Chapter14

10.2K 251 3
                                    

FLAMES SERIES 1

THE FANCY BRIDE

"FARAH"

BY:EMMZ

CHAPTER 14....

Matapos ang dalawang linggo na paglagi ng mag asawa sa mansiyon ng mga Santiago para alagaan ni Farah ang kanyang ama ay umuwi na ang dalawa sa mansiyon ng mga Fernando o sa mansiyon nila Matt at natutuwa ang mag asawang don Lucio at donya Nenita dahil sa pagbabago ng dalawang mag asawa dahil mas malapit na ang mga ito sa isa't isa at hindi na gaanong malayo ang loob ni Farah sa asawa nito at kinakausap na nito kaya naman naging mas malambing pa si Matt sa asawang si Farah....

"Mahal matutuwa ako sa nagiging takbo ng buhay ng dalawa.,, nagkakalapit na ang kanilang mga damdamin at hindi na malayo ang loob ni Farah sa anak natin... masayang pahayag ni donya Nenita sa asawa na may ngiti sa kanyang labi habang nakamata sa dalawang mag asawa na nanonood ng tv sa sala at nakaakbay pa si Matt sa asawa nito...

"Oo nga mahal at sana ay pang habang buhay na ang kasiyahan ng dalawang ito at sana ay magkaroon narin tayo ng mga apo dahil nasasabik na akong magkaroon ng bata rito sa bahay... saad ni don Lucio na nakangiti ito...

"Oo nga mahal nasasabik na akong may tatawag sa akin ng lola..hay kailan kaya tayo mag kakaapo sana ay malapit na para naman mahabol ko pa ang aking mga apo baka kasi saka lang tayo magkakaapo kung nirayuma na tayo at hindi na tayo makahabol sa mga apo natin mahal....ani donya Nenita...

"Oo nga eh kaya sabihan mo kaya si Matt mahal na madaliin niya ang paggawa ng apo natin ha ha ha!...natatawang biro ni don Lucio sa kanyang esposa...

"Ha ha ha sira ka talaga mahal!...halos sumakit ang tiyan ni donya Nenita sa tinuran ng kanyang asawa....

...LINGGO....

Kasama ni donya Nenita at don Lucio ang mag asawang Farah at Matt na nagsimba ngunit ang dalawang matanda ay nasa may harapan at ang mag asawa naman ay nasa likod dahil siksikan na sa loob kaya ipinasya nalang nila na tumayo habang nakikinig ng misa dahil napakaraming tao...

Matapos nag misa ay nagpaiwan muna ang mag asawa maglakad lakad daw muna sila kaya naman nauna ng umuwi ang mag asawang matanda...Nagutom si Farah kaya bumili siya ng fishball at habang nakapila siya ay may narinig siyang pamilyar na mga boses kaya naman napalingon siya sa may bandang likuran ng natitinda ng fishball at biglang sumilay ang ngiti sa kanyang labi ng nmakita niya ang kanyang mga kaibigan at lahat sila ay naroroon tanging siya lang ang wala sa grupo kaya naman halos patakbo niyang sinugod ng yakap ang mga ito na nagulat at ng mahimasmasan ay saka nagyakapan ang mga ito na halos naiyak na sila sa pangungulila sa isa't isa....

"Farah friend kamusta kana namiss ka namin ang tagal nating hindi nagkikita kita... lumuluha sa tuwa habang nakayakap sa kanya si Mirah...

"Ok na ako sa ngayon naka move on na ako sa nangyari noon sa akin... sagot naman ni Farah na hindi mapigil ang pagdaloy ng kanyang luha dahil sa pangungulila sa kanyang mga kaibigan na itinuring niyang parang mga kapatid...

"Alam mo ba Friend nagulat kaya kami sa balita noon tungkol doon sa biglaang pagpapakasal ninyo ni Matt".... singit naman ni Santhana sabay yakap kay Farah..

"Alam mo friend naawa ako sa iyo noong nabalitaan ko ang nangyaring iyon sa iyo nag iiyak kaya ako dahil sa awa ko saiyo.... turan naman ni Amor na ngayon ay nakagala dahil nag out of town daw ang kanyang papa at kasama ang kanyang madrasta at ang step sister nito...

"Tinatawagan kita noon friend ngunit matandang babae ang nakasagot at sinabing aksidenteng nadala daw niya ang iyong cellphone ng pauwi siya mula sa iyong kasal at sinabi niyang wag ko na daw tawagan ang iyong cellphone dahil nasa Manila ang matandang babae at ayon sa kanya ay tiya mo daw yata.... salaysay ni Louise habang nakapanewang na akala mo ay lalaki kung umasta..

Flames Series 1...THE FANCY BRIDE..."FARAH"...by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon