Ang Ilog Tralala

30 0 0
                                    

At sinimulan na nga ni Seladon na isiwalat sa kanila ang dahilan kung bakit niya gustong malaman ang mga kayamanan ni haring Ngepoy. 

"Alam niyo kasi, ito pwera biro na, May isang taon na rin ako dito sa gubat na ito at tulad niyo rin ay di ko rin mahanap ang landas na palabas sa gubat na ito. Ang totoo niyan ay hindi lang ako at ang aking tamaraw ang naligaw dito, isa kaming batalyon ng mga sundalo. Ang aking ama ay isang heneral ng isang batalyon ng mga sundalo at sinama niya ako at ang aking kapatid na lalaki sa isa niyang misyon at iyon ay ang hanapin ang Ilog Tralala" Kwento ni Seladon 

"Ilog Tralala? Bakit ano ang meron sa ilog na ito?" Tanong ng isang mamamayan 

"Ayon sa nakuhang balita ng aming hari ay dito daw matatagpuan ang pinakamasarap na tuna sa balat ng mundo" Patuloy ni Seladon 

"Ngunit ang tuna ay sa dagat lamang matatagpuan, di ba?" Tanong muli ng isang mamamayan 

"Iyan ang kaibahan ng tunang ito kaya siya tinaguriang pinakamasarap na tuna kasi sa sariwang tubig siya nabubuhay. At di lang yun, ang mga isdang ito ay nagtataglay ng gamot laban sa ano mang uri ng sakit na siya namang makukuha sa dugo nito kapag nainom" Paliwanag ni Seladon 

"Mabalik po tayo sa aking kuwento. At yun na nga po at ipinagutos ng aming hari ang paghahanap sa nasabing tuna at kanyang pinadala ang kalahati ng kanyang mga lupon ng mga batalyon ng sundalo upang hanapin ang nasabing ilog at kasama na nga dito ang batalyon ng aking ama. Lahat-lahat ng batalyon na pinadala ng aming hari ay humigit kumulang na pitong daan at dalawampu (720) na kung saan ang bawat batalyon naman ay binubuo ng tig-lilimang daang (500) mga sundalo at ito ay pinamumunuan ng isang heneral. Ang batalyon ng aking ama ay nadestino dito sa lugar ninyo at marami rin kaming mga nakasagupa na mga kalaban ngunit amin silang napagtagumpayang talunin sapagkat kami ay kumpleto sa mga gamit na pandigma at di lang yan, mahuhusay ang lahat ng aming mga sundalo pagdating sa pakikidigma. 

Sa aming pagtatanong-tanong kami ay napadpad sa gubat na ito sapagkat may nakapagsabi sa amin na ang nasabing ilog ay nasa loob nito ngunit laking pagkakamali namin at nagtiwala kami sa nasabing taong iyon sapagkat ng aming napasok na ang gubat na ito ay di na namin natagpuan ang daang palabas hanggang sa kami kami'y nagkaligaw-ligaw na din. Nawalay ako sa aking ama at kapatid kasama lamang ng alaga naming tamaraw at simula noon ay di na kami nagpangita dito sa loob ng gubat na ito pero batid ko na nandito pa sila at naliligaw pa din tulad natin." Pagkukuwento ni Seladon 

"E, paano ka naman nabuhay dito ng nag-iisa at papaano mo rin nalaman ang tungkol sa kayamanan ni haring Ngepoy na iyong hinahanap?" Tanong ni Kleng-Kleng 

"Tama na, marami na kayong gustong malaman. Ngayon sasabihin nyo na ba kung saan nandoon ang mga kayamanan ni haring Ngepoy?" Tanong ni Seladon 

"E puro ka lang wento na wala namang wenta, yung dapat naming malaman ay di mo naman sinabi, hunghang ka pala e! Bakit mo nga gustong malaman ang kayamanan ni haring Ngepoy, sagot!" Galit na sambit ni Transmit 

"Yun lang ang tanging paraan para makalabas dito sa gubat na ito! Ano masaya ka na? Kaya saan na yun?!!!!" Tanong ni Seladon 

"Waahaha! Yun ba ang dahilan kaya gusto mong malaman ang kayamanan ni haring Ngepoy, pwes, magtanim ka na ng cocoa at malabo mo nang makuha yun sapagkat ang mga kayamanan niya ay nasa kanyang palasyo sa labas ng gubat na ito! Waahaha!!!" Pangungutya ni Transmit 

"Totoo bang lahat ng sinasabi mo o ini-stir mo lang ako, joke, joke lang ito no?" May pag-aalinlangang tanong ni Seladon 

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala, wag mo!" Sagot naman ni Transmit 

"Kung gayun ay.................... waaaahhhh............ paano na ito??!!!! Paano na ako makakalabas sa gubat na ito........... wwaaahhh!" Pagwawala ni Seladon 

"Huminahon ka Seladon, malamang ay may iba pang paraan para makalabas sa gubat na ito... Ano relaks ka lang" Ani ni Kleng-kleng. "Eto kumain ka muna ng pansit palabok at lumpiang shanghai" Pag-aalok ni Kleng-kleng sabay abot ng mga nasabing pagkain 

At huminahon na nga si Seladon at nilantakan ang palabok at shanghai na inabot ni Kleng-kleng. At nang maubos na nya ang mga nasabing pagkain at akmang iinumin na ang tubig na nagtataglay ng gamot ay agad na hinablot ito ni Kleng-kleng mula sa kanyang kamay gamit ang kanyang shendril. 

"Hahahahahaha! Ngayon nasa aming kamay na ang gamot at ikaw naman ang nagtataglay ng lason sa iyong katawan. Kanino ngayon ang huling halakhak" Ani ni Kleng-kleng at may biglang humalakhak na isang mamamayan ng Klopeysyus sabay sabing "Sa akin!" 

Agad na hinalo ni Kleng-kleng ang nasabing tubig sa baon nilang tubig at pinainom isa-isa ang mga tao at habang nangyayari ito ay pangisi-ngisi lamang si Seladon 

"Bakit ka ngingisi-ngisi dyan? Di ba't nagtataglay sa iyong mga ugat ang lason na sa iyo din nagmula at nasa amin na ang gamot laban dyan" Ang tanong ni Kleng-kleng 

"Ang totoo nyan ay.......... sige na nga, wala naman talagang lason ang mga pagkaing pinakain ko sa inyo. Nagtataka nga ako kung bakit nanghina kayong lahat, psychological lang ata yun kanina" Pagtatapat naman ni Seladon 

"A ganun pala! Kung gayon malalasap mo ang bangis ni Transmit dahil sa pagbibilog mo sa aming ulo" Galit na tugon ni Transmit 

At nang akmang kokotongan na ni Transmit si Seladon ay biglang yumanig ang buong kagubatan. Ang dalawa sa mga higanteng taong bato ay natunton na rin ang kanilang kinalalagyan at nakarating na din sa loob ng gubat. 

"Ang mga higanteng bato, nandito na! Humanda kayo sa pakikipaglaban!" sigaw ni Transmit 

"Kleng, humanda ka at tipunin ang lahat, kailangang makatakas tayo dito sa gubat na ito, ngayon din!" Ani ni Transmit 

"Ngunit papaano? Saan tayo pupunta?" Tanong ni Kleng-kleng 

"Di ko rin alam, di ko rin alam!" Tugon ni Transmit 

At nagsimula na ngang wasakin ng mga dambuhalang taong bato ang bawat bagay na kanilang madaanan habang paiwas-iwas lamang sina Transmit at ang mga kasama nya. 

"Di ba't nasa gubat tayo ng walang patutunguhan, kung gayon atin lamang iligaw ang mga higanteng iyan" Mungkahi ng isa sa kanila 

"Kung alam ko lang kung papaano ay kanina ko pa ginawa" Tugon naman ni Transmit. 

At ganun na lamang ang tanging nagagawa nina Transmit at ng kanyang mga kasamahan, ang umiwas sa mga higante sapagkat lubhang napakalakas na ng mga higanteng yaon at di sila maaring maghiwawalay at baka sila'y magkaligaw-ligaw na. 

"Alam ko na!" Tugon ni Kleng-kleng na tila may naisip na solusyon. 

"Ano yun Kleng?" Tanong ni Transmit 

"Kung ang isa sa atin ay marating ang tuktok ng higanteng mga batong ito at sa taas nila ay maari siguro nating matanaw mula doon ang daan palabas sa gubat na ito" Suhestiyon ni Kleng. 

"Maari, kung gayun ako na ang papanhik at pagkatapos nun ay susubukan kong muling durugin sila ng aking mga kamao." Mungkahi ni Transmit

KlopeysyusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon