Chapter 10.
"Ma, Pa, excuse me for a while," paalam ko kila mama at papa bago ko iwan 'yung kinakain ko. They just nod while eating the chef's recommended dishes.
Tumayo ako at naglakad papunta kay Lily. Tahimik siya at nakatulala lang na nakatingin sa menu ng restaurant. Hindi ko alam kung anong expression niya, parang naiiyak na parang halos walang expression. I don't know if it's just me or I'm really seeing her soft side again. Pang-ilang beses ko na nga ba siyang nakita na malungkot?
"Hey," pagbati ko nang makalapit ako ng kaunti sa kaniya.
Nawala ang tingin niya sa menu at napatingin sa akin. Napangiti siya sa akin kahit alam kong biglaan at pekeng ngiti ang isang 'yon. I know people better than themselves, well mostly.
"Hey. Ba't ka nandito?" Takang tanong niya sa kabila ng pekeng ngiti.
"Why? Am I not allowed to be in this restaurant?" I asked.
Umiling siya. "No. That's not what I mean."
"I know. May hinatid kami sa airport and nagdecide sila mama na kumain muna kami sa labas. And I'm here, how about you?" Tanong ko habang nakatayo pa rin sa harapan niya, hinihintay ang sagot niya na naging mailap dahil natahimik siya pansamantala. I thought she will not talk again, pero nagsalita ulit siya.
"Calvin, worth it ba ako maging kaibigan? Hindi ba ako masaya kasama or hindi ba ako p'wedeng magkaroon ng kaibigan?" She asked, nakatulala siya sa malayo at hindi ko alam kung anong partikular na bagay ang tinititigan niya. Basta ang alam ko lang, kasama ko ang katawan niya, pero ang diwa niya wala sa kaniya. Sobrang lalim ng iniisip niya to the point na pakiramdam ko dinala na siya nito sa ibang dimensyon.
Dahil sa tanong niya, may kung anong kakaiba akong naramdaman sa dibdib ko. Parang naging malambot na ewan. Para akong naawa sa kaniya kahit hindi ko pa naman alam ang problema niya.
"Can I sit?" Tanong ko. Tumango naman siya kahit hindi siya nakatingin sa akin. Nang maka-upo na ako, mas lalo kong natitigan ng maayos ang mukha niya. She has those beautiful eyes, and interesting features such as her clear skin. Yet 'yung eye bags na meron siya ang nagsabi sa akin na talagang hindi siya okay. Plus 'yung mata niya na parang latang-lata pa.
"You know, you're not hard to be friend with dahil friendly ka and thoughtful. Kahit hindi mo nga kaibigan, kinakausap mo as if they're your friend. Actually at first, to be honest ah, hindi talaga kita trip dahil ang kulit-kulit mo," I remembered those days na sobrang pinipilit niya na kaibiganin ko siya. "Pero nang maging magkaibigan tayo, you're really good to be with, ang saya mong kasama dahil hindi ka nauubusan ng k'wento. Gusto mo palagi masaya lahat ng nakapaligid sa'yo. And yes, para sa akin kahit hindi pa tayo matagal na magkaibigan, you're worth to be a friend. Ang dami ko kayang natututunan sa'yo. Like 'yung mga bata doon sa orphanage. Tinuruan mo akong magmahal ulit ng mga bata."
She blinked once, twice, again and again bago tumulo 'yung mga luha niya na matagal na nang huli kong makita.
"I-I'm sorry did I say something wrong?" Tanong ko habang nababahala. Hindi ko alam kung anong gagawin ko lalo pa't napapatingin 'yung ibang mga kumakain kay Lindya.
"No. No," she answered before she wipe her tears using her pink handkerchief. Nang makarecover siya mula sa pag-iyak, natawa siyang tumingin sa akin pero hindi pa rin nawawala ang mangilan-ngilan niyang hikbi.
"You have a serious problem, do you?" Tanong ko sa kaniya. She nod. "Mind to tell?"
Huminga siya ng malalim at nag-isip kung dapat ba niyang sabihin sa akin ang problema niya. "Nakakatawa lang na nakita mo akong umiiyak ulit sa parehong dahilan," wika niya kaya parang nagkaroon ako ng hint sa kung anong problema niya.
BINABASA MO ANG
The Way She Look at Me
Teen FictionThe Way Series #1 | The eyes reveal so much about ourselves. *** A novel. Running away from his tragic past, Calvin transferred to a different university to start fresh. Living a new life, Calvin promised not to be happy again until he crossed paths...