Chapter 21

9K 225 5
                                    

FLAMES SERIES 1

THE FANCY BRIDE

"FARAH"

BY:EMMZ

CHAPTER 21....

"Oh my God please save my wife and my baby!..... kinikilabutang usal ni Matt habnag buhat buhat nito ang walang malay na si Farah na umaagos ang dugo sa hita nito at sakto namang nasalubong nito ang gulat na gulat sa sina mamang Mona at gov.Manuel at ng makita ang umaagos na dugo sa hita ni Farah ay biglang nag alala ang mga ito...

"Matt anong nangyari kay Farah!... Oh Diyos ko may dugong umaagos sa kanyang hita!.... tarantang wika ni gov.Manuelkay Matt...

"Nahulog siya sa hagdan papa at nagpagulong gulong siya.... naluluhang sagot ni Matt habang nagmamadaling tinungo ang sasakyan niya sa garahe...

"Oh Panginoon ko iligtas mo si Farah at nag baby niya!.... lumuluhang dalangin ni mamang Mona habang hindi ito mapakali na nakasunod kina gov.Manuel at Matt..

"Matt papaano siya nahulog sa hagdan!?... naguguluhang tanong ni Manuel sa manugang...

"Saka ko na lang isasalaysay ang pangyayari papa ang dapat gawin ngayon ay madala ang aking asawa sa ospital para maisalba ang aking mag ina!... turan ni Matt at ng maipasok na sa sasakyan si Farah ay saka naman naalalang naiwan pala niya ang susi ng kotse sa taas ng kwarto kaya naman agad na tinawag ang guwardiya g si mang Selmo at ipinagdrive nalang siya nito hanggang sa ospital...

Samantala ng makita ni Frieda ang mga dugong umaagos sa hita ni Farah ay bigla siyang nakaramdam ng takot na baka mapahamak ang ipinagbubuntis nito kaya agad siyang pumasok sa kanyang kwarto at hindi mapalagay..

"Oh Diyos ko po!...sana po ay walang masamang mangyari sa baby dahil kahit gaano ako kasama ay hindi ko naman hinangad na mawala ang baby nila dahil ako din ay may baby rin sa aking tiyan... ang tanging nais ko lang ay pasakitan ang kalooban ni Farah at hindi ko hinangad na maging ganito ang kalalabasan ng lahat.....nag aalalang bulong ni Frieda sa sarili habang palakad lakad sa loob ng kanyang kwarto at ng hindi makuntento ay lumabas siya ng kwarto at naabutan niya sa kusina si mamang Mona na hindi mapakali...

"Mamang kumusta po si Farah?... alanganing tanong ni Frieda na parang nanginginig ang kamay nito sa kaba...

"Hayon dinala ni Matt sa ospital na halos mapaiyak na yung tao sa pag aalala dahil sa dugong umaagos sa may hita ni Farah!.. Oh Diyos ko po wag naman Po sanang makunan si Farah!....sagot ni mamang Mona sabay usal ng panangalangin para kay Farah at sa baby nito...

"Ga-ganon po ba!.... nauutal na turan ni Frieda saka nagpaalam na pupunta na ng kanyang kwarto dahil mas lalo pang sumidhi ang kaba sa kanyang dibdib..

Sa ospital ay hindi mapakali si Matt kabado sa halo halong emosyong nadarama... ni hindi makapag isip ng tama dahil ang nasa sa isip niya ang labis na pag aalala sa kanyang mag ina lalo na sa kanilang baby sa sinapupunan ni Farah....

"Oh Diyos ko iligtas mo po ang aking mag ina!... Nakikiusap Po ako sa inyo Panginoon ko wag na wag mong pababayaan ang aking mag ina mahal na mahal ko po sila hindi ko kakayanin pag may nangyaring masama sa kanila oh Diyos ko!.... samo ni Matt hanggang sa hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha dahil sa natatakot siya sa kung ano man ang magiging resulta ng kalagayan ng kanyang mag ina...

"Matt iho magpakatatag ka basta manalangin ka lang sa Poong Maykapal para sa iyong mag ina."... ani Manuel sa kanyang manugang ngunit maging ito ay labis ding nag aalala para sa kanyang anak at sa magiging apo nito...

"Papa natatakot po ako baka kung ano ang mangyari sa aking mag ina!... Baka hindi po makaligtas ang aming baby !....sagot ni Matt sa kanyang biyenan at hindi niya alintana ang hiya sa harap ng kanyang biyenan at iniiyak na lang ang bigat ng kanyang dibdib ng mga oras na iyon...

"Kaya nga magdasal tayo dahil iyon lang ang tanging paraan ang magkaroon ng milagro para sa baby ninyo!..., Papaano nga palang nahulog si Farah sa hagdan?.... maya maya ay tanong ni gov. Manuel kay Matt....

"Ganito po ang nangyari papa!... Nang magising ako ay wala si Farah at ng mabasa ko ang text message niya na sumama raw siya kay mamang Mona sa palengke ay tinawagan ko siya para alamin kung ok lang siya sa pagbiyahe niya papuntang bayan at ng sinabi niya na ok naman dahil maingat naman si mang Selmo ay sandali pa kaming nag usap saka ako nagpaalam na maliligo para maalis ang hang over ko at sabi naman niya na pauwi na rin sila...

............Ilang sandali rin akong nagbabad sa tubig para maalis ang alkohol sa aking katawan at ng matapos akong maligo ay lumabas ako ng banyo at ng pagkapasok ko sa loob ng kwarto namin ay nagulat ako dahil nasa loob ng kwarto namin si Frieda na nakasuot ng napakanipis na maikling damit..,, Pinapaalis ko siya dahil baka maabutan siya ni Farah at maging gulo pa ngunit ayaw niyang umalis bagkus bigla niya akong niyapos at nangunyapit siya sa aking leeg at ng pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa akin ay saka naman niya sinadyang itinumba ang sarili sa may kama kaya't natumba siya na kasama akong napaibabaw sa kanya na siyang saktong nadatnan ni Farah kaya't nagtatakbong lumabas ng kwarto at agad akong sumunod sa kanya ngunit huli na ng makita ko siyang nagpagulong gulong pababa ng hagdan...,halos manginig po ang aking buong katawan ng makita ko ang dugong umaagos sa hita ng aking asawa..,Parang hindi ko kakayanin papa pag nawala ang baby namin dahil matagal ko ng pinanabikan ang paglabas niya simula ng malaman kong buntis si Farah.....lumuluhang salayasay ni Matt kay Manuel na siyang nadatnan ng mga magulang ni Matt....

"Walang hiya talaga ang babaeng iyon!... makikita niya ang hinahanap ng babaeng iyon!... Sumusobra na siya porke hindi ako umiimik sa mga pinanggagawa niya ay nagiging palalo na siya!.... galit na turan ni Gov. Manuel saka binalingan nito ang mga balae niya...

"Balae salamat at dumating kayo!... Kung maaari ay kayo muna ang kasamang magbantay ni Matt kay Farah dahil uuwi lang ako sandali sa bahay at ng magtutuos lang kami ng babaeng iyon!.... pormal ang mukhang saad ni Manuel sa kanyang mga balae na ipinagtaka naman ng mga ito...

"Ah ok lang balae kami na muna ang bahala rito at wag kang mag alala at babalitaan ka namin kung ano man ang magiging resulta ng pagsusuri kay Farah at sa bata...sagot ni donya Nenita kay Manuel...

"Salamat Balae!... ani ni Manuel ngunit biglang napatigil ang lahat dahil papalapit na ang doktor na sumuri kay Farah kaya naman parang tinatambol ng kaba ang dibdib ni Matt ng mga sandaling iyon...

"Hello po magandang araw po sa lahat!.... bati ng doktor sa kanila sabay baling ng tingin kay Matt...

"Magandang araw din doktor!... kumusta na po ang aking mag ina?... Ligtas po ba sila doktor?... halos sunod sunod na tanong ni Matt sa doktor...

"Ligtas na po si misis pero tulog pa dahil sa gamot na itinurok namin sa kanya".. sagot ng doktor kay Matt...

"Eh yung ba-baby ko doktor kumusta po ang lagay ng baby ko?.... pautal utal at kinakabahang muling tanong ni Matt...

Sandaling hindi nakapagsalita ang doktor saka bumuntong hininga ito.....

"I did all my best to save him but im failed dahil maraming nawalang dugo sa asawa ninyo at napuruhan ang baby ninyo sa pagkakahulog niya kaya im so sorry mister better luck next time."... malungkot na pahayag ng doktor....

Napanganga ang lahat sa balitang sinabi ng doktor na hindi nakaligtas ang baby at parang sumabog ang eardrum ni Matt sa sinabing iyon ni dr..Matias...

"No!!!...hindi maari ito nooo!!...sigaw ni Matt at sapo ang ulo ng dalawang kamay nito na parang kandilang unti unting nauupos sa isang tabi habang nag uunahan ang mga luhang naglalandas sa kanyang mga pisngi....

ITUTULOY

Flames Series 1...THE FANCY BRIDE..."FARAH"...by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon