Samantala, alamin naman natin ang kaganapan sa palasyo ni Haring Ngepoy.
"O ano Ngepoy nabasa mo na ba ang tungkol sa mga mababangis na asong iyan?" Tanong ni reyna Klorina
"Teka, sandali na lang" Sabi naman ng hari
"Alam ko na! Kibord madali ka! Kumuha ka ng maraming kamatis at ibato mo ang mga iyon sa mga mababangis na asong yaan" Ang utos ng hari
"Kamatis? Yan ba ang kanilang kahinaan?" Tanong ng reyna
"Oo madikit lang sa kanila ang isang kamatis ay agad silang magbabago ng anyo, at sila'y magiging isang bulaklak" Sagot ng hari
"Totoo ba yang sinasabi mo?" Tanong ng reyna
"Manood ka na lang, sumakay ka pa! Woman!" Sagot ng hari
"Aba, aba, aba at nawawalan ka na ng respeto sa akin ha!" Sabay pingot sa tenga ng hari
"Ouch! Teka nga! Wag ka ngang parang bata, may mga kalaban pa tayong dapat na asikasuhin!" Sabi ng hari sa reyna
"Kibord nakalipon ka na ba ng maraming kamatis?" Tanong ng hari
"Opo, Haring Ngepoy" Tugon naman ni Kibord
"Kung gayon ay hagisan mo na yang mga aso na yan at ipaalam mo kay Ploktok ang paraan sa paglipon sa mga yan" Utos ng hari
At ginawa nga ni Kibord ang ipinagutos ng hari at laking gulat niya nang makita niya ang pagbabago ng anyo ng mga ito mula sa pagiging mababangis na aso ay naging mababangong bulaklak.
"Di kapanipaniwala! Ploktok! Gamitan mo ng kamatis ang mga yan at magiging bulaklak ang anyo nila" Sigaw ni Kibord kay Ploktok mula sa isang bintana ng palasyo
"Ha?! Sigurado ka ba diyan sa pinagsasabi mo? Kamatis ba ikamo?" Pag-aalinlangang tanong ni Ploktok
"Oo, sigurado ako, ipinagutos ito ni haring Ngepoy at nasubukan ko na at mabisa siya" Sigaw naman ni Kibord
"Ok sige subukan ko siya, bigyan mo ako ng limang kamatis" Utos naman ni Ploktok
"Madikit lang sila sa kamatis at magiging bulaklak sila ha, Kibord?" Paniniguro ni Ploktok
"Oo sabi, kulit, sige na subukan mo na!" Wika naman ni Kibord
At ganoon na nga ang ginawa ni Ploktok, hawak sa magkabilang kamay ang dalawang kamatis at dahil na rin sa angking bilis ay nagawa niyang gawing mga bulaklak ang mga mababangis na aso sa pamamagitan lamang ng pagdikit nito sa kanilang mga katawan at nagmistulang isang napakalawak na hardin ang lupain ng Klopeysyus.
"Wow! Kay gaganda ng mga bulaklak, dad!" Wika ni Prinsesa Melawina
"Siyempre naman, ako yata ang nakadiskubre ng kahinaan ng mga asong iyan" Pagyayabang naman ng hari
"Pero papanong nangyari na kapag nadikit ang mga asong iyan sa kamatis ay nagiging bulaklak ang mga ito?" Nagugulong pagtatanong ng prinsesa
"Mahabang istorya, mamaya sa hapunan ay aking ilalahad ang misteryong kinababalutan niyan" Ang tugon naman ng hari
BINABASA MO ANG
Klopeysyus
FantasyKasaysayan ng isang kaharian na hinarap ang lahat ng pagsubok ng may ngiti sa labi.