At naputol ang pagkukuwento ng hari ng bigla na lamang kumulog at kumidlat sa labas ng palasyo ng pagkalakas - lakas na sadyang nakakabingi ng pandinig.
"Aaayyyyyyyy" sigaw ni prinsesa Melawina na nagulat sa naturang kulog at kidlat at ganoon din ang lahat.
"Ay ano ba yun? Pagkalakas - lakas naman ng kulog at kidlat na iyon a." Ang nawika ni aling Kuntsinta
"Oo nga, buweno, tayo'y manatili lamang muna dito hanggang sa lumipas ang mga kulog at kidlat na yaon. May malakas na ulan atang darating." Wika ng hari sa lahat
Samantala, lingid sa kaalaman ng hari at ng kanyang mga kasama na ang naturang napakalakas na kulog at kidlat ay di pangkaraniwang pangyayari ng kalikasan sapagkat isang puwersa ang nagdulot dito upang mangyari. At ang puwersang iyon na humugot sa matinding lakas ng kulog at kidlat ay nagmula sa isang lalaking walang saplot sa katawan maliban na lamang sa isang malaking dahon na nakatakip doon. Ang lalaking ito ay may balat na kulay maroon, matipuno ang pangangatawan, may taas na sampung piye at kung saan man siya nanggaling ay wala pang nakakaalam. Sadyang napakahiwaga ng lalaking ito na dumating sa tamang oras kung saan nasa bingit ang buhay ni Kito sa kamay ng isang higanteng taong bato. At sa pamamagitan ng paghugot nya ng lakas ng kulog at kidlat mula sa himpapawid gamit ang kanyang mga palad ay siya naman niyang ibinato ang nakuhang lakas sa higanteng bato na nagdulot ng agaran nitong pagkadurog sa tindi ng lakas ng puwersa na kanyang tinanggap.
Walang kamalay-malay si Kito sa mga nangyayari sa paligid niya kasi nga'y nawalan siya ng malay ngunit si Transmit na nakasaksi ng lahat ay di makapaniwala sa mga kaganapang naganap.
Matapos ang pangyayari ay agad nilapitan ni Transmit si Kito upang alamin ang kanyang kundisyon ngunit balot pa rin siya ng takot mula sa taong kulay maroon na pinagmamasdan lamang sila matapos nitong durugin ang higanteng bato.
"Kito! Kito! Wake up!" Sigaw ni Transmit para magising si Kito
Ngunit wala pa ring malay si Kito kaya't isang bagay na lamang ang naisip ni Transmit na maari niyang gawin para magising si Kito.
"Kito, forgive me but I have to do this for your own good" Bulong ni Transmit kay Kito
At agad na tinungo ni Transmit ang dalawang butas ng ilong ni Kito at itinutok niya dito ang kanyang likuran sabay pakawala ng hanging amoy bugok na itlog na agad namang nagpabangon kay Kito mula sa pagkakatulog.
"AAAhhhhhhhggggggggghhhhhhh!!!!!!! Ang sama sama ng amoy na yun!!! Pweh! Pweh! Pppweeeehhhhhhh!!! Tusok!!!" Nandidiring sigaw ng gising na gising ng si Kito.
"Kito! Thanks goodness! You're awake!" Sigaw ni Transmit
"Grabe! Grabe talaga yung amoy na yun, pweh! Kaibigan! Anong amoy ba yun at bakit na sa may ilong ko ikaw nang ako'y magising?" Nalilitong tanong ni Kito
"Its just amonia, you we're unconcious." Tugon naman ni Transmit
"Hindi! Hindi amonia yun, hindi ganon ang amoy ng amonia, matindi yung amoy na yun. Pweh!" Wika naman ni Kito
"Anyway, are you all right?" Tanong ni Transmit
"Arggghh...mmmm, ok na din, woohh! Tindi ng amoy na yun, di pa rin maalis sa ilong ko, grabe! Nalasahan ko pa!" Wika naman ni Kito
"Ok Kito, I have something to say to you, listen, we have company." Wika ni Transmit kay Kito sabay turo sa lalaking kulay maroon na sumaklolo sa kanya.
"Sino siya, taong maliit? Kaibigan ba siya o kalaban? Pweh! ang baho talaga! Pweh, pweh!" Masuka-sukang tanong ni Kito
"He's not a foe but hopefully a friend. He rescued you Kito from that giant stoneman and man, does he have super power. Wait, let me try to talk to him." Wika naman ni Transmit
BINABASA MO ANG
Klopeysyus
FantasyKasaysayan ng isang kaharian na hinarap ang lahat ng pagsubok ng may ngiti sa labi.