Chapter 16.
"Totoo nga? Birthday mo talaga ngayon?" Muli kong tanong habang naglalakad-lakad kami sa ibang parte ng MOA.
Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala na birthday nitong kasama ko. She really cried a while ago. Kahit hindi ko naman talaga alam na birthday niya. It was a very good coincidence. Ilang beses ko na ring tinanong sa kaniya kung legit ba na birthday niya ngayon at ilang beses na rin niyang sinabi na oo.
"Calvin, kung ayaw mong maniwala. Let's go home. Ipapakita ko pa sa'yo 'yung birth certificate ko. Para namang imposible na maging birthday ko ngayong araw," aniya habang naglalakad kami. Tumitingin-tingin din kami sa kumpulan ng mga tao na madadaanan namin. 'Yung ilan kasi sa kanila, nakita namin kanina sa convention center. Mukhang tulad namin, naglunch din muna sila.
"I just can't believe. Honestly, hindi ko naman talaga alam na birthday mo. Gusto ko lang mapasaya ka kaya ginawa ko 'yon. Well, mukhang napaganda pa na ginawa ko 'yon," proud kong saad. "Napaiyak kita," dagdag ko pa bago isuksok sa bulsa ko ang pareho kong mga kamay.
"Aba. Proud ka pa ha. Pero ayos lang," sagot niya habang nakangiti. "Napasaya mo naman talaga ako. That's my first birthday cake, ever," sabi pa niya kaya napatingin ako sa kaniya para malaman kung nagsasabi ba siya ng totoo. And I'm just making myself do something that isn't needed dahil hindi naman nagsisinungaling si Liwhatever. Never pa siyang nagsinungaling sa akin ever since na magkakilala kami.
"R-really?" Tanong kong muli sa kaniya. Ang dami kong nalaman sa kaniya ngayong araw na 'to. First, she really loves Pop Fiction books lalo pa't puro love stories ang madalas na finefeature no'n. Second, it's her birthday today. And now, her first birthday cake.
Tumango siya. "Madalas noong buhay pa si kuya. Kaming dalawa lang ang nagcecelebrate ng birthday ko. Wala kaming handa, pero thankful pa rin ako dahil si kuya ang unang babati sa akin kapag gising ko ng umaga ng birthday ko. Kakantahan pa niya ako ng birthday song at pagsisilbihan na para bang prinsesa. Although, araw-araw naman niya 'yong ginagawa."
Unlike the past days, wala kahit isang luhang pumatak mula sa mga mata ni Liwhatever. This time, she's smiling as if remembering the best moments she had in her life. And I think it is really the best moments she had. Base kasi sa mga mata niya na kahit hindi nagsasalita, damang-dama ko naman kung gaano niya namimiss ang mga araw na kinuk'wento niya.
"You really love your brother," tangi ko na lamang nasabi.
"Sobra."
Nanatili kaming tahimik habang hinahayaan namin ang mga paa naming dalhin kami sa kahit saan nito gustong pumunta. Marami pa rin kaming taong nakakasabay sa paglalakad at nadadaanan. Namiss ko tuloy ang pakiramdam na nandito sa MOA. Dati kasi, halos every month nandito kaming buong pamilya.
Not until...Angelica died. Never na ulit akong sumama sa kanila kaya tinigil na rin nila ang pagpunta rito sa MOA.
"Ayos ka lang?" Dinig kong tanong sa akin ni Liwhatever.
"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sa'yo?" Balik kong tanong sa kaniya.
"I'm okay. Ikaw, mukhang malalim ang iniisip mo."
"May naalala lang," I said before staring at her. "Let's go?"
"Saan?"
"Convention center? Saan pa ba," I said with a bit of sarcasm. "Hindi pa natin nasusuyod ang second floor. Baka mas maraming librong maganda do'n," dagdag ko pa bago kami lumiko papuntang convention center.
"Bakit mo 'to ginagawa?" Biglang tanong ni Liwhatever habang naglalakad kami.
"Ang alin?"
"Ito. Bakit mo ako dinala rito sa MOA? Bakit mo ako dinala sa book fair?" Tanong niya. "Ikaw kasi 'yung tipo ng tao na mas gugustuhin pang matulog sa bahay kaysa gumala," dagdag pa niya kaya napakunot ang noo ko. "Just an opinion! Base 'yon sa observations ko sa'yo," agad niyang saad.
BINABASA MO ANG
The Way She Look at Me
Teen FictionThe Way Series #1 | The eyes reveal so much about ourselves. *** A novel. Running away from his tragic past, Calvin transferred to a different university to start fresh. Living a new life, Calvin promised not to be happy again until he crossed paths...