Chapter 8.
"Tama ba 'yung narinig ko?" Takang tanong ko. Gamit ang hinliliit ko, pinunasan ko 'yung tainga ko. "Pupunta tayo sa isang orphanage?" Pag-uulit ko pa ng tanong. Huminto rin ako sa gilid ng kalsada at nilingon siya sa likuran.
Kumunot naman ang noo niya. "O-oo? May problema ba? Bakit ang OA mo?" Tanong niya kaya naman napabalik sa daanan ang mga tingin ko.
Hindi ko alam kung sinasadya ba ito ng tadhana o pinaglalaruan lang talaga ako ni Lord. Bakit kailangang magpunta kami sa isang orphanage? Mukhang mali pa yata na mag-alok ako na ihatid siya. This thing makes me insane. Nakakabaliw isipin na sa halos lahat ng bagay magkaparehas sila.
"Nothing. I... I just have memories in an orphanage," saad ko bago ipagpatuloy 'yung pagmamaneho ko.
Hindi naman malayo mula sa university 'yung orphanage na 'yon. Ang totoo nga no'n, malayo man 'yon o malapit, alam ko ang papunta doon. I used to visit there, usually with her dahil simula ng mawalan siya ng kapatid, palagi na siyang pumupunta sa mga bahay-ampunan para makipaglaro sa mga bata.
Hindi naman na muling nagsalita pa si Liana. Nanatiling siyang tahimik habang nakatingin sa labas ng bintana. Mabuti na lamang at hindi na niya tinanong pa kung anong memories ang tinutukoy ko. Ayoko na sanang ikwento pa sa iba dahil gusto ko na lamang itong sarilihin, obviously. Hindi dahil isa 'yong bad memory, kundi dahil gusto ko ng magmove-on. Hindi rin dahil gusto ko na siyang ilet go, pero dahil ayoko ng maalala pa lahat ng sakit na naramdaman ko pagkatapos niyang mawala.
"Teka Calvin. Ihinto mo muna 'yung sasakyan. Bibili lang ako saglit."
Agad ko namang hininto sa tapat ng isang bakery 'yung kotse. Bumaba siya ng sasakyan.
Bago tuluyang isarado 'yung pintuan sa backseat, nagsalita siya. "Hintayin mo na lang ako rito. Give me ten minutes okay?" Wika niya bago ako tumango.
Nang isara niya 'yung pintuan. Nakaramdam ako ng sobrang pangungulila. Hindi ko dapat ito nararamdaman sa mga oras na ito. Akala ko kasi wala na 'yung sugat. 'Yun pala, kahit anong gawin ko, kahit wala na 'yung sugat, nandoon pa rin 'yung peklat.
Why destiny? Why are you such a bastard to me?
Bakit kailangang sa bahay-ampunan pa magpunta si Lithia? Bakit kailangan ko pa siyang ayain? Bakit mo ako tinatrap sa isang lugar na ayoko ng balikan dahil mahirap takasan?
Dahil sa katahimikan na namagitan sa akin at sa atmosperang dulot ng mga ala-ala, parang bumagal 'yung oras. Akala ko may limang minuto na magmula ng bumaba si Lisaw pero pagtingin ko sa orasan ko, halos tatlong minuto pa lang ang nakakalipas.
So I decided to open the radio for at least lessen the sadness that's starting to spread all throughout my body.
It was Tindahan ni Aling Nena by Eraserheads.
Hindi naman ako nababaduyan sa kanta na 'to. Actually, nakatulong ito para mabawasan 'yung mga ala-alang nanunumbalik sa isipan ko. Mas'yado ko na lang kasing tinuon sa lyrics no'ng kanta 'yung isip ko. Matagal ko ng naririnig ang kanta na 'to, noon pa noong nagmumukmok ako sa loob ng k'warto ko.
Tingin ko nga lahat ng kanta napakinggan ko na dahil sa pagmumukmok kong 'yon. From oldest to newest to hottest and hit songs pinakinggan ko para muling makabangon. Sa palagay ko kasi, music gives the inspiration as well as the motivation I need. I just shuffle all the songs at parati kong iniisip na kung anong song ang tutugtog, connected pa rin sa'kin. Kaya ayun, lahat ng kanta napakinggan ko na. 'Yun lang naman ginawa ko buong bakasyon.
After that song, tumugtog naman 'yung Alapaap na kanta rin ng Eraserheads. Doon ko lang nalaman na nagpplay ng mga kanta ng mga dating banda 'yung radio station na pinakikinggan ko ngayon. And they're featuring Eraserheads kaya naman parang tribute 'yung ginagawa nila.
BINABASA MO ANG
The Way She Look at Me
Teen FictionThe Way Series #1 | The eyes reveal so much about ourselves. *** A novel. Running away from his tragic past, Calvin transferred to a different university to start fresh. Living a new life, Calvin promised not to be happy again until he crossed paths...