang iba pa nating mga kasamahan na nawawala" Paalala ni Kleng
"Ay oo nga pala, so ano na ang ating susunod na gagawin ngayong nakalaya na tayo sa gubat na iyon?" Tanong ng isa nilang kasamahan
At sa oras na ito ay lumayo na sina Kleng-kleng mula sa dalawang higante na di lumaon ay nagkahiwalay na din ng landas mula sa isa't isa tulad ng nauna nilang kasamahang higanteng bato.
"Ang makabubuti pa ay ating planuhing mabuti ang ating mga dapat gawin sa sitwasyong ito" Sagot ni Kleng.
At noon nga ay pinulong ni Kleng-kleng ang lahat ng mga mamayan upang pag-usapan ang kanilang susunod na nararapat na gawin sa sitwasyong kanilang kinalalagyan ngayon.
Samantala, si haring Ngepoy kasama ng kanyang pamilya at mga kasamahan na ligtas na nakatakas mula sa pagkakagiba ng mga higanteng bato sa kanilang palasyo ay ngayon ay nasa isang lihim na lugar na tanging ang hari lamang ang nakakaalam ng daan patungo dito.
"Ngepoy, sa tagal ng ating pagsasama, ni hindi mo man lang nabanggit kailan man ang tungkol sa lugar na ito. Bakit mo nagawang maglihim sa akin? Aminin mo! mayroon kang ibang babaeng tinatago dito ano?! Magtapat ka!" Usisa ng reyna
"Ano bang pinagsasabi mo diyang ibang babae? Umiral na naman yang pagkaselosa mo nang wala sa lugar. Oo, aaminin ko, nilihim ko nga sa iyo ang lugar na ito pero sa isang mahalagang kadahilanan." Depensa ng hari
"Aber! At ano itong mahalagang kadahilanang ito?" Usisang muli n reyna
"Kung gayon, makinig ka! Nilihim ko ang lugar na ito dahil sa isang pangako." Wika ng hari
"Pangako? Pangako kanino?" May pananabik na usisa ng reyna
"Sa isang kaibigan." Wika ng hari
"Kaibigan? Sinong Kaibigan?" Tanong ng reyna
"Si Gregorio" Sagot ng hari
"Gregorio? Sinong Gregorio? Bakla ka ba?" Tanong muli ng reyna
"Anong bakla? Puro ka pagdududa" Depensa naman ng hari
"Si Gregorio! Hindi mo ba naaalala si Gregorio?" Muling sagot ng hari
"Hindi, wala akong naaalalang Gregorio." May paglitong sagot ng reyna
"Ano ka ba Klorina! Hello, senior moments....si Gregorio" Pang-aasar ng hari
Pok! Sabay kotong ng reyna sa hari. "Wala nga akong kilalang Gregorio! Anong senior moment and pinagsasabi mo!" Galit na wika ng reyna
BINABASA MO ANG
Klopeysyus
FantasiKasaysayan ng isang kaharian na hinarap ang lahat ng pagsubok ng may ngiti sa labi.