Chapter 17 - Huwag Mo Nang Itanong

65 5 9
                                    

Chapter 17.

Monday.

It was a great start of my week since my weekend is pretty fine. My mission to make Liwhatever happy, is accomplished last Saturday and I'm kinda proud about it. At least, sa aming dalawa, hindi lang ako ang napasaya niya. I made her happy too. Now we're equal.

"Good morning Mr. Pogi!" Bungad kaagad ni Liwhatever sa amin habang nasa guard house siya. Inabutan naming nakikipag-usap siya sa security guard ng university habang hinihintay kami. Ito ang palagi niyang ginagawa since I concluded that we're officially friends.

"My name's Calvin," kaswal kong saad habang naglalakad kami papasok sa loob ng Campus. Masiyado pang maaga kaya kakaunti pa lang ang mga estudyanteng naglalakad sa campus ground.

"Alam ko. Pero mas gusto kong tawagin kang Mr. Pogi. Ayaw mo ba?" Mapang-asar niyang tanong sa akin bago mapatingin sa mga kasama ko. "Jeremy and Chervo, right?" Nakangiti niyang tanong sa dalawang lalaking nakasunod sa akin.

"Yup! Ligaya right?" Sabi ni Jeremy.

"Yes! The one and only Ligaya Mercado of Westhood University," masigla nitong saad. Hindi tulad noong mga unang araw nang makilala ko siya, ngayon sanay na ako sa kung gaano kasigla ang boses niya. Unlike before that I'm irritated everytime she speaks, ngayon sanay na ang tenga ko na marinig ang boses niya.

"Friends na ba talaga kayo nito Calvin?" Tanong ni Chervo sa akin.

"Why? May problema ba?" I asked.

"Wala lang. Ibig sabihin ba nito makakasama natin siya sa recess, sa galaan, sa lunch, anywhere, everywhere?" Tanong ni Chervo bago mapatingin kay Liwhatever na ngayo'y kausap ni Jeremy. Pareho silang tumatawa pero hindi ko na pinansin kung anong pinaguusapan nila.

"Kaibigan ko siya. Hindi niyo naman siya kaibigan kaya hindi kailangang kasama siya sa lahat ng pupuntahan natin," walang gana kong saad bago kami lumiko sa kabilang hallway para pumunta sa locker. Gusto kong magbawas ng ilang libro. Nakakatamad magbitbit. Kung hindi lang kailangan ang lahat ng 'to ngayong araw, hindi ko dadalhin lahat 'to. "Isa pa, hindi naman ako sumasama sa inyo sa galaan," mahina kong saad na tingin ko hindi naman na niya narinig pa.

"Calvin, your friend is our friend. Kaya kaibigan na rin namin si Ligaya," giit ni Chervo.

"Really?"

"Ahh... yeah?"

"Sure," walang gana ko pa ring sagot. Nakarating na kami sa locker at agad kong nilagay ang mga mabibigat na libro sa loob nito. 'Yung mga gagamitin ko mamayang hapon, nilagay ko muna sa locker para hindi gaanong mabigat dalhin. Gano'n din ang ginawa nila Chervo at Jeremy.

"I think we need to part ways now," sabi ni Jeremy kay Liwhatever.

"Ah. Yes. Una na ako sa class ko," nakangiti pa ring sabi ni Liwhatever. Mukhang nagkasundo agad sila ni Jeremy kahit ngayong araw pa lang sila nakapagusap. "Kahit maaga pa," napangiwi siya sa salitang dinagdag niya. "See you around!" She said bago tumalikod at magsimulang maglakad palayo.

"Ang sarap niyang kausap," sabi ni Jeremy habang nakapameywang at nakatingin sa likod ni Liwhatever na naglalakad sa mahabang pasilyo.

"Ulol. Nakahanap ka nanaman ng kadaldalan mo!" Pasaring ni Chervo kaya sinamaan siya ng tingin ni Jeremy.

"Palibhasa, wala kang pagasa kay Kitkat," pangaasar ni Jeremy bago niya dilaan si Chervo. "Sa dami ng lalaking nanliligaw kay Kitkat, tingin mo ba mapapansin ka no'n?" Dagdag pa ni Jeremy. Akala ko mapipikon si Chervo pero mukhang sanay na rin siya sa pangaalaska ni Jeremy.

"I don't care kung gaano karami pa ang nanliligaw sa kaniya. Ako lang naman ang pinakagwapo sa lahat ng 'yon. The rest kung hindi maitim, amoy bakla naman," giit ni Chervo bago kami magsimulang maglakad sa opposite direction kung saan naglakad si Liwhatever.

The Way She Look at MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon