Chapter 2.
Napatulala nalang ako sa orasan habang hinihintay na matapos sa pagsasalita 'yung professor namin. Sobrang daldal niya't pati buhay niya ay naik'wento pa niya saamin. Hindi ko na lamang siya pinansin at sinarado ang tainga ko para sa mga sinasabi niya.
"Okay class, sa susunod nating meeting, ituturo ko naman sa inyo ang political issues na kinakaharap ng ating bansa. But for now, class dismissed," dinig kong huli niyang sabi bago niya binitbit lahat ng libro na dala niya at naglakad palabas ng classroom.
Buti na lang at hindi ko na kasama sa subject na 'to 'yung babae na bato ng bato ng papel. Ano nga pala ulit pangalan niya? Lisa? Liga? Fuck. I don't care what the heck her name is. As long as wala siya sa sight ko. Baka bumalik lang ako sa dating ako kapag nakita ko pa 'yung pagmumukha niya. Gano'n siguro karami problema nung babae na 'yon kaya iyak ng iyak.
"P're, sama ka ba sa'min? Punta kaming bilyaran ni Chervo," ani Jeremy. Sinukbit niya ang bag niya at nakatingin saakin. Siya lang ang kaklase ko sa subject na 'to.
Marahan akong umiling dahil ayokong mag-aksaya ng boses para lang sabihin na ayoko. Hindi pa sila nasanay na ayokong sumasama sa bilyaran dahil hindi ko naman trip 'yon. Plus the fact na hindi lang billiard ang meron do'n, kundi pati alcoholic beverages.
Nagkibit balikat na lamang siya at nagpaalam saakin. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko pang tumayo sa kinauupuan ko kahit na uwian na.
Napatingin naman akong muli sa orasan na tinututukan ko kanina. 3:34 pm. Tumayo na ako't sinukbit ang bag ko. Naaalala ko bigla na ngayon nga pala uuwi 'yung tita ko kaya kailangan ay nando'n ako. Magagalit nanaman saakin 'yon kapag hindi ako nagpakita sa kaniya. As if I care if she'll going to be mad at me or what. Pero dahil hiniling nalang din ni Mama na nasa bahay dapat ako bago mag-4 pm, then be it.
Lumabas na ako ng room namin. Dire-diretso akong naglakad palabas ng main gate ng campus nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Napahinto akong saglit, pinag-isipan kong mabuti kung haharapin ko ba siya o hindi.
Hindi ko siya pinag-aksayahan na lingunin. Ilang segundo pa, nagsimula nalang ulit ako maglakad.
Nang tuluyan na akong makalabas ng university, pumunta ako sa parking lot. Nakabukod kasi ito sa university dahil kailangan nito ng mas malawak na space. Mas'yado kasing mga rich kid 'yung mga nag-aaral dito and well, nandito rin 'yung mga feeling rich kid at mga scholars.
Akala ko tinantanan na ako nung tumatawag saakin pero hindi parin pala. Dahil hanggang parking lot ay sinundan niya pa rin ako. Naririnig ko na 'yung malalim niyang paghinga, senyales na sobrang hinihingal na siya kakahabol saakin. Hindi ko rin naman kasalanan na sobrang arte niya sa buhay at nagtatakong pa siya ng sobrang taas kahit na eskwelahan ang pupuntahan niya at hindi bar.
"Calvin! Hey wait!" Sigaw niya bago ko siya narinig na tumakbo. Pasakay na sana ako sa kotse ko nang maabutan niya ako't mahawakan ang braso ko. Kaagad kong tiningnan 'yung kamay niya na nakahawak sa braso ko. Pagkatapos ay sinamaan ko siya ng tingin. "Oops. Sorry," saad niya bago tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.
"What do you need," walang gana kong tanong sa kaniya bago binalibag sa back seat 'yung bag ko. Sinarado ko kaagad 'yung pintuan ng back seat, pagkatapos ay hinarap siya. Sumandal ako sa kotse at hinintay ang sasabihin niya.
"Ah... gusto ko sana na... teka paano ko ba sasabihin sa'yo 'to," napakamot siya sa batok niya. Mukhang hindi alam kung saan balak simulan 'yung sasabihin niya.
"You know Essa, if you can't say it now, p'wede bang umalis ka na sa harapan ko? Ngayon kung kaya mo ng sabihin, 'wag mo na rin sabihin saakin dahil wala naman akong pakialam. So could you please be out of my sight forever?" Tanong ko sa kaniya bago pumasok sa loob ng kotse ko.
BINABASA MO ANG
The Way She Look at Me
Teen FictionThe Way Series #1 | The eyes reveal so much about ourselves. *** A novel. Running away from his tragic past, Calvin transferred to a different university to start fresh. Living a new life, Calvin promised not to be happy again until he crossed paths...