Ang lihim ni Gregorio

10 0 0
                                    

Samantala, ating balikan si Gregorio este si haring Ngepoy at ang kanyang reyna Klorina na patuloy pa ring nagtatalo patungkol sa pagkatao ni Gregorio habang sila at mga kasama nito ay patungo sa isang palasyo ni haring Ngepoy na nasa isang liblib na lugar na nasa gitna at napapaligiran ng pitong naglalakihang bundok ng Klopeysyus.

Buweno, akin ng ikukuwento sa iyo ang lihim patungkol sa lugar na ito at kay Gregorio” Wika ng hari sa reyna

“Kung iyong matatandaan noong una tayong magkakilala bilang prinsipe at prinsesa pa ng mga panahong iyon ay lagi akong may kasamang kawal na siyang nagsisilbing aking tagapagtanggol kahit saan man ako pumunta.” Pagkukuwento ng hari

“Kung gayon, siya si Gregorio.” Pagputol ng reyna

“Wait! Ano ka ba? Sabat ka ng sabat, o ikaw na magkuwento, nawala na ako sa mood.” Pagtatampo ng hari

At mabilis pa sa alas kuwatro y media ay lumagapak ang isang malutong na kotong sa ulo ng hari mula sa mabilis na kamao ng reyna.

"Arekup! Ano ba! Hari ako, hari ako dito, alam mo ba yun?!" Wika ni haring Ngepoy

"O e ano ngayon? Hala ituloy mo na ang iyong walang kakuwenta - kuwentang kwento." Utos ng reyna.

"Buweno uli, yun nga meron akong dating tagapagtanggol pero hindi siya si Gregorio kundi yung alaga nyang bulldog." Pagkukuwento ng hari

"Bulldog si Gregorio?! Si Gregorio ay bulldog?! Wala talaga akong naaalalang may alaga kang bulldog bagkus Gregorio pa ang pangalan" Ang nalilitong nawika ng reyna

"Ok, ok fine, so di ko nga siguro napakilala sa iyo si Gregorio. Anyway, isang araw nang kaming tatlo ay namamasyal ay napadpad kami dito sa lugar na ito. Kami'y lubhang namangha sa kagandahan ng lugar na ito kaya't aming minarapat na manatili muna dito ng kahit na tatlong araw lang upang lubos na masiyasat ang kabuuan ng lugar na ito." Pagpapatuloy ng hari

"At sa aming pagsisiyasat ay aming natuklasan iyong palasyong yaon." Sabay turo ng hari sa palasyong kanilang tutunguhin

"So ang ibig mong sabihin ay matagal ng nakatayo ang palasyong iyan at maari ay bago ka pa ipinanganak?" Siyasat ng reyna

"Maaring pwede ngang magkaganoon pagka't noong ngang amin itong siyasatin ay wala ninuman ang nakatira dito at bagkus ay sa pakiwari namin noon ay matagal na itong inabandona kung sino man ang mga nakatira dito noon" Pagkukuwento ng hari

"Ano naman ang nasabi ng amang hari at inang reyna patungkol dito? May alam ba sila tungkol sa palasyong ito?" Pagtatanong ng reyna sa hari

KlopeysyusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon