Ang Gubat ng Walang Patutunguhan

30 0 0
                                    

Ngunit bigo sila na makakita ni isa man lang sa mga kasama nila mula sa mga gumuhong palasyo. Maraming mga katanungan ang naglalaro sa kanilang isipan kaya't minabuti muna nilang lumayo upang makapagpahinga at makabawi ng lakas habang ang mga higante ay patuloy sa pagwasak sa buong kaharian ni haring Ngepoy. Ngunit bago pa man sila magpahinga ay sinigurado muna nilang ligtas ang lahat ng mga mamamayan ng Klopeysyus sa pamamagitan ng pagdadala nila sa mga ito sa ligtas na lugar kung saan malayo sa mga higanteng bato. At napadpad nga sila sa isang yungib sa liblib na lugar sa gitna ng isang kagubatan at doon na muna sila nagtago.

Lingid sa kaalaman nina Transmit at kasama nya ay ligtas na nakatakas ang hari, ang reyna, prinsesa, si Kibord, Ploktok at ang mag-asawang Damian at Kuntsita. Bago pa man lubusang nawasak ng mga higante ang palasyo ay mabilis na nakatakas ang lahat gamit ang isang lihim na lagusan sa ilalim ng palasyo na tanging ang hari lamang ang nakakaalam at kanilang binagtas ang kahabaan ng lagusang ito sa ilalim ng lupa patungo sa kabilang ibayo sa labas ng palasyo. 

"Kleng-kleng, sa tingin ko ay ligtas na tayo sa lugar na ito. Atin ng pagpahingahin muna ang mga taong bayan mula sa paglalakbay at ganun na din tayo" Ani ni Transmit na medyo pagod na din 

"Oo Transmit, sasabihan ko na sila" Wika naman ni Kleng 

"Ibonarra, magpahinga ka na rin pero maya't maya ay silipin mo ang kapaligiran para malaman natin kung papalapit na muli sa atin ang mga higanteng bato. Magtulong na lamang kayo ng ating bagong kasanggang tigre sa pagbabantay" Utos naman ni Transmit 

At doon na nga sa yungib na yun nagpalipas ng gabi sina Transmit, Kleng-kleng, ang iba pa nilang kasamahan at ang buong taong bayan ng kahariang Klopeysyus. 

"Ginoong Transmit, papano na po tayo? Makakaya nyo pa bang talunin ang mga kalaban? At ang ating hari at kanyang pamilya, nasaan na sila? Ba't di natin sila kasama dito? Nailigtas niyo ba sila?" Usisa ng isang matandang mamamayan. 

"Huwag kayong mag-alala, gagawa kami ng paraan para masupil natin ang mga kalaban. Hindi namin nagawang mailigtas ang hari kasama ang kanyang pamilya ngunit umaasa kaming sila'y nakaligtas at nasa mabuting kalagayan. Huminahon lamang kayong lahat at manatili dito sa yungib hanggat di pa namin nalulupig ang mga kalaban" Wika naman ni Transmit 

"Umasa kayong bilang mga kawal ng kahariang ito ay di namin kayo papabayaan hanggang sa huling patak ng aming pawis kaya't ipanatag na ninyo ang inyong kalooban at magpahinga na kayo. Ipaubaya niyo na sa amin ang pagtatanggol sa ating bayan. Mang Oweng, kayo muna ng mga anak niyo ang magbantay sa bukana, magpapahinga muna kami nina Transmit" Ani ni Kleng-kleng 

Habang nagpapahinga sina Transmit at Kleng-kleng ay kanilang pinag-usapan ang kanilang gagawing hakbang laban sa mga higanteng bato. 

"Trans, anong plano mo laban sa mga higante" Tanong ni Kleng-kleng 

"Meron akong nasasaisip ngunit may kahirapan pero sa tingin ko'y pwede tayong magtagumpay dito" Wika ni Transmit 

"Ano yun, Trans?" Pagtatanong ni Kleng 

"May alam akong isang bangin na ang lalim ay di mo maalintana. Ito'y malawak at naghahati sa dalawang bayan sa dulo ng ating kaharian" Wika ni Transmit 

"Natuklasan namin ni haring Ngepoy ang lugar na iyon nang minsang naglakbay kami sa lugar na iyon para kumuha ng peanut butter sa isang kaibigan niyang magbobote. May kalayuan din yun mula sa ating palasyo at inabot din kami ng isang linggong paglalakbay hanggang sa marating namin ang lugar na iyon. 

Ang lalim ng bangin na yun, ni hindi mo na nga matanaw ang pinakailalim nito sa sobrang lalim. Sa tingin ko kung maihulog natin ang mga hinayupak na mga higanteng iyon ay di na nilang magagawang makaahon pa mula doon." Pagkukuwento ni Trans 

KlopeysyusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon