Samantala, mabalik tayo kay haring Ngepoy at kanyang mga kasama na ngayon ay nasa loob pa rin ng matalinghagang palasyo at kasalukuyang nasa gitna ng isang napakalawak na bulwagan na halos lahat ng materyales ay kumikinang na parang diamante mula sa sahig, pader hanggang sa kisame nito na pagkataas-taas na animo'y kasing taas ng limang palapag na gusali. Ito rin ay mayroong dalawangpung mga naglalakihang chandelier at ang apat na dambuhalang mga pader nito sa paligid ay nagtataglay ng malalaking mga bintana na kung saan matatanaw ang apat na sulok ng mga lupain ng Klopeysyus. Sa gitna nito ay may bilog na hapag-kainan na may dalawangpung metro dyametro na kayang mapagkasya ang isang daan katao.
"Ngepoy, ano itong lugar na ito?" Tanong ng reyna na manghang-manghang sa kanyang nakikita
"Mahal ko, ito ang nagsisilbing dining room ng palasyong ito." Sagot ng hari sa reyna
"Napakaganda ng lugar na ito at mas malaki at kaaya-aya pa kesa sa ating gumuhong palasyo" Ang may pagkamanghang wika ng reyna
Habang ang lahat ay tulala sa pagmamasid sa paligid ng palasyo ay mula sa isang silid ay nanggaling ang isang aso na dilaw na may itim na kulyar at mabilis na tumakbo patungo sa hari at sinunggaban ito na siyang ikinagulat ng lahat.
"Haring Ngepoy!" Sigaw ni Ploktok sabay bunot ng kanyang sandatang Aser at akmang papanain ang nasabing aso nang siya'y pigilan ng hari
"Huwag Ploktok! Hindi siya kaaway!" Sigaw ng hari
At nang sila'y nahimasmasan ay kanilang napuna na wala namang masamang hangarin ang naturang aso kundi ay sabik na sabik lamang ito na salubungin ang hari na animo'y mag-amo.
"Ngepoy! Kilala ka ng asong ito?" Tanong ng reyna sa hari na ngayon ay kanilang napagtanto na ito pala ay isang dilaw na bulldog.
"Oo Klorina, siya ay anak ng aking tinutukoy na bulldog kanina na si Gregorio" Paliwanag ng hari
At niyaya muna ng hari na ang lahat ay maupo sa paligid ng bilog na hapag-kainan at kanyang ipinagpatuloy ang kanyang pagkukuwento.
"Tulad ng nasimulan kong kuwento; nagawa kong ilihim ang tungkol sa palasyong ito dahil sa pangako ko nga sa ama nitong asong ito na si Gregorio. Bago pa man tayo makasal ay naging tambayan na naming tatlo ang lugar na ito mula ng amin itong matagpuan at ganitong ganito pa rin siya at walang pagbabago noon pa man. Tulad ng inyong napansin ay napuna na din namin ang hiwaga ng lugar na ito noon pa man kaya't masugid naming siniyasat ang buong kapaligiran ng palasyong ito at wala pa tayo sa kalingkingan ng kabuuan nito na sasabihin ko sa inyong ikagugulat ninyo sa laki nito. Aming napagkasunduan na ilihim muna ang aming nalalaman sa lugar na ito sapagkat aming naisip na ito ay maari nating maging kanlungan sa oras ng kagipitan tulad ng nararanasan natin ngayon at baka madiskaril lamang ang adhikaing ito kung malalaman ng lahat kasama na diyan ang ating mga kalaban" Pagkukuwento ng hari
"So anong pangako naman ang pinangako mo sa aso mong si Gregorio?" Tanong ng reyna
"Buweno, isang araw ng muli kaming tumungo dito ay mayroon kaming nakasalubong na isang asong delanas sa daan. Wala kaming alam kung saan siya nanggaling ngunit si Gregorio ay na love at first sight sa kanya. Wala na kaming magawa ng aking tagapagtanggol noon na siya nga pala ay siyang ama ni Transmit at ang tunay na amo ni Gregorio kaya't isinama na rin namin ang syota ni Gregorio dito sa palasyong ito. At upang mabigyan namin ang dalawang magsing-irog ng panahon para sa isa't-isa ay minarapat na lang namin ng ama ni Transmit na iwanan na lang sila dito sa palasyong ito at ng sa ganoon ay mayroon na ring aaso dito para tingnan-tingnan kahit sa tingin namin ay di naman kailangan na.
Lumipas ang tatlong taon na pagsasama nila dito sa palasyo ay sa wakas nagdalang-aso na rin ang asawa ni Gregorio at sa mga panahong ito ay tayo'y nagkakilala at naging magsing-irog na rin kaya't naging madalang na rin ang pagpasyal namin dito sa kadahilanang lagi na tayong nagde-date. Napakalayo kaya ng kaharian ng reyna at ng sa amin at araw-araw ay akin siyang sinusundo at hinahatid siyempre kasama ang batalyon ng mga kawal ng aking amang hari sa pamumuno nga ng ama ni Transmit.
May isang pagkakataon na kailangang dumalo ng pamilya ng reyna sa isang okasyon sa isang kaharian na tanging sila lang ang imbitado kaya't kami'y nagkaroon ng pagkakataon para bisitahin naman namin si Gregorio at ang kanyang pamilya."
"Oo naalala ko nga yun. Yun yung dumalo kami sa koronasyon ni reyna Elsa ng Kaharian ng Erendeyl. At naalala ko pa nga nang pagbalik namin ay tinanong kita kung ano ang ginawa mo nung wala ako at sabi mo nasa palasyo nyo lang ikaw at lagi lang iniisip ako! Sinungaling!" Sambit ng reyna
"Mmmm.....anyway, saan na nga ba tayo? Ay oo nga, so binisita namin si Gregorio at naging masaya ang pagtatagpong iyon sapagkat na-miss namin ang isa't-isa at laking gulat din namin at malaki na nga itong anak nilang si Abanson na noo'y magtatatlong taon na din. Ngunit hindi nagtagal ang aming pagsasaya ng makatanggap kami ng mensahe na dala ng alagang ibon ng ama ni Transmit na siyang ama naman ni Ibonarra na lumipad pa galing sa aming palasyo para maihatid ang ulat sa amin ng ama ni Transmit.
Ayon sa ulat, nung araw ding yun ay bigla na lamang dumaong ang napakaraming barko ng isang kaharian sa dalampasigan ng Klopeysyus ng di man lang nagpaabot ng permiso sa ating hari kaya't agad-agad na ipinag-utos ng aking amang hari sa lahat ng kawal ng Klopeysyus na magsihanda sa pakikidigma upang ipagtanggol ang ating kaharian. Nang aming matanggap ang nasabing balita ay agad-agad kaming bumalik sa palasyo at sa pagkakataong ito ay batid ni Gregorio ang pangyayari kaya't siya'y pilit na sumama sa amin upang makibahagi sa pagtatanggol sa ating kaharian. Amin na lamang iniwan ang kanyang mag-ina sa palasyo na sa tingin namin ay nasa ligtas silang lugar.
Nang aming marating ang palasyo ay nakikipagdayalogo ang aking amang hari sa hari ng kalabang kaharian sa pamamagitan ng mga representante ng bawa't kampo. Aming nabatid na pinagbibintangan ng kalabang kaharian ang ating hari na kinuha at itinago diumano niya ang kanilang asong delanas na siyang alaga ng kanilang prinsesa. At dahil sa pagkawala nito ay nagdulot ng lubos na kalungkutan sa kanilang prinsesa na labis na lamang na ikinabahala ng kanilang hari kaya't personal niya mismong pinamunuan ang paghahanap sa naturang aso para maibsan ang kalungkutan ng kanyang pinakamamahal na prinsesa. Hanggang may nakarating sa kanyang balita na may nakakita raw sa kanilang asong delanas na nandito sa ating bayan at itinatago daw ng ating kaharian sa pamumuno ng aking amang hari. Siyempre tumanggi ang aking amang hari na may kinalaman nga siya sa kanilang mga paratang sapagkat wala naman talaga siyang alam ukol dito at dito na kami kinutubang tatlo na malamang ang tinutukoy nilang asong delanas ay ang asawa ni Gregorio.
Shocking talaga! Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin at nagkakatinginan na lamang kaming tatlo nina Gorio at ama ni Transmit ngunit nababasa ko sa mga mata ni Gorio ang pagmamakaawa na huwag ibunyag ang tungkol sa kanyang pamilya sapagkat ito'y nangangahulugan ng kanilang paghihiwalay. Ngunit paano naman kung di ko sasabihin, e nakaambang na ang isang digmaan na tanging pag-asa na lamang para hindi ito matuloy ay ang ibalik namin ang kanilang aso.
Napakahirap sa kalagayan ko ng mga panahong iyon sa kung anong nararapat na desisyon ang aking dapat gawin. Parehong matimbang ang kadahilanan ng bawat panig na sadyang nagpahirap sa sitwasyon kaya't ito ang aking napagdesisyunan. . . .
BINABASA MO ANG
Klopeysyus
FantastikKasaysayan ng isang kaharian na hinarap ang lahat ng pagsubok ng may ngiti sa labi.