The Way She Look at Me

602 34 25
                                    

The Way She Look at Me
by abdiel_25

Prologue.

"Lolo! Dadalhin ka po namin sa ospital! 'Wag ka pong susuko. Labanan niyo po 'yan!"

"Bilisan niyo! Tawagin niyo na 'yung driver!"

Sobrang ingay ng paligid ko. Mas lalo lamang akong naiistress. Sabayan pa na hindi na halos ako makahinga ng maayos. Sobrang hindi ako kumportable sa ganitong sit'wasyon. Pero mukhang kailangan ko ng tanggapin, na kaunting oras na lamang ang mayroon ako.

Buhat-buhat ako ng panganay ko. Dinala kaagad niya ako sa loob ng sasakyan namin at mabilis na pinaandar ito. Hindi sila magkandamayaw. Hindi nila alam ang kailangan nilang gawin kundi ang umiyak ng umiyak. Nakahiga ako sa hita ng bunso kong anak. Pilit niyang pinipigilan ang mga luha na tumulo sa mga mata niya.

"'Tay naman e. 'Di ba sabi mo aatend ka pa ng kasal ko? Pangako mo 'yan 'di ba? Kaya kailangan kayanin mo. Gusto ko na ikaw ang maghahatid saakin sa altar. Gusto kong makita mo 'yung mga magiging apo mo pa saakin. Kaya sana... sana 'tay labanan mo para saakin... para sa amin nila kuya at ng mga apo mo," sabi niya habang nakatingin saakin. May ilan ding mga butil ng luha na nakapuslit sa mga mata niya.

Napangiti ako ng marahan. Hinawakan ko ang pisngi niya.

"Anak... pinipilit kong lumaban. Hangga't nakikita ko kayo, lumalaban ako. Hangga't kaya ng katawan ko lalaban ako. Pero 'wag ka na umiyak, mas lalo lang humihina ang katawan ko sa ideyang iiyak lalo kayo kapag nawala na ako," saad ko. May tumulong luha sa pisngi ko pero hindi ko ito alintana.

Agad kaming nakarating sa ospital. Inalalayan kaagad ako ng mga nurse 'pag baba namin at inilagay ako sa higaan papasok ng emergency room. Mas'yado ng malabo ang paningin ko, pero alam kong marami paring tao na nakapaligid saakin.

Naririnig ko ang mga tangis ng mga anak at apo ko. Pilit akong lumalaban kahit na wala na akong hangin na nakukuha.

"'Tay, 'wag kang susuko. Hindi namin kakayanin kapag nawala ka," huli kong narinig sa isa sa mga anak ko pagpasok saakin sa loob ng emergency room. Pagpasok sa loob, hindi ko man nakikita, alam kong sobrang daming aparatus na nakakalat. Hindi na rin nagsayang ng panahon ang mga doktor at nurse, agad nilang ginawa ang lahat ng dapat nilang gawin.

Sa buong oras na nasa loob ako ng operating room. Wala akong ibang iniisip kundi ang malapit na akong lumisan. Malapit na akong mawala sa mundong ito at malapit ko na siyang sundan. Pagod na rin ako. Ilang taon ko nga bang ginugol ang buhay ko ng wala siya?

Halos walong oras akong nasa loob ng operating room. Ilang beses ko na rin narinig sa kanila na hindi na raw kaya ng katawan ko, na mas lalong hindi kakayanin ng pasyente kung gagawin nila 'yung mga bagay na dapat na ginagawa nila saakin. Mapait akong napangiti habang iniisip na tuluyan na nga akong mawawala. At sa huling mga oras na mayroon ako, wala akong ibang naisip kundi ang mga ala-ala namin no'ng nabubuhay pa siya.

Ligaya, malapit na tayong magkasama. Diyaan, hindi na tayo kailanman magkakahiwalay. Matutupad ko na ang pangako ko sa'yo, na habang buhay, tayo ang magkasama. Na habang buhay kitang mamahalin.

Ligaya, p'wede bang sunduin mo na ako?

Bago pa man pumikit ng tuluyan ang mga mata ko, tila ba nakita ko lahat ng nangyari sa buong buhay ko. Noong bata pa lamang ako, noong nag-uumpisa pa lamang ako maglaro at mag-aral. At no'ng makilala ko siya.

Ligaya.

--
The Way She Look at Me
Written by : abdiel_25
Copyright. 2020.

The Way She Look at MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon