Chapter 1 - Magasin

502 24 45
                                    

Chapter 1.

"Sobrang nakakawalang gana talaga magturo si Mrs. Tianco. Bukod sa nakakatamad 'yung boses niya, wala ring k'wenta 'yung dinidiscuss niya saatin," dinig kong sabi ni Chervo.

"Siguro wala na talagang makuhang matinong teacher 'yung school natin kaya pinagtitiisan nila si Mrs. Tianco kahit na parang isang ubo nalang ito?" Dagdag pa ni Jeremy tapos sabay silang nagtawanan. "P're? Kanina ka pa tahimik ah. Ano nanaman ba 'yang iniisip mo? Porn ano?" Aniya tapos tumawa ulit silang dalawa.

"Sira! Parang hindi ka na nasanay diyan kay Calvin. Palagi namang tahimik 'yan. Kaya wala pang nabibingwit na chika babe 'yan e," sagot naman ni Chervo.

Hinayaan ko na lamang silang mag-usap na dalawa. Wala rin naman talaga akong pakialam kahit na ako pa ang pag-usapan nila. Wala rin ako sa mood, na palagi namang nangyayari kaya hindi ako sumasali sa usapan nila. Wala akong pakialam sa mundo. Kaya nga kahit kanina pa ako may nababanga, wala akong pakialam. Hindi rin ako nag-sosorry, dahil nakita naman nila akong dadaan at hindi sila umiiwas, kasalanan nila 'yon.

"P're, balita ko naghahanap ng bagong member 'yung Westhood Movers, bakit hindi ka sumali?" Tanong saakin ni Jeremy.

"Ayoko," maikli kong tugon. Hindi na rin siya nagtanong pagkatapos no'n. Dahil minsan lang ako magsalita, ibig sabihin no'n what I've said is final.

Umupo kami sa paborito naming p'westo sa canteen. As usual maraming kumakain dahil sabay-sabay ang break time ng lahat ng estudyante rito sa university. Nagpresinta si Jeremy na siya na ang o-order ng pagkain namin kaya naman inabot nalang namin sa kaniya 'yung mga bayad namin. Pag-alis niya, sakto namang may nadapang babae sa mismong table kung saan kami nakaupo.

Lahat ng nasa tray niya ay tumapon sa inuupuan namin--or most likely tumapon saakin.

Hindi ako sumagot at tumayo na lamang. Tinitigan ko siya. Hindi masamang titig, kundi titig na para bang tinatandaan ang mukha niya. May luha sa mga mata niya na agad naman niyang pinunasan. If I'm not a good observant, hindi ko malalaman na 'yung luha na 'yon ay hindi dahil sa natapunan niya ako, malamang kanina pa 'yon nasa pisngi niya at hinayaang tumulo na lang basta--which is ngayon lang niya nagawang punasan.

"Naku sorry! Pasens'ya na talaga sobrang tanga ko. Sorry sorry talaga!" Natataranta niyang sabi bago pinunasan 'yung table namin ng tissue na nasa tray niya. Pinupunasan niya rin 'yung damit ko na nabasa pero agad kong tinapik 'yung mga kamay niya. First is because, she looks like a fool in everybody's eyes. Second, ang daming mata na nakatingin saamin, too much eyes means too much exposure, and I hate it a lot. And lastly, I don't want just someone to touch either my body or anything connected to it.

"Next time, keep your eyes on the way. Remember, on the way," sagot ko sa kaniya bago maglakad papalayo.

"Sungit naman nito!" Narinig kong huling sabi niya bago siya umalis sa table namin. Samantalang ako, naglakad papunta sa locker ko at kumuha ng pamalit. Pagkakuha ko, agad kong hinubad ang pantaas ko kaya naman sige tingin 'yung mga nakapaligid saakin, karamihan babae pero wala akong pakialam. Nagpalit ako ng damit bago pinasok sa loob ng locker 'yung basang-basa kong damit.

Hindi naman ako naiinis sa babaeng nakatapon saakin ng pagkain niya. Wala lang talaga akong pakialam. Kahit nga siguro matapon pa saakin lahat ng laman ng tray niya wala akong pakialam. Ewan ko ba. Basta ayoko lang na magkaroon ng koneksyon sa kahit kanino kaya mas pinipili ko nalang na balewalain lahat ng nakapaligid saakin. Bukod kay Jeremy at Chervo na mga kababata ko.

Pagbalik ko sa canteen, kumakain na 'yung dalawang ungas. Kaya umupo na rin ako at kinuha 'yung saakin.

"P're. Alam mo ba pag-alis mo dito kanina, sabi no'ng babae, "Sungit naman nitong lalaki na 'to! Porket yummy e ang sungit-sungit na! Landiin kita diyan e!" tapos nagflips hair pa siya," ani Chervo.

The Way She Look at MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon