FLAMES SERIES 1
THE FANCY BRIDE
"FARAH"
BY:EMMZ
CHAPTER 5.....
Nagulat si Farah ng bigla nalang umalingawngaw ang sigaw ni Matt kasabay ng pagsigaw din ng kanyang papa kaya ang akala niya ay nag aaway ang dalawa kaya dali dali siyang pumasok sa loob ng bahay...
"Papa bakit kayo nagsisigawan ano po ba ang nangyari dito?...nag aalalang tanong ni Farah sa ama ngunit hindi siya nito sinagot bagkus ay binagtas nito ang pasilyo patungo sa kanyang kwarto kaya napatingin si Farah kay Matt na kuyom nito ang mga kamao na nagtatangis ang galit sa kanyang mukha...
"Matt ano ba ang nangyari dito?...muling tanong ni Farah ngunit tiningnan lang siya ni Matt at saka mabilis na tumalilis at ilang sandal pa'y narinig nalang ni Farah ang pag andar ng kanyang sasakyan at ng mapatingin kay mamang Mona ay...
"Iha ang ate Frieda mo umalis,..naglayas sumama sa ibang lalaki na Garry daw ang pangalan!...ani manang Mona kay Farah na ikinagulat nito...
"Ano po!!!..bulalas ni Farah sa hindi makapaniwalang narinig..
"Oo iha at malaking gulo ito dahil malalagay sa kahihiyan ang inyong pamilya at maging ang pamilya ni Matt!...
"Naku po mamang Mona baka maapektuhan ang kampanya ni papa niyan!,..sandali mamang Mona pupuntahan ko si papa baka kung ano na ang nangyayari sa kanya doon sa kanyang kwarto!,..paalam ni Farah saka pinuntahan ang kwarto ng kanyang papa ngunit nakailang katok na siya'y walang bumubukas kaya ipinasya niyang pihitin ang pinto at nagulat nalang siya ng Makita ang kanyang papa na sapo nito ang kanyang dibdib kaya nagsisigaw siya sa takot at agad na niyakap ang kanyang papa!..
"Papa relax ka lang wag ka masyadong mag isip ng kung anu ano yang puso baka kung ano ang mangyari sayo!,..naiiyak na wika ni Farah sa kanyang ama..
"Hindi ako makahinga naninikip ang aking dibdib!,..saad ng kanyang papa kay Farah kaya't dali daling kumuha ng tubig si Farah at saka kinuha ang gamot ng kanyang papa sa cabinet nito at ipinainom dito.
"Papa anon a ang gagawin natin saan natin hahanapin si ate Frieda tiyak na pag uusapan kayo sa karatig lugar natin at baka maapektuhan ang inyong kampanya!,..nag aalalang wika ni Farah kay gov.Manuel..
"No hindi maaari ito kailangang makaisip ako ng paraan para masulosyunan ang malaking kahihiyang ito!,..matatag na sabi ng kanyang papa saka tumingin sa kawalan na wari ay naghihintay ng kasagutan sa kanyang malaking problema...
Samantala gulat na gulat ang mag asawang don Lucio at donya NENITA DAHIL KAALIS LANG NI Matt ay heto na agad nakauwi na siya at ng makapasok ng bahay ay mas lalo pang nagulat ang mag asawa dahil galit nag alit ang kanyang mukha na ang kanyang dibdib ay taas baba ng dahil sa madalas nitong pagbungtong hininga..
"Iho what's wrong at bakit ganyan ang hitsura mo parang nais mong pumatay ng tao!...alalang tanong ni donya Nenita...
"Tlagang papatay ako ng tao mommy pag nakita ko sila<..walang hiya sila binigyan nila ako ng malaking kahihiyan!,..pasigaw na sagot ni Matt na ipinagtaka pang lalo ng mag asawa..
"Anong ibig mong sabihin iho?....ani don Lucio..
"Sumama sa ibang lalaki si Fireda mommy,.daddy!,..
"What!!...halos sabay na bulalas ng mag asawa sa pagkabigla...
"Yes that's true po at ngayon ay malalagay tayo sa kahihiyan,..ang ating pamilya'y pag uusapan sa buong bayan at ako'y pagtatawanan ng ibang tao at maging ng aking mga kaibigan!,..galit na turan ni Matt..
"No!,..hindi maaari ito,..hindi ako papaya na madungisan ang aking pangalan at walang sino man ang pwedeng gumawa nito sa akin wala!...sigaw ni don Lucio saka lumabas ito ng bahay..
"Anak ano na ang gagawin natin?..papaano na ang mga kaibigan kong inimbitahan ko sa iyong kasal?,..ano ang pwede nating gawin para masulosyunan ang problemang ito?..sunod sunod na tanong ni donya Nenita at dahil naguguluhan si Matt ay umakyat ng kanyang kwarto at naiwang naguguluhan ang donya sa mga nangyayari...
Nasa bayan si farah para katagpuin si Leo at namasyal narin at habang nasa daan ay masaya silang nagbibiruan at isinantabi muna ni Farah ang gulong nangyari kanina...
"Hmm mahal gaano mo ako kamahal?...maya maya'y tanong ni Farah kay Leo...
"Tinatanong pa ba iyon mahal!,..para sa akin mahal ikaw lang ang babaeng nakapagpapasaya sa akin sa araw araw,..marinig ko lang ang boses mo'y tanggal na lahat ng pagod ko eh mas lalo pa kaya pag nakikita ka baka maging immune na ako!,..wika ni Leo saka sinamahan niya ito ng biro..
"Ha ha ha!,..ikaw talaga pasaway ka lagi!,..natatawang saad ni Farah sa kinurot ang tagiliran ni Leo..
"Aray ko po!,..hiyaw ni Leo saka hinuli ang kamay ni Farah at ng mahuli ay saka niya hinagkan ito ng buong pagmamahal habang nakatitig kay Farah..
"I love you mahal ko!,..malumanay na bulong nit okay Farah..
"I love you too mahal ko!,..sagot ni Farah sa katipan saka niyakap siya ni Matt at isinandig naman niya ang kanyang ulo sa may dibdib ni Leo..
At bago sila umuwi ay naglakad lakad muna sila sa park at ng makaramdam ng gutom ay agad na kumain sa isamg simpleng restaurant bago sila umuwi..
Samantala ay nagmumuni muni si gov.Mnauel kung papaano niya masusulosyunan ang kanyang napakalaking problema ng biglang may marinig siyang ugong ng sasakyan at ng silipin niya kung sino ang dumatin ay walang iba kundi ang mag asawang don Lucio at donya Nenita at kasama nila si Matt,..Mas naging magulo ang isip ng gov. ng Makita ang mga dumatin at makailang minuto pa ay nasa may loob na sila ng kabahayan...
"Napadalaw kayo panyero!,..ani gov.Manuel ngunit alam na nito ang kanilang pakay ang tungkol sa paglalayas ni Frieda..
"Oo panyero dahil sa malaking problema naming na alam mong masasangkot ang aking pangalan!,..sagot ni don Lucio..
"Panyero ako man ay hindi ko ginusto ito at higit pa lalong malalagay ako sa alanganin dahil baka maapektuhan ang aking kampanya!,..wika ni gov. Manuel..
"So ano ngayon ang dapat nating gawin,..ipapahanap mo ba si Frieda?...singit ni donya Nenita..
"At saan ko hahanapin ang aking anak hindi ko naman alam kung nasaan ang babaeng iyon!,..at kung sakali mang mahanap ko matatanggap pa ba ni Matt ngayong alam naman niya pinagsawaan nan g ibang lalaki ang anak ko!,..tanong ni gov.Manuel saka binalingan nito si Matt..
"Ano Matt matatanggap mob a si Frieda kung sakaling mahanap ko siya?....muling tanong ni gov.Manuel kay Matt...
Hindi makasagot si Matt sa tanong ni gov.Manuel dahil parang nawala na ang amor nit okay Frieda ng oras na iyon ngunit ang kanyang inaalala naman ay ang kanilang kahihiyan at kung papaano masusulosyunan ang problemang iyon...
Sandaling katahimikan ang namayani ng mga sandaling iyon at maya maya pa'y siya naman ang pagdating ni Farah galing sa pamamasyal nila ni Leo at magalang naman niyang binate ang lahat,.ilang sandal pa'y biglang nagsalita ang gobernador..
"Matutuloy ang kasal sa takdang oras!,..biglang saad ng gov. na ipinagtaka ng lahat..
"Bakit papaano matutuloy eh tatlong araw nalang at Malabo ng mangyari iyon dahil hindi naman natin alam kung nasaan ang iyong anak!...sagot ni don Lucio
"Oo nga naman Manuel imposible naman sa takdang oras din ay matutuloy ito!,...saad naman ni donya Nenita..
Samantala tahimik lang si Farah sa isang tabi at nakikinig sa deskusyunan ng dalawang grupo,..hindi siya pumanhik sa kanyang kwarto dahil hindi niya pwedeng iwan ang kanyang ama dahil baka sumpungin na naman ang kanyang sakit sa puso,..
"Ano Manuel papaano mo sasabihing matutuloy ang kasal ?...muling tanong ni donya Nenita kay gov.Manuel na bumuntong hininga pa ito saka tumingin kay Farah saka nagsalita...
"Matutuloy ang kasal kahit wala si Frieda dahil si Farah ang siyang pakakasal kay Matt!...
"What!,..no hindi papa,..hindii!!....halos pasigaw na tanggi ni Farah sa gulat dahil sa sinabing iyon ng kanyang papa...
ITUTULOY!

BINABASA MO ANG
Flames Series 1...THE FANCY BRIDE..."FARAH"...by...emzalbino
RomanceAng kwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang kaya kung sakaling may pagkakatulad ang mga tauhan sa ibang kwento o buhay ng isang tao ay hindi po sinasadya...... ......salamat.... (emzalbino)