Chapter 12.
"Alam mo po, bagay kayo ni Ate Ligaya. Pero bakit ayaw niyo po sa isa't-isa?" Tanong sa akin ni Chris habang naka-upo sa swing. Nakatayo ako sa harapan nila ni Ian habang hawak-hawak ko pa rin si Baby Chrystal.
"Hindi naman sa ayaw. Pero magkaibigan lang talaga kami. No romatic thing involve," sabi ko bago laruin ang maliliit na mga daliri ng baby na hawak ko. Ang nakakapagtaka, kahit kurutin ko ng marahan ang pisngi niya ng ilang beses, hindi siya umiiyak. Tumititig lang sa akin ito na para bang kinikilala ako.
"Isa pa Chris, ang hanap ni Ate Ligaya ay lalaking mabait at hindi masungit," saad ni Ian sa kapatid niya habang kumakain ng cake. Napatingin ako sa kaniya pero nakafocus lang siya sa kinakain niya. Hindi ako makapaniwala. Harap-harapan niya akong nilait. I mean, insulto 'yon kaysa compliment 'di ba?
"Masungit ba ako?" I innocently asked. "Hindi ba p'wedeng wala lang pakialam? O hindi nag-aaksaya ng laway sa kung kani-kanino at sa walang k'wentang mga bagay?" Pagtatanggol ko sa sarili ko. I don't know, pero dati naman kapag sinabihan akong masungit hindi big deal sa akin dahil tanggap ko at wala akong pakialam. Pero ngayon, para namang hindi ako makapaniwala na masungit ang tingin sa akin maging ng mga bata na 'to.
"Hindi naman. Pero no'ng una ka pong bumisita rito, parang ang sungit-sungit mo. Parang hindi bukal sa'yo na pumunta rito sa bahay-ampunan," sabi ni Chris bago siya magswing ng malakas. Muntik na nga niya ako tamaan kung hindi lang ako naka-ilag.
Hindi na ako kumibo. Besides, everything they say is opinion and subjective. Wala akong magagawa kung 'yun talaga ang tingin nila sa akin. Siguro magiging kuntento na lang talaga ako na nakakausap ko pa sila. Lalo na si Ian na para nang matanda kung magsalita. Tumatayo na kasi siyang tatay sa kanilang tatlo. I don't want to feel pity for them dahil hindi naman nila kailangan, pero kasi, ang bata pa ni Ian para mamulat sa sariling paa at maging independent para sa kanilang tatlo. Dapat naglalaro lang siya ngayon at wala nang iba pang iniintindi kundi pag-aaral.
Sana may umampon na sa kanila at bigyan sila ng tamang pagkalinga.
***
"Mauna na po ako, saglit lang po talaga dapat ako rito e," pagpapaalam ko kay Sister Ellies. Kanina pa ako nagpa-alam sa mga bata. Nasa dining hall na sila ngayon dahil maggagabi na. Dapat ihahatid ko lang ang mga libro pero napatagal ako sa pakikipaglaro at pagkukwento sa mga bata.
Ang ilan kasi sa kanila, hindi pa marunong magbasa at hindi ma-appreciate ang mga dala kong mga libro. They requested me to read the books, kaya wala akong nagawa kundi magbasa ng ilan sa mga librong dala-dala ko. Tuwang-tuwa nga ang nga madre dahil nakahanap daw ng bagong kalaro ang mga bata. Bukod daw kasi kay Liwhatever, wala nang bumibisita pa sa mga bata na katulad ko.
"Maraming salamat talaga sa'yo iho. Mag-iingat ka pauwi. Pagpalain ka nawa ng Diyos," ani Sister Ella. Ngumiti ako bago tumango. Palabas na sana ako ng gate nang pumukaw sa atens'yon ko ang isang pamilyar na babae. Nakasuot din siya ng tulad ng kay Sister Elizsa. Ang edad niya nasa mid-50's na.
Napansin niya rin ako kaya naman nakangiti siyang lumapit sa akin. "Calvin tama?" Aniya sa akin. Hindi ako makapaniwala na nandito pa rin pala siya sa bahay-ampunan na ito. It's been a year nang huli ko siyang makita. Tumango ako sa tanong niya. "Dumadalaw ka pa rin pala rito. Ang bait mo pa rin, hindi ka pa rin nagbabago. Ikaw pa rin ang Calvin na palaging kasama ni Angelica rito," nakangiti pa niyang saad.
"Sister Juliet," aning ko.
"Mabuti naman at naaalala mo pa ang ngalan ko. Akala ko nalimutan mo na ako," nakangiti niyang saad bago tumingin sa katabi kong madre.
"Magkakilala kayo sister?" Tanong ni Sister Elijah kay sister Juliet.
"Opo sister. Ito pong si Calvin, matagal ng bumibisita rito. Wala pa ho kayo ay dumadalaw na siya. Palagi niyang kasama 'yung kasintahan niya kapag pupunta siya rito," pagpapaliwanag ni Sister Juliet bago alanganing tumingin sa akin. "Nasaan na pala si Angelica?" Tanong niya sa akin at hindi agad ako nakasagot. I don't know how to reply.
BINABASA MO ANG
The Way She Look at Me
Teen FictionThe Way Series #1 | The eyes reveal so much about ourselves. *** A novel. Running away from his tragic past, Calvin transferred to a different university to start fresh. Living a new life, Calvin promised not to be happy again until he crossed paths...