Samantala, atin muling kamustahin naman si Kleng-kleng na nasa loob na uli ng Gubat ng Walang Patutunguhan at sa unang yapak pa lamang nya sa gubat ay agad na nagbago ang kanyang paligid na siyang hudyat na inililigaw na sya ng nasabing gubat. Kahit na walang kasiguruhan ang kanyang pakay na mahanap si Transmit ay determinado pa rin siyang mahanap ito ano man ang mangyari.
At sa pagkakataong iyon ay kakaibang pagbabago ang naganap sa kapaligiran ni Kleng-kleng na animo'y isang napakalawak na hardin ang ngayo'y nakapaligid sa kanya na pinapalamutian ng mga naggagandahang mga bulaklak na iba't ibang uri, laki at kulay. Napakaganda rin ng sikat ng araw na hindi gaanong kainitan na para bagang tulad ng pagsikat nito tuwing ala-sais ng umaga. Idagdag pa diyan ang hitik na hitik sa bungang prutas na mga puno na nagtataglay din ng napakayabong na kadahunan.
Sandaling nakalimot si kleng-kleng sa sarili dahil sa pagkamangha sa mga nasasaksihan ng kanyang mga mata. Dito'y nakaramdam sya ng sandaling kapayapaan at kapahingahan buhat sa mga pakikipagdigmaang kanya lamang pinagdaanan. At dahil dito ay minabuti muna nyang mahiga sa gitna ng hardin at matulog samandali at upang makapag-ipon din ng konting lakas bagamat siya'y gutom mas nangingibabaw ang pagod kaysa dito.
"Haayyy..... ang sarap naman dito, makapag-relax nga muna at sobrang stress na ako at kailangang kailangan ko na talaga ang aking beauty rest." At umiglip na nga si Kleng-kleng
Ngunit wala pang limang minutong nakakaiglip si Kleng-kleng ay nabulabog ang kanyang pagkakahimbing ng mga malalakas na dagundong. Agad agad siyang bumangon upang siyasatin ang mga ito at laking gulat nya nang kanyang matanaw ang isang hukbo ng mga kawal na sakay ng mga kalesa at patungo sa kinaroroonan nya. Ang bawat isa sa kanila'y may sariling kalesa na punong-puno ng mga sandatang pandigma at sila ay pinangungunahan ng kanilang pinuno na kanilang heneral. Dahil dito ay agad na naghanda si Kleng-kleng sa pakikipaglaban at hawak ang kanyang shendril at ang pinitas nyang bulaklak ay inabangan niya ang pagdating ng mga ito.
"Mukhang mayroon tayong bisita mga kawal, ihanda ang inyong mga sarili sa pakikipaglaban at huwag nyo siyang mamaliitin kahit nag-iisa sya at babae sapagkat maaring tayo'y nalilinlang lang. Gamitin ang talino sa pakikipaglaban!" Ang wikang utos ng heneral sa kanyang hukbo
At ganoon na nga, agad agad ay sinugod nila ang nag-iisang si Kleng-kleng na siya namang handang dipensahan ang sarili.
Naging marahas ang labanan at tama ang heneral, hindi nga dapat maliitin si kleng-kleng sapagkat lubha silang nahirapan sa kanya at ganoon din ang naging pananaw ni Kleng-kleng sa kanila sapagkat sila din ay mahuhusay at bihasa sa digmaan.
Ginamit ng hukbo ang lahat ng kanilang dalang sandata laban kay Kleng at ganoon din si kleng na binuhos ang kanyang buong lakas at galing sa labanang ito. Di kataka-takang inabot ng isang linggo ang labanang ito sapagkat wala ni isa sa dalawang magkalaban ang sumusuko hanggang sa nagpasya ang heneral na tumigil muna at kausapin ang kalabang si Kleng-kleng.
"Time out, sandali lang binibini!" Wika ng heneral
"Bakit!? Ayaw nyo na?" May galit na tanong ni Kleng-kleng
"Hindi binibini, kami'y labis mong pinahanga sa angkin mong galing sa pakikipaglaban kaya't yaman di lamang di tayo magkatalo ay iminumungkahi ko sana'y tayo'y magkasundo na lamang" Mungkahi ng heneral
"At dapat ko ba kayong pagkatiwalaan gayong kayo ang unang sumalakay sa akin?" Tanong ni Kleng-kleng
"Totoo ka diyan binibini at yan ay di ko itatanggi ngunit nagawa lang namin ito sapagkat marami na kaming nakasagupang mga nilalang na luminlang na sa amin na siyang nagdulot sa amin ng maraming problema kaya't ito lamang ang aming paraan para ingatan namin ang aming sarili" Sagot naman ng heneral
BINABASA MO ANG
Klopeysyus
FantasyKasaysayan ng isang kaharian na hinarap ang lahat ng pagsubok ng may ngiti sa labi.