Chapter 13 - Torpedo

69 4 8
                                    

Chapter 13.

"Ang selfish mo," diretso kong saad. Nakita kong gumuhit sa mukha niya ang pagkagulat. I was amused dahil sa reaction niya. "Parang sinabi mo kasi na sana hindi ka na lang nabuhay nang ganito katagal. Parang sinabi mo na rin na ikaw lang ang deserve na mag-inarte sa problema mo. Pakiramdam mo siguro ikaw lang ang may problema which is untrue. Pero sa inaakto mo, you're being selfish."

"H-hindi kita maintindihan," kunot-noo niyang saad.

Huminga ako ng malalim. "Ganito, isipin mo. Gusto mo na agad sumuko dahil iniisip mo na ikaw lang ang nahihirapan. Iniisip mo na kapag nawala ka, matatapos na lahat ng problema mo," pinilit kong gawing simple ang lahat. Pero hindi ko alam kung effective ba. "Yes, mawawala nga 'yung mga problema mo kapag namatay ka. Pero paano naman 'yung mga tao na nagmamahal sa'yo?"

Ngumiti siya nang mapait. "Kaya nga gusto ko nang mamatay e. Wala naman kasi akong maiiwan. Wala namang iiyak sa burol ko. Wala ngang pupunta sa burol ko e," aniya bago tumulong muli ang mga luha. Pinunasan niya ang mga 'yon, pero may mga nakakalusot pa rin.

Tumayo ako. "'Yan ang problema sa'yo. Hindi mo alam kung sino 'yung mga taong nagmamahal sa'yo---"

Tumayo rin siya. "Pero wala naman talaga!"

"Eh ano ako? Display? Kunwaring kaibigan lang gano'n?" Bakas sa boses ko ang pagka-inis. Nakita kong napatikhom ang bibig niya. Gusto niyang sumagot, pero hindi niya alam kung sa paano sisimulan, at kung anong dapat sabihin. "Alam mo, kung hindi mo rin naman pala ako makakatulong sa'yo, sana hindi mo na lang ako ginulo. Sana hindi na lang kita sinama sa library para maglunch no'ng umiiyak ka. Sana hindi mo na lang ako pinilit na maging kaibigan ka. Ang selfish mo. Hindi mo kasi naisip na may kaibigan ka sa harapan mo."

Naglakad na ako paalis. Sobra akong naiinis sa kaniya. Pinipigilan ko ang sarili ko dahil ayokong mangyari ulit ang nangyari noon. Noong huli akong magkaroon ng babaeng kaibigan, nauwi lang na siya ang pinakamatalik kong kaaway hanggang ngayon. Gusto kong kalimutan ang pangalan ng babae na 'yon, pero hindi mawala sa isipan ko. Halos apat na taon din kasi kaming naging magkaibigan.

"Calvin!" Narinig kong pagtawag ni Liwhatever sa akin. Hindi ko siya nilingon habang bumababa sa hagdan. Inis na inis ako kaya mabilis akong naglalakad. Alam kong nakasunod siya sa akin pero wala akong pakialam sa kaniya. Gusto kong maramdaman niya na naiinis ako sa mga inaakto niya. I know I'm immature to act like this. Pero nakakainis talaga. "Calvin! Teka dahan-dahan!"

Hindi ko siya pinansin. Hanggang sa huminto ako dahil hindi ko na naramdaman ang presence niya sa likuran ko. Napalingon ako sa likuran ko kung saan ko siya nakita. Naka-upo siya sa isang baitang ng hagdan at halatang hingal na hingal. Gusto ko siyang iwan ro'n at magpanggap na wala akong pakialam sa kaniya.

Pero tuluyan na akong nagkaro'n ng pakialam sa babaeng 'to. Simulang no'ng araw na nangako akong susuklian ko ang pagpapasaya niya sa akin. Simula noong araw na tinanggap ko siya sa buhay ko bilang kaibigan.

Umakyat ulit ako papunta sa kung saan siya naka-upo. "Sunod pa kasi nang sunod. Hingalin naman pala," sabi ko bago siya tulungang tumayo. "Kaya mo pa bang maglakad pababa?" Tanong ko sa kaniya pero umiling siya.

"Ma-mamaya na. Mag-magpapahinga lang ako," hinihingal niyang sabi habang hawak ang dibdib niya at malalim na humihinga.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya pagkatapos ay inangat ang tingin sa akin. "Why?"

"Uy concern siya sa 'kin," pang-aasar niya.

"S'yempre. Hindi kasi ako selfish," direkta kong saad kaya kumunot ang noo niya at ngumuso. "'Wag ka nga gumanyan---"

The Way She Look at MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon