Ngunit matapos ang sandaling pabulusok na pababang daan ng yungib ay narating ni kleng-kleng ang isang patag na landas at ng kanyang mapansin ay isa ng malawak na daan na malinis na mula sa mga sagabal na mga bato at putik at ang paligid nito ay mga pader na yari sa mga kumikinang na bato hanggang sa pinakakisame nito na may taas na animo'y apat na palapag na gusali. Animo'y isang sibilisasyon ang may kagagawan upang ang lugar na iyon ay maitayo.
"Wow. . . Aray! Sino kaya ang may kagagawan ng istrakturang ito? Kamangha-mangha talaga!" Wika ni kleng-kleng
At dahan-dahang tinahak ni Kleng-kleng ang naturang daan ng kahanga-hangang istraktura. Habang siya'y naglalakad ay unti-unti nyang nararating ang isang lugar kung saan ay nagliliwanag ang buong paligid ngunit labis ng tumitindi ang sakit mula sa sugat ni Kleng-kleng at ang kanyang panghihina na minabuti nya munang magpahinga sa isang tabi. At sa labis na sakit na kanyang naramdaman ay di niyang napigilang mapasigaw dahil sa sakit.
"Ano yun?" Wika ni Ploktok
"Oo nga, narinig ko rin iyon." Wika din ni Kibord
"Parang mayroon akong narinig na hiyaw ng babae." Nawikang muli ni Ploktok
"Ngunit saan kaya nanggagaling iyon?" Tanong ni Kibord
"Anong pinagkakaguluhan nyo dyan, Ploktok?" Usisa ng hari
"Kamahalan, kami po ni Kibord ay parehong may narinig na parang hiyaw ng isang babae." Tugon ni Ploktok sa hari
"Talaga? Saan niyo narinig?" Tanong ng hari
"Kamahalan, sa pakiwari ko po ay nanggaling po sa ilalim nitong palasyo." Wika ni Ploktok
"Opo, haring Ngepoy, sa pakiwari ko din po ay nanggaling sa ilalim nitong palasyo." Pagsang-ayon naman ni Kibord
"Kung gayon, ating siyasatin ang naturang hiyaw na iyon. Wala akong naalalang may iba pang naninirahan dito. Kung sa ilalim ba kamo nyo narinig iyon, kung gayon ay atin nang tunguhin ang pinakasilong ng palasyong ito." Pag-uutos ng hari
Sa pangunguna ng hari, ay sama sama silang tumungo sa isang kuwadradong silid at dito ay matatagpuan ang isang hagdan na patungo sa ilalim ng palasyo. May kadiliman ang paligid kaya't sila'y nagdala ng sulo na nagsilbing liwanag sa kanilang daraanan.
Samantala, dahil sa tindi ng sakit ay nawalan ng malay si Kleng-kleng sa kanyang kinalalagyan habang patungo na ang hari at kasamahan niya sa kanya.
"Ngepoy, saan ba patungo ang hagdang ito?" Tanong ng reyna
"Basta, sumunod na lang kayo at sandali lang ang kadilimang ito." Pagsisiguro ng hari sa reyna
At narating na nila ang pinakaibaba ng hagdan na kung bibilangin ang mga baitang ay halos anim na palapag ang lalim kung hahambingin. Isang malaking tarangkahang yari sa kahoy at bakal ang sa kanila'y sumambulat at ito ay nakakandado.
"Dead end! Paano na yan Ngepoy?" Pag-aalala ng reyna
"Pwede ba tumahimik ka na lang at hayaan mo akong dumiskarte." Wika ng hari
At mula sa isang doormat sa tapat ng tarangkahan ay kinuha ng hari ang isang papel.
"Ano yan Ngepoy?" Pagtatanong ng reyna
"Noong huli naming punta dito ay aking tinago ang susi ng tarangkahang ito para ligtas at tanging ako lang ang nakakaalam. At dito sa papel na ito aking isinulat kung saan ko siya itinago sakaling ako'y makalimot." Pagsalaysay ng hari
"Kung gayon ay saan na nandoon ang susi sa pintuang iyan?" Tanong ng reyna
"Ayong sa nakasulat sa papel na ito; aking itinago ang naturang susi sa isang tansong kahon at ito'y aking isinilid sa isang baul na nasa ilalim ng kama sa loob ng isang silid ng palasyong ito na nasa gawing kanluran." Paglalahad ng hari
"Ano! Ang ibig mong sabihin matapos nating bumababa dito ay kelangan nating pumanhik ulit para makuha ang susi sa pintuang iyan?!" May pagkakairitang wika ng reyna
"Mmmmm. . . hindi na kailangan, maaring si Ploktok na lamang ang kumuha nito dahil sa angking bilis nya ay madali lamang ito. Kaya Ploktok, paki. . . . .
At di pa nakakatapos magsalita ang hari ay nakuha na ni Ploktok ang naturang susi at iniabot na sa hari.
"Ngek! nagulat naman ako sa iyo Plok! Ok yaman din lamang nandito na ang susi ay atin ng buksan ang pinto" At sinusian na nga ng hari ang tarangkahan at sa pagbukas nito ay may liwanang na naaninag ang lahat.
"Ploktok, pakisiyasat ang paligid bago kami pumasok." Utos ng hari
At ganoon na nga ang ginawa ni Ploktok. At sa kanyang pagbabalik ay buhat-buhat na niya si Kleng-kleng.
"Mahal na hari! Si kleng-kleng! Natagpuan ko si Kleng-kleng sa isang tabi na walang malay." Balisang wika ni Ploktok
"Kung gayon, madali ka at dalhin mo siya sa itaas sa isang silid at kami ay susunod na!" Pag-uutos ng hari
At mablis na dinala ni Ploktok sa isang silid si Kleng-kleng at inihiga sa isang kama at ng makarating na ang lahat ay agarang sinuri ng reyna ang kalagayan ni Kleng-kleng. Nang kanilang mapag-alamanan na siya'y may tinamong sugat ay agaran nila itong binigyang lunas.
"Pansamantala lamang ang lunas na naibigay ko kay Kleng-kleng at kinakailangan niyang madala agad-agad sa pagamutan upang doon ay maasikaso siya ng husto ng isang dalubhasang manggagamot." Wika ng Reyna
"Kung gayon ay di na nating kailangang magpatumpik-tumpik at dalhin na kaagad natin siya sa pinakamalapit na pagamutan" Pag-uutos ng hari
BINABASA MO ANG
Klopeysyus
FantasyKasaysayan ng isang kaharian na hinarap ang lahat ng pagsubok ng may ngiti sa labi.