Ang Mga Epes

18 0 0
                                    

Samantala, doon naman tayo sa Baryo Lasaneo kung saan patuloy na sinasagupa nina Transmit at Kleng-kleng ang mga higanteng taong bato.

"Kleng, aabutin tayo dito ng sampu-sampu kung ganito lang ang ating kayang tibagin dahil sa lubhang napakalaki nilang talaga para sa atin", Ang sabi ni Transmit.

"Oo nga, kaya mo nga silang tibagin ngunit dahil sa laki nila tanging baha-bahagi lang ng kanilang katawan ang iyong natitibag at nasa iisang taong bato ka pa lang" Sagot naman ni Kleng.

"Tama ka diyan ate! Mayroon ka bang naiisip na paraan pang iba?" Tanong ni Trans.

"Sa katunayan, kanina ko pa nga naisip ito bago pa man dumating ka dito," Ang sabi naman niya

"Pambihira! May naisip ka na pala di mo man lang sinasabi sa akin," Ang sabi ni Trans.

"Ganito kaya ang gawin natin, atin kayang ituon ang ating lakas sa kanilang mga paa at binti. Sa ganoong paraan ay maaring nakakakilos pa sila ngunit di na sila makakalakad pa at makakalayo sa kanilang kababagsakan" Ang suhesyon naman ni Kleng.

"Oo nga ano, magandang mungkahi iyan, sige pipilayan namin ni ibonarra ang mga ito ng isa-isa at kapag napabagsak na natin silang lahat ay pagtiyagaan nating pulbusin sila ng isa isa. Ibonarra, tayo na!" Ang sambit naman ni Trans.

At sinimulan na nga nila ang naisip na paraan, ngunit di pa sila nakakapag-umpisa ay may narinig silang isang tinig ng isang taong papalapit sa kinaroroonan nila na humihingi ng saklolo.

"Saklolo, saklolo! Mga kawal ng hari! Saklolo saklolo" Ang sigaw ng isang matandang lalaki.

"Hep-hep, diyan ka lang at baka mapahamak ka pa dito paglumapit ka pa, anong kailangan mo?" Ang tanong ni Kleng-kleng.

"Parang awa niyo na tulungan niyo kami, sinasalakay ang aming baryo sa ngayon ng mga mababahong epes na sinlaki ng mga papaya!"  Ang sagot ng matandang lalaki

"Ilan ba yun? Di niyo po ba kayang pagtulong tulungan na lang? Di niyo po ba nakikita na abala kami sa ngayon?" Sagot sa kanya ni Kleng.

"Parang awa niyo na, di namin sila kaya, lubhang napakarami nila, may apat na daan din silang mahigit na sumasalakay sa amin at napakalakas nila para sa amin." Ang sabi naman niya

"Kleng, sige na saklolohan mo na sila, kaya na namin ni Ibonarra dito, mas makakabuti kung nandoon ka para masigurado mo ang kaligtasan ng mga mamayan doon" Ang sabi naman ni Trans kay Kleng.

"O sige na nga, ikaw lalaki anong pangalan mo at saan ang lugar ninyo na sinasalakay na mga dyiganteng mga epes" Tanong niya

"Ako po si Oweng, at ang baryo ko po ay ang Baryo Ayapontik-payow sa may hilaga, kung maari ay bilisan po natin bago pa po mahuli ang lahat" Sabi ni Oweng

"O sige na pupunta na tayo! Trans, pwede bang mahiram muna si Ibonarra, magpapahatid lang kami sa baryo nitong si Oweng" Ang sabi naman ni Kleng

"Sige, pabalikin mo lang kaagad siya para matulungan niya naman ako dito, ok?" Tugon ni Trans.

At kapit sa mga paa ni Ibonarra habang ito ay lumilipad, nilipad nina Kleng-kleng at Oweng ang Baryo Ayapontik-payow para saklolohan ang mga mamayan dito. At sa kanilang pagdating sa baryong yaon kanilang nasaksihan ang pakikipaglaban ng mga mamamayan laban sa mga sumasalakay na mga epes. Isa sa nakatawag pansin kay Kleng-kleng ay ang magiting na pakikipaglaban ng isang binatilyo laban sa mga kaaway kaya tinanong niya si Oweng kung sino ito.

"Sino yung lalaking iyon na mahusay sa pakikipaglaban sa mga epes?" Tanong ni Kleng-kleng kay Oweng, sabay turo sa binatilyo.

"Ah, siya po ba, siya ang aking anak, pangatlo siya sa pito ko pong mga anak na tatlong lalaki at apat na lalaki. Siya po si Rizem." Tugon ni Oweng

"Ganun ba", tugon ni Kleng

"E ang iba niyang mga kapatid nasaan?" Tanong ni Kleng

"Andun po sila at nakikipaglaban din po" Sagot naman ni Oweng

At agad na tinungo nila ang mga kalabang epes at ibinababa sila ni Ibonarra sa gitna ng labanan at bumalik na ito kay Transmit para tulungan siya sa pakikipaglaban sa mga higanteng bato.

"Dad, buti nakabalik kayo kaagad at siya na ba ang tulong na ating hinihintay?" Ang tanong ni Rizem

"Oo siya nga, siya si Kleng-kleng, isa sa mga kawal ni haring Ngepoy" Sabi naman ni Oweng

"Maraming salamat po at sinaklolohan niyo po kami dito binibining Kleng-kleng" Ani ni Rizem

"Walang anuman" Tugon naman ni Kleng.

Agad na pinakawalan ni Kleng-kleng ang bangis ng kanyang "shendril", sa isang latay lamang nito sa mga gapapayang mga epes ay agad nitong napatay ang mga ito at mabilis niyang nalipol ang mga epes sa tulong na rin ng mga mamamayan ng baryong yaon.

"Naku, maraming salamat po binibining Kleng-kleng sa inyong pagtulong sa amin, hayaan niyong pagsilbihan muna po namin kayo ng konting makakain at maiinom" Ang pagaalok naman ni Oweng habang tinitipon niya ang mga nalipol na mga epes upang adobohin.

"Naku maraming salamat na lang ho pero kailangan ko ng bumalik kaagad sa Baryo Lasaneo para tulungan ang aking kasamahan sa pakikipaglaban sa mga higanteng taong bato" Tugon naman ni Kleng-kleng

"Kung gayon gamitin niyo na po itong aming kalabaw para makarating po kayo kaagad sa inyong pupuntahan" Pagaalok muli ni Oweng

"A e, hehe... sige po maraming salamat sa inyong kagandahang loob" Sabi naman ni Kleng

"Sana ay makabalik po kayong muli dito sa amin" Sabi ni Oweng

"Wag kayong mag-alala, pag natapos na namin ang digmaang ito ay papasyal kami dito sa baryo niyo balang araw" Ang sabi ni Kleng-kleng

At sakay ng kalabaw nagpaalam na si Kleng-kleng sa mga mamamayan ng Baryo Ayanpontik-payow at tinungo na niya ang Baryo Lasaneo para tulungan si Transmit.

KlopeysyusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon