Si Kito, Ang Higanteng Mandirigma

29 0 0
                                    

Samantala, atin munang muling balikan ang mga kaganapan sa gubat kung saan naroroon si Transmit at ang kanyang ibon na si Ibonarra.

"My Golly! Where could I be? How come I can't remember anything?" Asked Transmit to himself

"Tweet, tweeeeeettttttt!!" Ang tanging masasabi lamang ni Ibonarra na pilit na ginagawa ang lahat ng kanyang magagawa upang maintindihan lamang sya ni Transmit.

"Hey there, little birdie. Why don't just fly away coz I'm having a bad day today and I can't remember anything, where am I and most of all, who am I and your tweeting is not helping but making my headache worsen." Said Transmit to the bird

Yaman din lang na hindi sya naiintindihan ni Transmit, isang bagay ang naisip ni Ibonarra at iyun ay ilipad na lamang si Transmit pataas ng pataas habang dakma ang buhok ni Transmit hanggang makalabas na sila ng gubat.

"Ouch! You stupid bird! let go of my hair!!!! Ouchhhhhhhhh!!!!" Angrily said Transmit to the bird.

Dahil na din sa determinasyon ni Ibonarra ay nagawa niyang mailabas si Transmit at ang kanyang sarili sa walang humpay na paglipad pataas hanggang sa sila nga'y makalabas na ng tuluyan mula sa gubat. Habang naghahanda na si Ibonarra sa pagpadpad nila sa lupa ay may isa pa palang higanteng bato ang sumalakay sa kanila. At sa pamamagitan ng malakas na paghawi sa kanila ng kamay nito na syang dahilan para sina Ibonarra at Transmit ay mapatilapon sa isang mabatong bundok. Kahit na napatilapon sila ng malakas ay nagawa pa ring proteksyunan ni Transmit ang kanyang sarili kaya't kaunting galos lamang ang kanyang natamo ngunit hindi si Ibonarra na nabagok ang kanyang ulo sa mga mabatong bahagi ng bundok na naging sanhi ng kanyang pagkawalang-malay.

"Oh my, that hurts! What was that?" Said Transmit to himself

At paglingon ni Transmit sa gawing kanang bahagi nya ay kanyang nasilayan si Ibonarra na nakahandusay sa batuhan at walang malay kaya't agad-agad niya itong tinungo upang alamin ang kanyang kalagayan. Ngunit habang patungo na si Transmit sa kinaroroonan ni Ibonarra ay kanyang naramdaman ang malalakas na pagyanig ng lupa. Ito'y sa kadahilanang mabilis na patungo sa kanila ang isang higanteng bato na syang umatake sa kanila.

"Oh my, oh my! That giant thing! Its. . . Its. . . coming right at us!" Fearfully exclaimed by Transmit to himself

Kaya't dali-dali nyang pinuntahan ang walang malay na si Ibonarra, kinuha at mabilis na kumaripas ng takbo upang makalayo sa higanteng bato ngunit dahil sa laki ng hakbang ng higante ay sadyang walang magagawa ang pagtakbo ni Transmit at sya'y agaran ding naabutan ng higante at dinakma sa pamamagitan ng malaki at bato nitong kamay.

"Let me go, let us go! What do you want from us? You big monster!" sigaw ni Transmit ng may takot sa higante.

Ngunit walang saysay ang mga sigaw ni Transmit sa naturang higante sapagkat di naman sya naiintindihan nito. At wala na ngang nagawa si Transmit habang dinala na sila ng higanteng bato na kung saan patungo ay di nya alam.

"Help! Help! can anybody hear me!" Shouted Transmit

At walang anu-ano ay biglang napatigil ang higanteng bato sa kanyang paglalakad at ito'y sa kadahilanang tumambad sa harapan nila ang isang higanteng lalaking mandirigma na halos kasinlaki ng higanteng bato! Ito ay may kasuotang tulad ng mga mandirigmang datu at ang kulay ng kanyang kasuotan ay puro pula. Siya ay may dalang sandata na isang espada na invisible.

"Maliit na tao, ayos ka lang ba diyan? Narinig kong humihingi ka ng saklolo." Tanong ng mandirigma kay Transmit

"Yes, yes! I need help! This giant over here have taken us captive and wouldn't let us go." Sagot naman ni Transmit

"Ganun ba, kung gayon ay susubukan ko munang daanin sa pakiusap ang batong ito at baka naman pagbigyan ang iyong kahilingan." Sagot ng mandirigma kay Transmit

At ganoon na nga ang ginawa ng higanteng mandirigma ngunit sya'y bigo na makuha sa pakiusap ang higanteng bato sa kadahilanang di naman din ito nakakaintindi at bagkus ay agaran syang sinalakay nito at nilabanan ang lalaking mandirigma.

Lingid sa kaalaman ng higanteng bato ay bihasa pala ang lalaki sa pakikiglaban at gamit ang kanyang di makitang espada ay nagawa nyang putulin ang dalawang kamay ng higanteng bato na syang dahilan upang makalaya na ng tuluyan si Transmit habang tangan-tangan ang walang malay na si Ibonarra.

At kahit na matagumpay na naputulan ng mandirigma ng mga kamay ang higanteng bato, ay sinubukan pa rin nya itong pakiusapan na tumigil na sa pakikipaglaban at lumisan na lamang ng mapayapa. Ngunit sadyang matigas ang ulo ng higanteng bato kasi nga bato sya, kaya't kahit walang mga kamay ay pilit pa rin nitong nilabanan ang mandirigma. Yaman din lamang di nya madaan sa magandang pakiusapan ang higanteng bato ay minarapat na ng mandirigma na tapusin na lamang ito. At sa pamamagitan ng kanyang di makitang espada ay pinaghati-hati na nya ito ng pira-piraso na para lang nagii-slice ng kalabasa.

"Ginoong maliit na tao, ayos ka lang ba?" Tanong ng mandirigma kay Transmit

"Yeah, I'm ok, thanks! By the way, what's your name, man?" Tanong ni Transmit sa mandirigma

"Ay, oo nga pala, ako si Kito, isang mandirigma na nanggaling sa kaharian ng Disketya sa pamumuno ng aming hari, si haring Kolslo. At kayo po naman, ano rin po naman ang ngalan nyo?" Tanong ni Kito kay Transmit

"Oh me? Oh yes, I'm. . . I'm. . . who am I?" Pagtatanong ni Transmit sa sarili

"Kaibigan, pakiwari ko ay may problema ka. Baka makatulong ako." Pagaalok ni Kito kay Transmit na bigla na lamang napatigil nang bigla nyang naalala na nakalimot pala siya.

"Oh I have no problem, I'm ok but my little friend bird here is not" Sagot ni Transmit

"Oo nga kaibigan, ano bang nangyari sa kanya at mukhang wala syang malay, ayos lang ba sya?' Tanong muli ni Kito

"That I cannot tell. You see, before you came, this little bird have taken me out of a forest for reason that I don't know why. As a matter of fact, I was angry at him grabbing me by my hair and flying me up and out of the forest. Yet, come to think of pwet, I think I owe him a great favor. And as we were in the air, out of the blue this stone giants attacked us and causing me and my friend here to be thrown on the ragged stone mountains. Lucky for me, I was able to protect myself from harm but unfortunately for him, he hit his head on a rock and here he is, unconcious." Pagsasalaysay ni Transmit

KlopeysyusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon