FLAMES SERIES 1
THE FANCY BRIDE
"FARAH"
BY:EMMZ
CHAPTER 16.....
"Anak dapat sanang pinag usapan muna ninyo ni Matt ang problema ninyo bago ka umalis sa kanilang bahay kasi baka naman hindi totoo ang hinala mo sa iyong asawa'...mahinahong wika ni Manuel sa kanyang anak na panay ang hikbi na parang bata....
"Eh papa nakita na po ng dalawa kong mata ano pa ba ang dapat niyang ipaliwanag doon?..yun bang sasabihin niya na natukso lang siya kaya't hindi niya napigilan ang sariling mambabae!,..ganoon ba papa?....luhaan paring sagot ni Farah sa kanyang ama na sinusupil nito ang ngiti sa kanyang labi at maging si mamang Mona ay nais ng humagikgik sa hitsura ng alaga na parang bata na nagsusumbong sa kanyang ama...
"Oh siya sige umakyat kana ng iyong kwarto ng makapagpahinga ka.,,,ay kumain kana ba?...tanong ni Manuel sa anak na halos mamaha na ang kanyang mga mata sa kaiiyak nito..
"Hindi pa papa at hindi ako nagugutom"... tanging tugon nito sa ama at saka deritsong umakyat ng kanyang kwarto kaya naman nagkatinginan nalang ang dalawa na sina gobernador Mauel at mamang Mona...
Samantalang ilang oras pa lang ang nakakaraan mula ng umalis ng bahay si Farah ay hindi na mapakali si Matt dahil masyado siyang nag aalala sa kanyang asawa kaya naman baba panaog ang kanyang ginawa sa kanilang bahay...
"Ano ba naman iho kanina pa kami nahihilo ng iyong papa sa ginagawa mong akyat baba sa bahay ah!... sita ni donya Nenita sa anak na halos magdikit na ang mga kilay nito sa pagkakunot ng noo nito...
"Mommy im just worried sa asawa ko baka kung mapaano siya at kasasabi lang ni papa na hindi daw siya kumain ng agahan doon at anong oras na oh late lunch na at hanggang ngayon eh hindi parin kumakain syempre mag aalala ako ng husto dahil baka kung ano na ang mangyari sa kanya!... puno ng pag aalalang sagot ni Matt sa kanyang ina...
"Baka naman yung malalaking santol ang gusto niyang kainin!... maya maya'y singit nang don sa usapan ng mag ina..
"Oo nga noh daddy!..,, sige po aalis na ako at pupunta ako ng bayan at ng makabili ako ng santol at dadalhin ko sa kanya baka sakaling masuyo ko na ang asawa ko.... biglang sabi ni Matt sa lanyang mga magulang ng marinig nito ang sabi ng kanyang daddy at nagmamadaling tinungo ang kanyang kotse saka pinasibat ang kanyang sasakyan papunta ng bayan para bumili ng santol para sa kanyang asawa...
Bumili ng isang kilong malalaking santol si Matt at ng may madaanang nagtitinda ng singkamas ay bumili narin ito saka bumili ng 3pirasong manggang hilaw saka tinungo nito ang kanyang kotse at sumakay ito papunta sa mansiyon ng kanyang biyenan....
Nadatnan niya sa sala ang kanyang biyenan na nanunood ng tv kaya nagmano siya rito at natawa ang matanda ng makita nito ang mga bitbit ni Matt kaya napakamot nalang sa ulo si Matt ng makita ang reaksiyon ng kanyang biyenan...
"Hindi pa po ba lumalabas ng kanyang kwarto papa?... tanong ni Matt kay gov. Manuel..
"Hindi pa nga eh ng gisingin kanina ni manang Mona ay sininghalan pa nito ang kanyang yaya at sinabing ayaw daw niyang kumain.,, hala akyatin mo na baka sakaling umipekto ang mga dala dala mo sa kanya at ng makapag usap kayong mabuti ng asawa mo.... pagtataboy ni Manuel sa kanyang manugang para akyatin nito ang nagtatampong asawa nito habang napapangiti sa hitsura ni Matt na kay daming dala dala para sa kanyang asawa...
Pagkasabi ni gobernador Manuel na akyatin ni Matt ang asawa sa kanyang kwarto ay agad itong tumalima hindi na niya kinatok ang pinto dahil ng pihitin niya ito ay agad niyang nabuksan dahil hindi naman nakalock..

BINABASA MO ANG
Flames Series 1...THE FANCY BRIDE..."FARAH"...by...emzalbino
RomanceAng kwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang kaya kung sakaling may pagkakatulad ang mga tauhan sa ibang kwento o buhay ng isang tao ay hindi po sinasadya...... ......salamat.... (emzalbino)