FINALE...

22K 471 27
                                    

FLAMES SERIES 1

THE FANCY BRIDE

"FARAH"

BY:EMMZ

FINALE....

Halos hindi na makita ni Farah ang kanyang daanan dahil sa nanlalabong paningin na sanhi ng kanyang mga luhang naglalandas sa kanyang pisngi...Ngunit hindi iyon balakid sa kanya para ihinto ang kanyang kotse dahil gusto niyang makita at makausap ng araw ding iyon si Matt dahil gusto niyang humingi ng tawad at nais niyang magkaayos sila dahil mahal na mahal pa rin niya ito at tama lang ang kanyang pagpunta roon dahil kaarawan niya ngayon at nais din niyang batiin ito dahil ito ang unang kaarawan ni Matt na sila ay mag asawa..

Sa wakas ay narating na rin ni Farah ang bahay na gawa sa kahoy na narra at pininturahan kaya tinawag nilang kubo ito ngunit maayos ito at kompleto ang gamit sa loob dahil ito ang ginagawang rest house ng mga magulang ni Matt sa tuwing nagagawi sila sa hasyenda tuwing anihan ng mga prutas o namamasyal sila sa buong hasyenda....

Kadarating lang ni Matt mula sa pagpapalahi ng mga baka kaya agad siyang naligo para pagpunta niya sa kanilang mansiyon dahil kahit ayaw niyang maghanda ay kinulit siya ng kanyang mommy na umuwi sandali upang pagsaluhan ang munting handa para sa kanya...

Habang nasa banyo siya ay parang may naulinigan siyang ugong ng sasakyan kaya agad siyang nagbanlaw at saka nagtapis ng tuwalya at sumilip sa may bintana at hindi niya alam kung namamalikmata siya o hindi dahil nakita niya sa tapat ng kubo ang sasakyan ni Farah kaya naman bigla siyang kinabahan na hindi nito mawari ang kanyang damdamin ngunit sa totoo lang ay nasasabik na siyang masilayan ang babaeng itinatangi ng kanyang puso at ng lumabas ng sasakyan si Farah ay dali dali niyang isinuot ang kanyang boxer short na nasa ibabaw ng kama saka lumabas ng kwarto at dumiretso ng balkonahe at hinintay sa may pinto si Farah na makalapit....

Ngunit ng makita nito ang dala dala ni Farah na envelope ay parang nadismaya ang kanyang pakiramdam at biglang kinabahan siya....

Halos hindi maihakbang ni Farah ang kanyang mga paa na palapit sa may pinto dahil naroroon si Matt na nakatayo at waring hinihintay siya...at ng mamasdan niyang mabuti ang mukha ng asawa ng makalapit na ito sa kanya ay parang gusto niyang sugurin ito ng yakap dahil sa sobrang stress nito sa kanyang mukha at ni halos hindi na niya magawang magpagupit at maging ang mag ahit ng balbas nito....

Nang magkaharap na silang dalawa ay pilit ang ngiting pinakawalan ni Farah at ng magtama ang kanilang mga mata ay nagbawi ng tingin si Farah dahil hindi niya kayang salubungin ang mga titig ni Matt na parang inaarok nito ang buo niyang pagkatao...

"Pasok ka!.. Ano ba ang problema at naparito ka?.... maya maya ay basag ni Matt sa katahimikan sa pagitan nila saka pinaupo nito si Farah sa upuan na gawa sa kahoy at naupo ito sa tapat ni Farah at halos pigil ang kanyang kilos dahil kung hindi ay baka kanina pa niya ito niyakap ng mahigpit sa sobrang pangungulila nito sa kanya dahil sa tagal na hindi niya ito nakita...

"Salamat!... mahinang turan ni Farah saka tumingin ito kay Matt ngunit muli niyang binawi ang kanyang tingin dahil titig na titig ito sa kanya at ng mapadako ang mga mata niya sa hubad na katawan ni Matt ay parang nais niyang itong yakapin ng mahigpit...ngunit hindi niya kayang gawin at hindi rin niya alam kung papaano uumpisahan ang kanyang sasabihin sa lalaking kaharap na siyang pinananabikan niya ng husto...

"Ano nga pala ang sadya mo rito?... bakit may mali ba sa mga papeles na iyan?...muling tanong ni Matt na ang tinutukoy ay ang dala dalang envelope ni Farah kaya't kinuha niya ito...

"O..oo may ma..mali riyan!... nagkandautal utal na wika ni Farah ngunit wala namang mali roon..

"Ay pasensiya kana kung hindi ko nakitang mabuti!.. Asan ang mali rito?...bikig ang lalamunan ni Matt ng sabihin nito ang salitang iyon..

Flames Series 1...THE FANCY BRIDE..."FARAH"...by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon