Chapter 15.
Pagpasok namin sa entrance ng Convention Center, kung saan ginaganap ang book fair ngayon, tumambad ang libo-libong bookworms na nagkukumpulan at nagsisiksikan sa buong ground floor. Ground floor pa lang 'to pero hindi na mahulugan ng karayom ang lugar. Paano pa kaya sa taas?
Hindi ko tuloy mapigilang mamangha dahil ang dami talagang mga katulad namin ni Liwhatever na mahilig sa mga libro. Yet, I feel uncomfortable dahil sa dami ng mga tao sa paligid. Hindi ako sanay na makipagsiksikan sa ganito karaming tao. Isa pa, mas'yadong malawak ang buong Convention Center kaya hindi kami makapagdecide kung saan muna pupunta.
"Look, may map oh!" Sabi ni Liwhatever bago ako hatakin papunta sa malaking tarpaulin na nakatayo sa main entrance. Nakasulat lahat ng mga booths ng bawat book shops and publishing companies at kung saan sila makikita. "Nandito sa ground floor 'yung National," sabi niya sa sarili niya habang nakatingin sa tarpaulin.
"Where are we going first? Sa dami ng mga tao, hindi kaya mauubos agad ang mga best selling books?" Tanong ko sa kaniya kaya napatingin siya sa paligid. While me, just waiting for her decision. After all, nandito lang naman ako para samahan siya. This is her day to be happy.
"Sa National muna tayo, then sa Pop Fiction at sa Booksale," aniya bago siya magsimulang maglakad. Nauna siya sa akin kaya sumunod lang ako sa kaniya.
But a sudden wave of people disconnected us. Napansin niya sigurong hindi na ako nakasunod sa kaniya kaya lumingon siya sa likuran niya. Pero hindi niya pa rin ako nakikita dahil masiyado siyang maliit kumpara sa kumpulan ng mga tao na dumadaan sa pagitan namin. I don't have any choice but to fight for my way. Wala na akong pakialam kung maging rude and reckless, basta makapunta lang sa kung nasaan si Liwhatever.
Para kasi siyang batang nawawala.
"'Wag kang hihiwalay sa akin. Maraming tao baka mawala ka," normal na saad ko bago siya hawakan sa pupulsuhan niya. Nagulat siya dahil sa ibang direksiyon siya nakatingin pero sa likuran niya ako sumulpot. "Now, where's National again?"
***
"Behind the Clouds," basa ni Liwhatever sa title ng isang libro na hawak niya. "Casa Inferno," basa naman niya sa isa pang hawak na libro. "Sa tingin mo, ano kayang mas maganda?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa summary ng story sa likod ng cover.
Kumunot ang noo ko bago tingnan pareho amg libro. I don't read the summaries dahil nakakatamad. Minsan, binabase ko sa cover 'yung binibili kong libro, o kaya naman kung kilala ko 'yung author. Sometimes, if I find the title interesting, binibili ko na rin. So I'm really not into deciding which books to buy dahil pare-pareho naman silang binabasa. Every books deserve to be read.
"Why don't you buy both?" Tanong ko sa kaniya.
"Ayoko nga. Buti sana kung pera ko 'yung ipambibili rito. Eh hindi naman," she said while pouting. "Tingin ko may mas maganda pa sa ibang booth. Tara," aniya bago siya mauna sa aking maglakad.
"Hey wait," tawag ko sa kaniya bago tingnan 'yung dalawang libro na nakadisplay sa isang book shelf. Ito 'yung dalawang libro na hawak niya kanina at pinagpipilian. Lumingon siya sa akin at binigyan ako ng what-look. "This is your day to be happy. Bilhin mo 'yung mga gusto mo. Kaya nga kita dinala dito para kahit papaano mabawasan 'yang mga problema mo. Kung alam ko lang na pati pamimili ng librong bibilhin eh poproblemahin mo pa rin, I shouldn't brought you here."
"Pero nakakahiya. Pera mo 'yung gagastusin..." mahina niyang saad.
Suminghap ako ng hangin bago ibalik ang tingin sa dalawang libro na hawak niya kanina. "There's no room for shyness. Look around, ang daming bumibili ng libro. Ang dami nilang dala. Hindi ba mas nakakahiya na dumayo ka pa rito para lang bumili ng konting libro?" I want her to get my point. Alam ko naman na nahihiya lang siya dahil libre ko siya. But I want her to enjoy the day. Kaysa naman pumasok ulit sa utak niya 'yung mga problema niya.
BINABASA MO ANG
The Way She Look at Me
Teen FictionThe Way Series #1 | The eyes reveal so much about ourselves. *** A novel. Running away from his tragic past, Calvin transferred to a different university to start fresh. Living a new life, Calvin promised not to be happy again until he crossed paths...