FLAMES SERIES 1
THE FANCY BRIDE
"FARAH"
BY;EMMZ
CHAPTER 1..........
Puerto Prinsesa Palawan.....
Naghahapunan na ang mag anak ni Farah kasama ang boyfriend ng ate Frieda niya na si Mathew 'Matt' Fernando ang kaisa isang anak ni Don Lucio at donya Nenita,...ngunit wala pa siya sa hapagkainan kaya naman nagpuputak na naman ang kanilang papa na si Governador Manuel Santiago sa mismong hapag kainan....
"Saan na naman nagpunta ang babaeng iyon ang paalam niya kanina magsisimba lang siya pero anung oras na alas 7:30 na ng gabi ngunit wala pa siguro kasama na naman niya ang boyfriend niyang sanggano!....galit na wika ng kanilang na halos dumagundong sa buong mansiyon...
"Hay naku papa hindi pa kayo nasanay diyan sa anak ninyong iyan kung hindi ang nobyo niya ang kasama niya yung tomboy naman na kaibigan niya ang lagi niyang kasama,..hindi na ako magtataka kung balang araw ay bigla nalang mabuntis ng wala sa oras o kaya'y maging tibo narin ang babaeng iyan dahil sa katigasan ng kanyang ulo!...segunda naman ni Frieda sa kanyang papa na siyang pagdating naman ni Farah at narinig lahat ang mga sinabi ng kapatid...
"Magandang gabi sa lahat,...mano po papa!...wika ni Farah sabay dampot sa kamay ng kanyang papa para magmano ngunit iwinaksi lang ng kanyang papa ang kanyang kamay na siyang nasaksihan ni Matt kaya napayuko siya sa pagkapahiya at naupo nalang siya sa silya at sinimulang kumain kahit halos hindi malulon ang pagkain sa sobrang sama ng loob sa pagkapahiya niya sa boyfriend ng kanyang ate...
"Farah sa susunod ayaw na ayaw kong nakikipagmabutihan ka diyan sa kaibigan mong tomboy hah baka mamaya niya'n maturuan kapa ng hindi magandang asal,..katigas na nga ang ulo mo kung sino sino pa ang kinakaibigan mo!.....sermon ng gobernador kay Farah...
"Pa mabait naman si Louise eh!,..siya noon ang tumulong noong nasiraan ako ng sasakyan at kahit mahirap lang sila'y mababait naman ang pamilya niya....depensa ni Farah sa kaibigan...
"At ipinagtatanggol mo pa ang tomboy na iyon at yung sanggano mong boyfriend wag na wag mong madadala dito sa bahay dahil ayaw kong Makita ang pagmumukha ng lalaking iyon!...muling sermon ng kanyang papa na ikinatahimik na lang niya dahil hindi naman lingid sa kanya na ayaw talaga ng kanyang papa sa nobyo niyang si Leo ngunit mahal na mahal niya ito....
"Hay naku papa gaya nga ng sinabi ko nagsasayang lang kayo ng laway sa kadadakdak ninyo diyan dahil mamaya niya'n ay kasa kasama na naman niya ang mga iyon lalo na yong nobyo niya na akala mo'y sobrang gwapo at bilib na bilib sa sarili...hirit naman ni Frieda habang maarteng ngumunguya ng pagkain....
"Bakit ate paano mo nasabing mayabang si Leo eh hindi ka naman niya binabastos ah!..at saka yung sinabi mo kaninang mabubuntis ako'y wala sa isip namin ang idea na iyan dahil napagkasunduan naming magtatapos muna kami ng pag aaral para makahanap kami ng magandang trabaho at saka kami magpapakasal....pagtatanggol ni Farah sa kasintahan..
"At ipinagtanggol mo pa talagah!...nangungutyang wika ni Frieda habang nakaismid na pinagmamasdan ang bawat pagsubo ng pagkain ni Farah...
"Babes tama na!...awat naman ni Matt sa nobya dahil naaawa siya kay Farah na pinagtutulungan ng mag ama....
"Hmp!..kinakampihan mo pa yata ang babaeng iyan eh!...pairap ang tinging ipinikol nito sa nobyo..
"Nope babes!..kasi naman eh nasa harapan kayo ng pagkain tapos nagbabangayan kayo hindi magandang tingnan.....saad ni Matt na noon ay wala ang matanda sa hapagkainan at ang silang tatlo nalang ang nandoon..
"Sige kampihan mo ang babaeng yan at ng lumaki ng lumaki ang ulo niya,..hmp!..diyan kana nga!...inis na turan ni Frieda sa nobyo saka tumayo ito at umakyat ng kanyang kwarto na agad namang sinundan ni Matt para suyuin ang nobya...
Dahil hindi makakain ng mabuti si Farah dahil sa mga sermon na inani mula sa kapatid at papa niya na pawing wala namang katotohanan ay niligpit nalang niya ang mga pinagkainan habang tumutulo ang kanyang mga luha...
"Masanay kana kasi lagi namang ganyan sila sayo eh!...alam ko naman ang totoo anak wag kang mag alala andito lang ako sa tabi mo hinding hindi kita iiwan....naiiyak na wika ni Manang Mona sa mahal niyang alaga...
"Salamat mamang tanging ikaw lang ang nagmamahal sa akin dito sa bahay ang aking papa at aking kapatid ay hindi ko maramdaman ang kanilang pagmamahal kahit pakitang tao lang sana ay hindi pa nila magawa....lumuluhang wika ni Farah na siyang pagdating ni Frieda sa kusina para kumuha ng ice cream sa freezer...
'Hay naku nagdadramahan na naman ang dalawang artista!,...nakairap na sabi ni Frieda sabay alis ng makuha na ang pakay nito...
Kinabukasan ay masaya si Matt habang naghihintay sa may kotseng nakaparada sa harap ng mansiyon ng mga Santiago para sunduin ang kanyang nobya ng mamataan niya si Farah na palabas ng mansiyon at naglalakad ito papunta sa kinaroroonan niya....
"Oh Farah musta may lakad ka yata?....tanong ni Matt kay Farah na halos pababa at pataas kung tingnan niya ito dahil sino naman ang hindi mapapatingin sa suot niyang simpleng matatawag ngunit hapit na hapit naman sa katawan niya ang hanging shirt na fitted at tenernuhan ng tight jeans na halos nakasabit nalang sa balakang nito ang sobrang baba ng waist nito kaya naman bawat lalaki na mapapatingin sa kanya ay tiyak na mapapalunok...
"Pupuntahan ko si Santhana at Mirah dahil may lakad kami,..ay pasensiya kana pala kagabi sa nangyari tuloy nasaksihan mo kung gaano kagulo ang aming pamilya sa harap mismo ng hapagkainan.....hinging paumanhin ni Farah...
"Wala yun ganun lang talaga ang pamilya kung minsan,..may mga hindi pagkakaunawaan sa mga bagay bagay,..at ako na ang humihingi ng despensa para sa ate mo sa mga sinabi niya sayo mainit lang siguro ang ulo nito kaya nasabi niya ang mga iyon sayo....ani Matt kay Farah na panakaw nakaw ang mga mata sa pagtitig sa kagandahan ni Farah...
"Hindi lang minsan niya akong pinagsasabihan ng ganun Matt halos araw araw nila akong nginangawngawan kahit wala akong ginagawang mali ay lagi nalang may napupuna sa akin kung minsan nga naiisip ko na siguro mas masaya sila kung ako nalang ang namatay at hindi si mama....nangingilid ang luhang turan ni Farah at ng lumingon sa may mansiyon ay nakita niyang palabas na si Frieda kaya naman nagpaalam na siya sa lalaki..
'Sige alis na ako at salamat sa malasakit....ani Farah kay Matt at saka nilisan ang lugar kung saan naroong nakatayo si Matt na hatid tanaw siya nito na siyang nadatnan ni Freida..
'Oh babes baka naman humaba ang leeg mo niyan,..at saan pupunta ang babaeng iyon at kung manumit ay halos iladlad na niya ang buong katawan nito....nakasimangot na saad ni Frieda..
"May lakad daw yata sila nina Mirah at Santhana.....sabi ni Matt habang binubuksan ang pintuan ng kotse...
"Hmp!...ewan ko sa babaeng iyan masyadong sakit sa ulo....ani Freida saka inayos ang pagkakaupo sa loob ng kotse ng magulat ito sa biglang paghawak ni Matt sa kamay nito at sabay lapag ng kahita sa may palad niya.....
ABANGAN!!
BINABASA MO ANG
Flames Series 1...THE FANCY BRIDE..."FARAH"...by...emzalbino
RomanceAng kwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang kaya kung sakaling may pagkakatulad ang mga tauhan sa ibang kwento o buhay ng isang tao ay hindi po sinasadya...... ......salamat.... (emzalbino)