Chapter 6 - Pare Ko

119 14 30
                                    

Dedicated to : 143_pink













Chapter 6.

Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko nang maalala ko ulit 'yung nangyari kanina--kahapon rather dahil madaling araw na't hindi pa rin ako nakakatulog dahil sa gumagambala sa isipan ko.

How did I get in that point without even thinking?

Naalala kong bigla 'yung mga tingin niya sa'kin kanina. Sobrang naiilang siya. I don't know what expression should I wear that time. Hindi niya akalain na lalapitan ko siya at aaluking sumayaw. Patayo na sana siya't maglalakad palayo, pero napigilan ko siya't inaya na sumayaw. Tinanggihan niya ako but I said I insisted.

"Anong nakain mo Mr. Pogi? 'Di ba sabi mo sa'kin layuan kita? Bakit ngayon ikaw ang lumalapit sa'kin? Hindi mo matake 'yung ganda ko ngayong gabi 'no?" She said innocently kaya napangiti ako sa sinabi niya. Mas lalo namang kumunot ang noo niya.

"What?" Tanong ko sa kaniya nang makapunta kami sa kumpulan ng mga nagsasayawan pero nakatingin pa rin siya sa akin na para bang may kakaiba akong nagawa.

"Alam mo Mr. Pogi--"

"Calvin," pagtatama ko.

"Edi Calvin. Ang weird mo tonight. Una, lumapit ka sa'kin without considering na sabi mo layuan kita. Second, niyaya mo akong sumayaw. Third and last, anong hangin ang nasinghot mo't may pangiti-ngiti ka na ngayon?" Tanong niya sa'kin.

Marahan kaming sumasayaw at dinadama ang bawat linya ng kanta. How I miss her.

"Nothing. Hindi naman sigurong masama na ngumit paminsan-minsan, right?"

Tumango naman siya pagkatapos ay nginitian ako. "That's right. Ang g'wapo-g'wapo mo tuloy ngayon," sabi niya bago napapikit. "Alam mo, paborito ko 'tong kanta na 'to simula nang irelease 'to."

Bahagya akong napahinto pero kaagad kong tinuloy ang pagsayaw.

"Gusto ko na ito ang isayaw sa'kin no'ng panglast na rose ko sa debut ko," sabi pa niya bago buksan ang mga mata niya. Kumunot naman ang noo niya nang makita ako. "Anong nangyari sa ngiti mo? Ba't nagfade agad?"

"Limited lang," maikli kong tugon kaya napahagikgik siya.

"Sana palagi ka nalang gan'to sa'kin," wika niya kaya naman agad akong napahinto sa pagsayaw na ikinagulat niya. Actually, ikinagulat ko rin. May mali sa'kin na hindi ko mapunto sa mga oras na ito. Para bang, nakonsensiya ako sa ginagawa ko. "Bakit? May problema ba?" Dagdag niya nang mapansing napatigil ako sa pagsayaw.

Bumitaw ako sa bewang niya. "I-I'm sorry," tangi kong saad bago umalis sa harapan niya. Naiwan ko siya sa gitna ng mga nagsasayaw.

This isn't right.

Pagkatapos no'n. Pumunta ako sa back stage para kuhain 'yung bag ko't umalis sa party. Wala naman kasi talaga akong balak magtagal kung hindi rin lang ako hinatak nila William.

Sa punto na 'yon, naisip ko na may mali akong ginawa. Una, pakiramdam ko ginamit ko lang si Leila para mapunan 'yung lungkot na nararamdaman ko dahil sa narinig ko 'yung kanta na paborito niya. It's not right to add something just to fill what is subtracted to you. At pangalawa, binigyan ko siya ng false hope. False hope na naging mabait na ako sa kaniya at magkakaro'n na kami ng koneks'yon.

I hate myself for being late to realize na dahil sa ginawa ko, aasa na siya sa susunod na magkaibigan na kami at palagi nanaman siyang bubuntot saakin.

The Way She Look at MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon