Samantala sa palasyo, habang nagbabantay si Ploktok sa mga tarangkahan ay kanyang natanaw sa di kalayuan ang papalapit na lupon ng mga mababangis na aso na singlaki ng kabayo na sasalakay sa palasyo.
"Kibord! Madali ka dalhin mo sa ligtas na lugar sa loob ng palasyo ang mag-asawa at ipaalam mo sa hari na sinasalakay tayo ng mga mababangis na asong sinlaki ng kabayo. Sa aking tantiya ay nasa isang milyon sila base sa aking natatanaw sa ngayon" Wika ni Ploktok.
At naghanda na rin si Ploktok sa pagtatanggol sa palasyo. Habang nasa isang daang kilometro pa lang ang layo ng mga aso ay nagpakawala na kaagad si Ploktok ng kanyang mga palaso gamit ang kanyang "Aser" at limang daang mababangis na aso ang kanyang napatumba kaagad. At dahil sa kanyang angking bilis ay nakapagpatumba siya kaagad ng limang daang libo sa loob lamang ng limang minuto. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay nagkamali pala siya ng pagkalkula dahil ang tunay na bilang ng mga aso ay humigit sa isang bilyon ang sumasalakay sa palasyo ng araw na iyon.
"Parang ang dami ata nitong mga asong ito, di ko sila maubos ubos!" Pagtataka ni Ploktok.
At kahit pa anong bilis ni Ploktok at kahit pa kayang magpakawala ng "Aser" ng limang daang bala sa isang tirahan ay di lumaon ay unti-unti na rin siyang nauubusan ng diskarte at papalapit ng papalapit na rin ang mga mababangis na aso sa palasyo.
"Siyete! Papaano na ito lubos na napakarami nila para sa akin at di ko rin mahihingan ng tulong sina Kleng-kleng at Transmit dahil sila din ay abala sa pagtatanggol sa Baryo Lasaneo!" Nangangambang wika ni Ploktok
At di na rin nagtagal ay nakapasok na din sa kanlurang tarangkahan ng palasyo ang isang lupon ng mga mababangis na aso.
"Chili con carne! Napasok na kami, papaano na ito?" Ang wika ni Ploktok
Agad na tinungo ni Plok ang kanlurang tarangkahan para sagupain ang mga nakapasok na aso, ngunit sa pangyayaring ito pati na ang timog, silangan at hilagang tarangkahan ay napasok na din. Kaya pati sa loob ng palasyo ay nagkakagulo na din.
"Kibord! Pinasok na ang ating bakuran ng mga mababangis na aso! Dali ka at isarado mo ang lahat ng pintuan ng ating palasyo at pagtimpla mo ako ng mainit na tsaa!" Utos ng hari
"Nagawa ko na po yun Haring Ngepoy, kanina pa po ng hindi pa po gaanong nakalalapit ang mga aso. At opo pagtitimpla ko na po kayo ng tsaa, may gatas po ba?" Ang tanong naman ni Kibord
"Umm, sige" Wika ng hari
Samantala, hirap na rin si Ploktok sa pagtatanggol sa palasyo dahil na din sa sobrang dami na talaga ng mga asong nakapasok at patuloy na sumasalakay sa palasyo, idagdag na diyan na pagod na rin siya dahil na din sa tindi ng init ng araw.
"Siyete!!! Napasok na nilang lahat ang lahat ng aming tarangkahan, ano na ang aking gagawin" Nawika ni Plok sa sarili
At dahil sa pagkalito at kabalisaan ay di naalintana ni Ploktok ang mga kalaban sa likuran niya kaya siya ay nasunggaban ng isa sa mga asong mababangis. Ngunit bago pa man maikagat ng mabangis na aso ang kanyang matatalim na pangil sa leeg ni Ploktok ay may kung anong hayop ang sumunggab dito at nalupig ito sa isang hampas lamang ng paa nito. Laking gulat ni Ploktok ng kanyang maaninag ang hayop na sumaklolo sa kanya, ito ay kulay dilaw at may guhit na itim! Ito pala ay isang matabang tigre! At sa di maipaliwanag na pangyayari ay naging kakampi niya ang naturang tigre sa pagsupil sa mga mababangis na aso.
"Di ko alam kung saan nanggaling ang tigreng ito pero salamat at dumating siya, utang ko sa kanya ang aking buhay" Wika ni Ploktok
Samantala habang patuloy na ipinagtatanggol ni Ploktok ang palasyo kasama ang kanyang bagong kasangga sa loob ng palasyo ay walang kurap na nasaksihan ng hari ang mga pangyayari habang nakadungaw sa isang bintana ng palasyo.
"Mabuti na lamang at dumating siya at kung hindi ay malamang napahamak na si Ploktok at di malaon ay pati na rin ako kasama ang aking pamilya", Wika ng hari.
"Ngepoy, saan galing iyang matabang tigreng katulong ni Ploktok sa pagtatanggol ng palasyo? Siya ba'y kasama ng mga mababangis na aso?" Tanong ni Reyna Klorina na sumama sa hari sa pagmamasid sa bintana ng palasyo.
"Iyang tigreng iyan ay isang kaibigan. At sa tingin ko ay siya'y ating kapanalig." Wika ng hari
"Ngunit ganun pa man, papaano nilang malulupig ang lahat ng iyan, sa dami ba naman nila at dalawa lang sila ni Ploktok? Wala ka bang nabasa patungkol sa anong uri ng mga hayop ang ating kinakaharap" Tanong naman ng Reyna
"Oo nga ano, bakit di ko kaagad naiisip iyon?" Nasabi ng hari sa sarili.
At agad siyang tumungo sa kanilang napakalaking silid-aklatan at nagsaliksik patungkol sa mga mababangis na asong ito at ang posible nilang kahinaan.
Habang patuloy na nakikipaglaban sina Ploktok at ang tigre ay napansin ni Ploktok ang kulyar sa leeg ng kaibigang tigre at dito ay nakasabit ang isang palawit kung saan nakaukit ang isang pangalan, "Chipengaluk".
"Chipengaluk? Ito ba ang iyong pangalan?" Pagtatanong ni Ploktok sa tigre na sinagot naman siya nito ng pagtungo
BINABASA MO ANG
Klopeysyus
FantasyKasaysayan ng isang kaharian na hinarap ang lahat ng pagsubok ng may ngiti sa labi.