Chapter 5 - Tuwing Umuulan at Kapiling Ka

105 13 6
                                    

Dedicated to : HinaChan_9 :)


Chapter 5.

Ilang araw na simula nang iwasan ako ni Lendy. Akala ko nagjojoke lang siya sa sinabi niyang iiwasan na niya ako't titigilan kapag sumali ako sa Westhood Movers. But I think I should praise her because she keeps her promise. Mukhang hindi mahirap kausap 'yung babae na 'yon.

Madalang ko siya makita sa campus, at kung nahahagip ko naman siya ng mga mata ko, titingin lang siya saakin bago iiwas. Nakakapanibago, pero mas mabuti na rin siguro 'to para hindi na muling mangyari 'yung nangyari saakin last year. That event is a nightmare. The worst I could have.

"P're? Kanina ka pa nakatulala diyan ah," hinawakan ni Chervo ang kanan kong balikat. I blink before looking at him. "Ayos ka lang ba?"

Tinanggal ko 'yung kamay niya sa balikat ko bago umayos ng upo. "Bakit ba?" Tanong ko sa kanila. Nandito kami ngayon sa campus space. Wala pa rin kaming ginagawa at wala pa ring nagtuturo dahil lahat ng teachers ay abala sa paghahanda para sa acquaintance bukas.

"Tinatanong ka namin ni Jeremy kung anong kulay isusuot mo bukas. Or kung aatend ka ba?" Tanong ni Chervo.

"First, I'll come. Remember? I'm a member of Westhood Movers," pagpapa-alala ko sa kanila.

"Ay oo nga pala. Sasayaw ka nga pala bukas," ani Jeremy habang kumakamot sa ulo.

"At 'yung susuotin ko. Actually, hindi ko pa nga alam e," saad ko.

"Wala ba kayong costume kapag sumayaw kayo bukas?" Tanong ni Chervo kaya umiling ako. "Ibig sabihin, kung anong suot niyo bukas pagpasok, 'yun na 'yung suot niyo pangsayaw?" Nagtatakang tanong ni Chervo kaya tumango ako.

"Wala ba kayong color coding?" Tanong naman ni Jeremy.

"Pitch black, I guess? If I remember it right," sagot ko.

"Kahit kailan ka talaga Calvin. Hanggang ngayon ba you're keeping yourself as no care at all?" Tanong ni Jeremy kaya agad kaming napatingin ni Chervo sa kaniya.

"Wow p're. Improving. Nag-eenglish ka na," parang abno na saad ni Chervo.

"I don't knowing nga if my grammary is corrected eh!" Parang tanga na sabi ni Jeremy kaya naman natawa kaming dalawa ni Chervo. Napahinto naman ako sa pagtawa nang makita kong nakakunot ang noo nilang dalawa at nakatingin sa akin na para bang may mali akong nagawa.

I look at them straight, "what?" I innocently asked.

"Tingin ko p're may isa rin ditong nag-improve," Jeremy said to Chervo habang hindi iniiwas ang tingin saakin.

"Yeah. Napapansin ko rin na napapadalas ang pagngiti niya lately. Siguro may inspirasyon na ulit sa buhay," nakangising saad naman ni Chervo. "Ano nga bang meron, Calvin Herrera? Bakit napapadalas ang pagngiti at pagtawa mo nitong mga nakaraang araw?"

Napaiwas naman ako ng tingin sa kanilang dalawa. Nakatingin kasi sila directly to my eyes na para bang gusto nilang malaman ang katotohanan. As if I know... as if I know kung bakit nga ba madali na akong mapangiti ngayon at mapatawa. As if I care rin kung anong dahilan.

"Wala. Kailangan ba may dahilan kung bakit napapadalas ang pagngiti at pagtawa ko? Masama bang maging masaya paminsan-minsan?" Kaswal kong sabi bago muling ibalik sa kanila 'yung tingin ko.

"Hindi naman masamang maging masaya. Pero kahit alam naman nating tatlo na limang buwan nawala sa bokabularyo mo ang salitang masaya, pagngiti at pagtawa. Nakakacurious lang kung bakit bigla kang nagbago after 5 months," seryosong saad ni Jeremy.

The Way She Look at MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon