Chapter 19.
Sobrang traffic. May inaayos palang daan sa part na 'to ng Highway kaya naging one way ang daan. Dagdag pa na may aksidenteng nangyari at may nagkabanggaang kotse kaya sobrang bagal talaga ng usad ng mga sasakyan. Muli akong napatingin sa relo na suot ko. 7:12 pm. Hindi naman siguro ako papagalitan ni mama kung makauwi ako ng lagpas 9 pm. Sobrang traffic talaga at mukhang ilang araw na magiging ganito ang lagay ng kalsada rito.
Napatingin ako sa babaeng katabi ko. Muling sumilay sa labi ko ang ngiti nang makita ang expression niya kanina nang sabihin kong may gusto ako sa kaniya. Gulat siya, nangingig at hindi naniniwala sa akin. I expected her to be like that, pero dahil siya si Ligaya Mercado, tinawanan lang niya ako sa sinabi ko.
"You can't be serious Calvin!" Natatawa niyang saad kaya mas lalong sumeryoso ang mukha ko.
"Sa tingin mo nagbibiro ako?" Tanong ko sa kaniya kaya huminto siya sa pagtawa. Hindi niya alam kung anong gagawin. Hindi siya makatingin sa akin at halos paulit-ulit na napapalunok. "Ligaya, kailan ako nagsinungaling sa'yo?" Tanong ko pa sa kaniya kaya nahihiya siyang tumingin sa akin pero agad ding nagiwas ng tingin.
"A-ah. Ca-Calvin, tingin ko kailangan na nating umuwi. Ba-baka umulan. O kaya baka hinahanap na ako sa bahay," aniya kaya kumunot ang noo ko bago tumawa. "Anong nakakatawa?" Tanong niya sa akin habang pumupustura na tatayo.
"Walang maghahanap sa'yo sa bahay niyo. Ikaw lang magisa ang nakatira ro'n remember?" Sabi ko bago ko siya alalayang tumayo. Again, naramdaman ko 'yung parang kuryente na dumaan sa buong katawan ko na nagmumula sa kamay namin ni Ligaya na magkahawak. Tingin ko naramdaman niya rin 'yon dahil agad niyang binawi ang kamay niya.
"Hinihintay na ako ng bahay ko. Happy?" Tanong niya bago ako talikuran at magsimulang maglakad palayo.
"Hey, Ligaya. Nagbibiro lang naman ako. Galit ka na agad," I said habang hinahabol siya. Nasabayan ko siya sa paglalakad, nakita ko pa nga kung anong expression niya. She's mad. Ito ang unang beses na nakita ko siyang galit. Is it really because of my joke? "Ligaya, I didn't mean it," sabi ko pero parang hindi niya ako nakikita at naririnig. Hanggang sa makaabot kami sa parking lot, hindi niya ako kinakausap.
"Gusto ko nang umuwi Calvin," seryoso niyang saad na para bang pagod na pagod. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Galit ba talaga siya sa akin? Did she really take it serious? Inisip niya kayang binibiro ko siya dahil wala na siyang pamilya? Damn Ligaya. You're making me crazy.
"O-okay," tangi kong saad bago siya pagbuksan ng pintuan. Nang makapasok na siya, tsaka naman ako umikot sa driver's seat. Napatingin pa ako sa kaniya pero nakatulala na ito sa labas ng bintana. "So-sorry. Hindi ko naman inexpect na magagalit ka dahil---"
"Just drive Calvin. Pagod na ako," she said. Tumango na lamang ako at sinimulang buhayin ang makina ng kotse.
Pagkatapos no'n, hindi na kami nakapagusap pa. Hanggang sa matraffic na kami at dalawin na siya ng antok. Hinayaan ko siya na huwag akong kausapin. Tingin ko, galit talaga siya sa akin. But aside from that, pansin ko ring para siyang tulala at malalim ang iniisip bago siya nakatulog. Her eyes were saying that she's confused. At hindi ko alam kung bakit gano'n ang inaakto niya.
Paano nga ba ulit ako nahulog sa babaeng 'to?
"Una na ako. Ayaw mo naman sabihin saakin 'yung pangalan mo kaya Pogi nalang tawag ko sa'yo. Tutal g'wapo ka naman. Alagaan mo 'yung mga kaibigan mo ha? Para hindi ka matutulad saakin. Salamat ulit at niyaya mo akong makasabay kumain kahit na hindi ka naman nakikipag-usap saakin."
I really hate her that time. I mean, wala akong pakialam sa kaniya pero hindi ko mapigilang hindi mainis sa kaniya noong unang pagkikita namin na umiiyak siya. Lalo pa nang makasabay ko siya sa library. Nakikita ko kasi ang sarili ko sa kaniya noon, a weak individiual without no one to cry. Kaya ko siguro siya inayang sumabay sa akin sa lunch dahil alam ko ang pakiramdam na walang maiyakan. Kahit pa maraming taong handang makinig sa lahat ng problema mo.
BINABASA MO ANG
The Way She Look at Me
Teen FictionThe Way Series #1 | The eyes reveal so much about ourselves. *** A novel. Running away from his tragic past, Calvin transferred to a different university to start fresh. Living a new life, Calvin promised not to be happy again until he crossed paths...