Panlilinlang ba o Katotohanan na?

17 0 0
                                    

Samantala, ating muling sariwain ang kaganapan sa buhay ni Kleng-kleng kung saan siya'y akmang tatapusin na ng mga kawal ng heneral nang walang anu-ano ay lumindol ng napakalakas na sa animo'y nasa intensity 100 sa richer scale at tanging sa kagubatan lamang naramdaman ang naturang paggalaw ng lupa. Dahil sa lindol na ito'y napadapa ang lahat ng mga kawal at ang heneral na rin sa lupa maliban na lamang kay Seladon na napanatili ang sarili na nakatayo at magawang ibalanse ang sarili na naaayon sa paggalaw ng paligid. Ginamit niya ang pagkakataon para iligtas si Kleng-kleng mula sa mga kawal at ng heneral.

"Anong ibig sabihin nito?... Aaarraayy" Ang namimilipit sa sakit at nalilitong tanong ni Kleng-kleng

"Wag ka nang magtanong at magtiwala ka na lang sa akin para sa kaligtasan ng iyong buhay, ok?" Wika naman ni Seladon at kanya na ngang binuhat si Kleng-kleng para itakas sa mga nakahandusay na mga kawal kasama ang kanilang heneral.

"Anong ibig sabihin nito Seladon? Hoy!" Sigaw ng heneral na wala na ring nagawa dahil sa patuloy na paglindol na patuloy na nagpapadapa sa kanila sa lupa.

At ganoon na nga at wala na ring nagawa si Kleng-kleng kundi ang sumugal ng tiwala kay Seladon dahil na rin sa tindi ng sakit ng sugat na kanyang tinamo. Bagama't sya'y nagulat sa lakas na taglay ng dalaga at nakaya siyang buhatin nito, dagdag pa dito na hindi man sya naapektuhan ng lakas ng lindol.

"Saan mo ko dadalhin, Seladon, maitanong ko lang, aaahhhhh...oouucchhh!" Tanong ni Kleng-kleng sa dalaga

"Ilalayo muna kita sa kanila at dadalhin sa isang ligtas na lugar para gamutin ang natamo mong sugat." Ang siya namang tugon ni Seladon na patuloy ang paglalakad habang buhat-buhat si Kleng-kleng sa kalagitnaan ng malakas na lindol.

Tumagal ang napakalakas na lindol ng isang araw na nagpasuka sa heneral at lahat ng kanyang kawal dahil na rin sa pagkahilo at pagbaliktad ng kanilang mga sikmura. Sapat na ang ganoong panahon upang mailayo ni Seladon si Kleng-kleng at tuluyang mailigaw na rin nya ang hukbo at di na sila masundan. At nang humupa na rin ang malakas na lindol ay matagumpay na nadala ni Seladon si Kleng-kleng sa isang ligtas na lugar sa loob ng isang yungib kung saan una nang napuntahan nina Kleng-kleng noong kasama niya sina Transmit, mga taong-bayan ng Klopeysyus at mga kasamang hayop.

"Sige dito na muna tayo at kailangan na nating malapatan ng lunas ang iyong malalim na sugat, kaya't konting tiis lang at huhugutin ko na itong palaso sa iyong tagiliran, watsa!" At di man lang nagbilang ng hanggang tatlo ay agad na hinugot ni Seladon ang nakaturok na palaso sa tagiliran ni Kleng-kleng at umalingawngaw sa kagubatan ang hiyaw ni Kleng-kleng dahil sa sakit.

"Aaarraayyy!!!" Umiiyak na sigaw ni Kleng-kleng matapos na mabunot ang palaso sa kanyang tagiliriran.

"Ok, ok tapos na, wala na, see, eto na yung palaso, ok don't cry na. Parang kagat lang ng langgam di ba?" Paglilibang ni Seladon kay Kleng upang maibsan kahit kaunti ang sakit na nararamdaman sabay pagpag sa mga langgam sa katawan ni Kleng-kleng sapagkat sa di sinasadya ay nailapag pala siya ni Seladon sa bahay ng mga hantik.

At matapos mabendahan ang sariwang sugat ni Kleng ay nagpaalam muna si Seladon na kailangan niyang iwanan muna samandali si Kleng sa kadahilanang kailangan niyang kumuha ng dahon ng aratilis na kanyang itatapal sa sugat nito upang tuluyang gumaling.

"Aratilis?! Sigurado ka ba dyan? Baka lalo pa akong maimpeksyon sa itatapal mong dahon ng aratilis tsaka papaano ka muling makakabalik e nasa gubat tayo ng walang patutunguhan na ang ibig sabihin ay malaki ang tsansang maliligaw ka" Tugon ni Kleng-kleng kay Seladon

"Wag kang mag-alala, magtiwala ka sa akin at akong bahala sa iyo, ok? Relaks ka lang diyan at pagbalik ko bukod sa dahon ay magdadala na rin ako ng pagkain at inumin natin ok? Tapos, tayo'y mag-uusap at alam kong maraming katanungan gumugulo sa isipan mo ngayon dahil sa mga kaganapang ito, ok? O, siya maiwan muna kita diyan, ha." Pagpapaalam naman ni Seladon

"At ginawa pa akong inakay ng babaeng ito! Bagama't utang ko nga sa kanya ang aking buhay." Naisip ni Kleng-kleng sa sarili habang papaalis na si Seladon

At habang nakaratay si Kleng-kleng sa yungib dahil sa tinamong sugat mula sa mga hukbo ni heneral Ensop ay patuloy ang paglalakbay ni Seladon upang maghanap ng dahon ng aratilis at sa di inaasahang pagkakataon ay siya'y nahuli ng mga tauhan ng heneral sapagkat tumigil na nga ang pagyanig ng kapaligiran dahil sa lindol at nakabawi na rin ng lakas ang heneral at ang kanyang hukbo.

"Kita mo nga naman ang pagkakataon at nahuli pa din natin ang traydor na ito." Wika ng heneral

"Pakawalan niyo ako at hindi ako traydor sapagkat kailan man ay di ako nakianib sa inyong samahan." Galit na wika ni Seladon

"Ows talaga lang ha, e kung gayon ay ba't mo sinusunod ang lahat ng ipagawa namin sa iyo kahit na labag sa kalooban mo? Wag mong sabihin ito'y dahil bihag namin ang iyong kasintahan at binalaang sasaktan namin siya kung ika'y tatanggi sa aming kagustuhan. Hihihihi" May ngiting-asong wika ng heneral

"Napakasama mo talaga! Madapa ka sana!" Wika ni Seladon

"Madapa ka rin! Nasaan ang babaeng kawal ni haring Ngepoy? Ituro mo at kung hindi ay may ipapakilala kaming isang magandang dilag sa iyong kasintahan!" Banta ng heneral

"Hayop! Mga hayop kayo!" Wika ni Seladon

At tuluyan na ngang walang nagawa si Seladon kundi ang sumunod muli sa mga ipinag-uutos ng heneral at dinala nga nya sila sa yungib na kinaroonan ni Kleng-kleng

"Arekup! Ano yun? Parang may dumarating papalapit dito sa yungib." Wika ni Kleng-kleng sa sarili

At dahan-dahan siyang lumapit sa bungad at maingat na ikinubli ang sarili sa isang malaking bato at mula doon ay namataan nya ang paparating na hukbo ni heneral Ensop at kasama si Seladon

"Sabi na nga ba at di mapapagkatiwalaan ang babaeng iyon. Kailangang makatakas ako dito." Wika ni Kleng sa sarili ulit kasi wala naman siyang ibang kasama sa yungib.

At dala ang kanyang shendril at kramil ni Transmit ay namimilipit sa sakit na tinungo ni Kleng-kleng ang kaloob-looban ng yungib sa pagbabakasakaling makakita sya ng iba pang lagusan na maari nyang labasan na tanging gamit niya para magbigay liwanag ay ang kramil na nagsilbing ilaw niya sa loob ng madilim na yungib.

"Huh! Saan kaya patungo ang landas ng yungib na ito? At tipong pababa ang tinatahak kong landas." nawika ni Kleng-kleng sa sarili


KlopeysyusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon