FLAMES SERIES 1
THE FANCY BRIDE
"FARAH"
BY;EMMZ
CHAPTER 18.....
"Hindi kita pababayaan anak bubuhayin kita at ipaglalaban kita sa iyong ama dahil balang araw alam ko na matatanggap karin niya dahil nabigla lang siguro siya sa iyong pagdating......lumuluhang hinihimas himas ni Frieda ang kanyang impis pang tiyan at ng paglabas niya ng kwarto ay nadatnan niyang nakaupo sa may sofa sa sala si Garry na sumisimsim ng beer in can kaya dahan dahan siyang lumapit sa katipan upang masinsinan niyang kausapin tungkol sa kanilang baby...
"Babe sana pag usapan nating mabuti ang tungkol sa ating baby dahil ayaw ko siyang mawala mahal ko siya gaya ng pagmamahal ko sayo dahil dugo at laman natin siya....giit ni Frieda kay Garry na siyang dahilan ng pagsalubong ng kanyang mga kilay na halos nag isang linya nalang....
"Frieda wag mo ng ipagpilitan ang gusto mo kung talagang mahal mo ako o kung gusto mo mamili ka nalang sa amin kung sino ang mas matimbang para sayo dahil gaya ng sabi ko ay hindi ko gustong magkaanak dahil ayaw ko ng responsibilidad yan ang itanim mo sa kukute mo!.... pabulyaw na wika ni Garry saka padabog na lumabas ng kanilang tinutuluyang apartment ni Frieda at naiwang lumuluha ito....
"Walanghiya ka Garry kung alam ko lang na ganito pala ang gusto mong mangyari sana itinuloy ko nalang ang pagpapakasal noon kay Matt kahit hindi ko siya mahal!..
"Tiniis ko ang mamuhay ng simple makasama ka lang!,..sinuway at tinalikuran ko ang aking pamilya at marangyang pamumuhay ng dahil sa iyo ngunit sa ganito lang pala mapupunta ang lahat at ngayon pinapipili mo ako akung sino ang mas matimbang sa inyo ng aking anak?...
"Hindi ko na hihintayin pa na magsawa ka sa akin dahil nakikita ko sayo ay sex lang ang gusto mo sa akin ang makasama lang sa kama at wala kang balak na pakasalan ako dahil isang taon na tayong nagsasama ay ni wala ka pang binanggit sa akin tungkol sa ating kasal o balak mo akong pakasalan kaya mas mabuting lumayo nalang kami ng anak ko habang maaga pa!"....lumuluhang tinungo ni Frieda ang kanilang kwarto saka inayos nito ang kanyang gamit saka inilagay lahat sa isang bag at dali daling nilisan ang kanilang tinutuluyan kahit kay sakit sa dibdib niya ang kanyang gagawin ngunit titiisin nalang niya alang alang sa kanyang magiging anak dahil kung magtagal pa siya doon ay kung ano pa ang gawin ni Garry sa kanya at baka pilitin siyang ipalaglag ang kanilang baby....
..........
Samantala sa bawat pagbisita ni Farah sa kanyang doktor ay kasa kasama nito ang kanyang asawang si Matt at kahit abala sa gawain sa hasyenda ay pilit parin nitong binibigyan ng oras ang kanyang asawa dahil nais niyang masigurong ligtas sa anumang kapahamakan ang kanyang mag ina....
"Hmm asawa ko diba may gagawin kayo ngayon sa hasyenda?.... ani Farah kay Matt habang nagbibihis ito papuntang bayan upang bisitahin ang kanyang doktor para sa kanyang check up...
"Yes asawa ko bakit?.... sagot naman ni Matt habang nagbibihis narin ito...
"Eh baka maabala kita sa dami ng iyong gagawin sa hasyenda eh ano kaya kung pasama nalang ako kay mommy at ituloy mo nalang yung ginagawa mo doon!... suhistiyon ni Farah sa kanyang asawa...
"No asawa ko!.. Ako ang sasama sa iyo baka kung mapaano ka at ng baby natin sa daan ayokong mangyari iyon gusto ko kapag lumalabas tayo kasama mo ako para masiguro kong ligtas kayo ng anak natin sa kapahamakan at hindi rin ako mapalagay sa hasyenda kung maiiwan ako dahil nasa inyo ng baby natin ang isip ko baka kasi kung ano ang mangyari sa inyo sa daan at natatakot ako na magkatotoo ang nasa isip ko.... buong pag aalalang saad ni Matt sa asawa nito saka niyakap ng buong higpit...

BINABASA MO ANG
Flames Series 1...THE FANCY BRIDE..."FARAH"...by...emzalbino
RomanceAng kwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang kaya kung sakaling may pagkakatulad ang mga tauhan sa ibang kwento o buhay ng isang tao ay hindi po sinasadya...... ......salamat.... (emzalbino)