Chapter 11.
"Ilang entrance ticket ba kuya?" Tanong sa akin ni Cassy na nasa labas ng bahay namin ngayon. She's the one who'll get tickets for us ni Liwhatever. Ang sabi kasi sa social media ng MIBF, Manila International Book Fair which is kung saan magpapakita si Raphael Santos, kailangan 2-3 days before ay may hawak ka na ng ticket nila.
Though magbebenta pa rin sila sa mismong event, kaso s'yempre sobrang hassle no'n dahil mahaba ang pila. Eh ang balak ko pa naman, dahil one week 'yon, we will go there in the first day of the event. Mas marami kasing authors ang nandoon. At sa unang araw din nandoon sa MOA si Raphael Santos.
"2. Buy me 2 tickets," ani ko bago siya bigyan ng pambili. Buti na lang talaga, may lakad din itong si Cassy sa MOA kasama ang mga kaibigan niya. Plus the fact na talagang matyaga siya sa galaan. "Take care. 'Wag kang uuwi ng gabi, kundi ihahagis ko sa MOA lahat ng damit mo," pagbabanta ko.
"Harsh kyah? 'Wag ko kaya bilhin 'tong ticket na 'to. Ang weird mo kaya. Kailan ka pa nagkaro'n ng interes sa mga ganitong event? Ang mas nakakapagtaka pa, you want me to buy 2 tickets. If I'm right, one ticket is for you, while the other one for who?" Pagmamaktol niya habang naghihintay kami sa mga kaibigan niya na susundo sa kaniya.
"Remember Cas, I have three book shelves in my room. Sapat naman na siguro 'yon na patunay na mahilig ako sa mga libro. Ngayon lang talaga ako nagkaro'n ng chance na pumunta since I have this friend na gusto ring pumunta sa MIBF--"
"At sa kaniya itong isang ticket," Cassy said, cutting me off. Maya-maya pa biglang kumunot ang noo niya. "Sinong friend 'yan? Is it Kuya Chervo or Kuya Jeremy?" Tanong niya.
"Honestly, I really can't remember her name until now," kibit-balikat kong tugon kaya naman mas lalong kumunot ang noo niya at nagpameywang pa sa harapan ko.
"You mean your friend is a her? Kailan ka pa nagkaro'n ng kaibigan bukod kila Kuya Chervo at Kuya Jeremy? Weird mo na talaga," aniya.
"Anong weird na may kaibigan akong babae? Tsaka nakakasawa kayang maging kaibigan sila Chervo, nagsasawa na ako sa mga mukha. So I'm trying anew environment with a new friend," pagbibiro ko which is half true.
"Kuya, ang weird do'n is that you added the word friend in your vocabulary plus babae pa ang naging kaibigan mo. Remember, ang huli mo yatang naging babaeng kaibigan ay si Ma---"
"Don't say her name," seryoso kong saad. I never heard her name lately so I don't want to hear it forever. Mas mabuti pang 'wag ko ng marinig ang pangalan niya. Mas marami lang memories na bumabalik sa akin kapag naririnig ko ang pangalan niya.
"Okay," tangi na lamang sagot ni Cassy. "Pero eto kuya ha, gusto kong makilala 'yang friend mo. Since babae siya, malay mo may matutunan ako sa kaniya," she said, slightly changing the topic. I just simple nod as an answer. Wala pa naman akong balak na ipakilala si Liwhatever sa pamilya ko. And it's not even necessary. I mean, parang ang weird lang na ipapakilala ko si Liwhatever sa pamilya ko knowing that she's just my friend.
Siguro dadating din ang araw na makikilala siya nila mama by their own.
May itim na van na huminto sa harapan ng gate namin kung saan kami nakatayo ni Cassy ngayon. Bumukas ang pintuan no'n at niluwa nito ang dalawang babae sa passenger seat. They greeted and do girl things like hugs, kisses, and some sort of things na palagi na lang nilang ginagawa sa tuwing magkikita-kita sila. I don't know if it's a must to do girly things like that, pero never ko pa sila nakitang hindi nagyakapan kapag nagkikita.
Eh parang kahapon lang nakatambay dito sila Louise at Hermione---her bestfriends since elementary.
"Bye kuya!" Pagpapaalam ni Cassy.
BINABASA MO ANG
The Way She Look at Me
Teen FictionThe Way Series #1 | The eyes reveal so much about ourselves. *** A novel. Running away from his tragic past, Calvin transferred to a different university to start fresh. Living a new life, Calvin promised not to be happy again until he crossed paths...