FLAMES SERIES 1
FANCY BRIDE
"FARAH"
BY:EMMZ
CHAPTER 13...
Pagdating nila Farah at Matt sa ospital ay nasa kanyang private room na ang kanyang papa at mahimbing na nakatulog at sakto namang naroroon nag doktor na tumitingin sa kanyang ama....
"Dok kumusta na po ba ang aking papa?..ano po ba nag nangyari sa kanya at inatake siya ng sakit sa puso?...sunod sunod na tanong ni Farah habang nangingilid ang kanyang mga luha...
"Dahil sa matinding depression iha may iniisip siyang hindi kinaya ng kanyang isipan na naging sanhi ng kanyang pagka atake pero wag kayong mag alala dahil safe na siya at kunting pahinga lang naman ang kanyang kailangan....saad ng doktor sa kanilang dalawa...
"Salamat po Diyos ko at hindi ninyo pinabayaan ang aking ama....buong pusong pasasalamat ni Farah sa Panginoon na hindi niya napigilan ang pagdaloy ng kanyang luha na agad namnag pinahid ni Matt sa pamamagitan ng kanyang daliri at saka niyakap siya ni Matt ng walang sabi sabi para pakalmahin ang ang pagdadalamhati nito...
"Asawa ko yama na tutal ok na si papa wag kanang umuiyak at magpahinga ka muna at ako nalang ang magbabantay muna kay papa...suhistiyon ni Matt ngunit tumanggi si Farah...
"No gusto kong ako ang magbantay sa kanya at ayaw kong maupo nalang diyan habang ang aking ama ay nakaratay...protesta ni Farah ngunit hindi siya pinayagan ni Matt na magbantay kaya walang nagawa ng akayin siya ni Matt at paupuin sa sofa at ilang sandali lang ay nakaidlip ito sanhi ng kaiiyak niya kanina sa sobrang alala sa kanyang ama at inayos ni Matt ang pagkakahiga ng asawa ipinatong nito sa kanyang kandungan ang ulo ng asawa at saka inunat nito ang mga paa at binti sa sofa para hindi mangalay ang mga ito....
Ilang araw din ang inilagi ni ngobernador Manuel sa ospital at ng masigurong malakas na siya ay saka siya iniuwi at ipinasya ni Farah na doon muna siya at pumayag naman si Matt at sinamahan nito ang asawa sa mansyon ng kanyang biyenan...
Sa bawat araw na inilagi nila sa mansiyon ay kinakitaan ni Matt ng pagbabago ang asawa nito kinikibo na siya nito hindi gaya noon na kahit kibuin niya ay hindi ito sumasagot at kung sasagot man ay puro pabalang kaya labis siyang natutuwa sa pagbabagong iyon ng kanyang asawa...
Isang umaga nagkayayaan sila na mag piknik sa may hasyenda ng mga Santiago kasama si Mamang Mona ni Farah at ang papa ni Farah at Matt..
Matapos na maihanda ang kanilang mga dalahan ay ipinasyang mag ihaw ng dala nilang isda si Farah at tinulungan naman siya ni Matt habang ang papa ni Farah ay namimingwit ng isda sa may sapa at si mamang Mona ay naghahanda ng mga pinggan at iba pa nilang kailangan ng dahil sa napagod sa kapapaypay si Matt ay isinandal na muna niya ang sarili sa puno ng mangga ng ilang sandali lang siyang nakasandal ay biglang may kung anong kumagat sa kanyang likod kaya agad siyang napatayo at pinagpag ang likod ngunit gumapang na ang mga langgam sa likod niya kaya nataranta ito na napansin naman agad ni Farah kaya nilapitan niya nag kanyang asawa kaya tinulugan niya itong pampagin ang langgam sa likod ng asawa at ng maalis na ang mga langgan sa likod ni Matt ay humarap ito kay Farah at may nakita pang isang langgam na medyo malaki sa may dibdib ni Matt hindi sana niya ito aalisin dahil nasa malapit sa otong ng kanyang asawa ngunit nag aalala siya na baka kagatin naman ito kaya dahan dahan niyang hinuli ang langgam ngunit dahil sa naalangan at medyo nanginginig ang kamay nito ay hindi niya mahuli huli hanggang sa ilang ulit niyang nahaplos ang dibdib ng kanyang asawa...
Ramdam ni Matt ang panginginig ng kamay ni Farah habang hinuhuli nito ang langgam at napapangiti si Matt dahil halos hindi makatingin sa may dibdib niya ang kanyang asawa kaya naman agad niyang ginagap ang kamay ng asawa kasabay ng pagkahulog ng langgam saka dinala nito sa kanyang labi at paulit ulit na hinagkan na siyang naging dahilan kaya't napatingala si Farah sa kanya at nagsalubong ang kanilang mga mata...
Babawiin sana ni Farah ang kanyang paningin ng pinigilan siya ni Matt at muling itinaas ang mukha patingala sa kanya saka inilapit ang mukha nito sa mukha ni Farah....
Kitang kita niya ang pamumula ng mukha ni Farah at ang mga kamay nito ay parang nanlalamig kaya naman mas hinigpitan ni Matt ang paggagap sa kamay ng asawa..
Hindi mapigilan ni Farah ang pamulahan siya ng mukha sa tuwing tumititig sa kanyang mga mata si Matt dahil ang mga titig nito'y parang bang inaaarok ang buo niyang pagkatao..at sa tuwing ngingiti ito sa kanya ay para bang inaakit siya na siyang inaayawan niya dahil simula noong magsama sila bilang mag asawa ay puro paglalambing at pagsuyo nalang ang ipinapakita nito sa kanya kaya hindi niya namalayan na nagiging malapit na ang loob niya sa kanyang asawa gaya nalang ng mga sandaling ito na halos magkadikit ang kanilang mga katawan kahit pilit niyang iwinawaksi sa kanyang isipan ang mga sandaling naganap sa kanila ni Matt tuwing ipinagkakaloob nito sa asawa ang kanyang katawan ay hindi niya magawa bagkus ay pilit na nagsusumiksik sa kanyang isipan hanggang sa nararamdaman nalang niyang parang pinananabikan niya ang makulong sa mga bisig ng asawa ang madama ang bawat haplos at ang matatamis nitong mga halik at dahan dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata ng magulat lang ng maramdaman niya ang mga labi ni Matt sa kanyang labi kaya naman napadilat siya at nakita nitong titig na titig ang asawa saka pinalaya ang mga labi ni Farah...
"Farah asawa ko please kiss me!....buong pusong pagsusumamo ni Matt kay Farah habang magkahinang ang kanilang mga mata at halos magkadikit na nag kanilang mga labi....
"Matt!...tanging sambit ni Farah..
"Please asawa ko!...muling samo ni Matt kaya walang ano anong pinagbigyan ni Farah ang hiling ng asawa..
Dahan dahan niyang inangkin ang labi ni Matt at agad namang tinugon ni Matt hanggang sa lumalim na ng lumalim ang kanilang halik na kanilang pinagsasaluhan at ng kapusin na sila ng hininga ay saka lang sila bumitiw sa isa't isa...
"Farah asawa ko akin ka lamang,..akin ka lang!...saka hinagkan ni Matt ang tungki ng ilong ng asawa at kinabig niya ito at niyakap ng buong higpit...
ITUTULOY!...

BINABASA MO ANG
Flames Series 1...THE FANCY BRIDE..."FARAH"...by...emzalbino
RomansaAng kwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang kaya kung sakaling may pagkakatulad ang mga tauhan sa ibang kwento o buhay ng isang tao ay hindi po sinasadya...... ......salamat.... (emzalbino)