FLAMES SERIES
THE FANCY BRIDE
"FARAH"
BY:EMMZ
CHAPTER 17....
Lumipas ang dalawang buwan ay halata na ang umbok ng tiyan ni Farah dahil apat na buwan ang kanyang ipinagbubuntis kaya naman mas lalo pang nasasabik na si Matt sa paglabas ng kanilang anak lalo pa ng makuha nila ang resulta ng ultra sound ni Farah at malamang lalaki ang kanilang baby ay halos hindi niya maiwan iwan ang kanyang asawa para magpunta ng hasyenda at kung minsan ay isinasama nito sa pagpunta roon para makalanghap ng sariwang hangin si Farah....
Natutuwang naman si Farah sa ipinapakitang suporta ng kanyang asawa sa pagbubuntis nito kaya lahat naman ng sinasabi ni Matt ay kanyang sinusunod at nakikita niya na mahal na mahal siya ng asawa kaya mas lalong napamahal na rin siya sa kanyang asawa...
Nakangiting pinagmamasdan ni Farah ang papalapit na pawisang asawa mula sa pagbisita sa buong hasyenda at siya naman ay naghihintay sa may kubo roon na malapit sa kinaroroonan nila at may baon din sila para sa kanilang tanghalian at ng makalapit na ang asawa ay agad niyang kinuha ang maliit na tuwalya saka pinunasan ang pawisang mukha ng asawa....
"Salamat asawa ko i love you hmm pahimas naman sa baby ko baka magselos eh!... nakangiting wika ni Matt saka dahan dahang hinimas ang tiyan ni Farah saka hinagkan ito at hinagkan din ang kanyang asawa...
"I love you too asawa ko!..Salamat sa pag aalaga mo sa amin ni baby at sana ay hindi ka magsasawang mahalin ako..madamdaming wika ni Farah kay Matt saka naglalambing na yumakap sa asawa..
"Farah asawa ko hinding hindi ako magsasawang alagaan kayo at lalo na ang mahalin kayo ng ating baby habang buhay ko kayong mamahalin ng ating anak at magiging anak at naririto lang ako para ipagtanggol at suportahan sa mga taong nais na manakit sa inyo at hindi ko hahayaan ang sinuman na saktan kayo o ikaw ganyan kita kamahal asawa ko at syempre ang baby ko..... puno ng pagmamahal na saad ni Matt kay Farah kaya naman hindi napigilan ni Farah ang mapaluha sa sayang nararamdaman ng mga oras na iyon...
"I love you so much Matt!.. gagawin ko lahat ng makakaya ko para maging mabuting asawa at ina ng anak natin pakamamahalin ko kayo hanggang sa huling sandali ng aking buhay.,,
Napakaswerte ko dahil kahit na anong galit at pagkasuklam ko noon sayo ay pinagtiyagaan mo parin akong suyuin at hindi ka tumigil hanggang hindi kita minahal kaya ngayon ay tanging masasabi ko sayo asawa ko ay mahal na mahal kita higit pa man sa pagmamahal ko noon kay Leo.,,akala ko noon ay wala ng makahihigit sa pagmamahal ko sa kanya ngunit ng mawala ang galit ko sayo at marealised ko ang kabutihan mo at ang ipinapakita mong pagsuyo at pagmamahal sa akin ay bigla nalang nag iba ang aking damdamin saiyo.. yun bang ang gusto ko sa bawat paggising ko ay mukha mo ang unang una kong nasisilayan at gustong gusto ko na ginigising mo ako sa pamamagitan ng iyong mga halik at kung minsan ay magigising akong nakakulong sa iyong mga bisig..,,
"Hanggang sa nasanay na ako sa bawat paglalambing mo sa akin hanggang sa matutunan ko kung paano ang magselos.., ganun pala ang pakiramdam pag nakikita mo ang mahal mo na nilalandi ng ibang babae halos gusto kong pumatay ng tao dahil natatakot akong mawala ka sa akin at maagaw ka ng iba... maluha luhang salaysay ni Farah na ikinatuwa ni Matt...
"Asawa ko may aaminin ako sayo at wag kang matatawa huh!...Kasi noong una akong pumunta sa inyong bahay ay wala ka sa inyo pero alam kong may kapatid si Frieda at nang makita kita sa may simabahan kasama mo yung parang tomboy mong kaibigan ay sabi ko sa sarili ko na ang ganda ganda mo at ng muli akong pumunta sa inyong bahay at nagkataong naroroon kana ay nagulat ako kung bakit naroroon ka at ng sinabi noon ni Frieda na kapatid ka niya ay yun ang naging dahilan kung bakit lagi kong dinadalaw ang ate mo para makita kita ngunit im so upset when i heard that you've got a boyfriend so i tried to ignore and avoid you everytime i was there in your home but it's just like you taking my attention with you and i fell hurts everytime na pinapagalitan ka nila at pinagsasalitaan ng masasakit na wala namang katotohanan at mas lalo akong nasasaktan sa mga pagkakataong nakikita kayong magkasama ni Leo kahit alam kong mali ay lihim parin akong humahanga sa iyong kagandahan at para lagi lang kitang nakikita at yun lang ang tangi kong alam na paraan na kahit sa sulyap lang ay makita kita kaya inaya kong pakasal si Frieda para mapalapit sayo kahit na may mahal kang iba ngunit bigla akong natakot ng bigla nalang na umatras si Frieda sa kasal namin..
"Natakot ako noon na baka hindi na kita makita pa kaya halos magwala ako sa galit noon at ng sabihin ni papa na ikaw na lang ang ipapalit niya ay halos lumukso sa tuwa ang aking puso dahil magiging akin kana at kahit hindi kaya ng aking konsensiya ang sakit na dulot ng pag agaw ko sayo mula kay Leo ay tiniis ko at walang araw na hindi ako humingi ng kapatawaran sa PANGINOON at ipinangako ko sa KANYA na kahit na anong mangyari ay gagawin ko ang lahat para mapamahal ka sa akin at hindi ako sumuko kahit na anong galit at pagkasuklam ang ipinapakita mo noon sa akin dahil mahal na mahal kita at ngayong nagtagumpay ako asawa ko ay hinding hindi ko sisirain ang tiwala at pagmamahal na ibinigay mo sa akin dahil ikaw ang nais kong makasama habang buhay kasama ng ating magiging mga anak.... nakangiting lahad ni Matt sa lihim na pagmamahal nito sa asawa noon pa man kaya tuluyan ng umiyak si Farah sa kagalakan sa kanyang puso...
"Oh Matt asawa ko!.,, i love you.,, i love you.,, i love you so much!... humihikbing yumakap si Farah sa leeg ng asawa hanggang humihikbi na ito sa iyak...
"I love you more than anything in this world Farah!.. tanging tugon ni Matt saka masuyong inangkin nito ang labi ng asawa at naghinang ang kanilang mga labi ng matagal na sandali pareho nilang ninanamnam ang tamis ng kanilang pagmamahalan ang kapusin sila ng hininga ay saka lang naghiwalay ang kanilang mga labi saka sabay nilang hinimas himas ang munting umbok sa tiyan ni Farah na may ngiti sa kanilang mga labi...
Dahil sa sobrang pananabik ni Matt sa kanilang anak ay sa pagbili na ng mga gamit ng kanilang mga anak at halos mabili na nilang lahat ang kakailanganin ng kanilang anak at pati na ang guest room ay napaaayos narin ni Matt at iyon ang gagawin nilang kwarto ng kanilang anak para magkatabi lang ang kanilang kwarto...
"Asawa ko sabi ng matatanda eh bawal daw ang bumili muna ng gamit ng baby dapat daw eh pag nasa pitong buwan na siya sa aking tiyan bago tayo bumili ng gamit ni baby!... turan ni Farah sa kanyang asawang si Matt..
"Eh asawa ko wag na wag kang magpapaniwala sa mga sabi sabi ng matatanda noong sinauna pa dahil wala namang katotohanan ang mga iyon eh at mas maganda na itong nakahanda na ang lahat para wala na tayong alalahanin paglabas ni baby... sagot ni Matt saka hinagkan nito ang tiyan ni Farah kaya wala ng nagawa pa si Farah kundi sundin na lang ang kanyang asawa dahil hindi naman niya ito mapigil sa pamimili ng mga gamit ng kanilang anak...
MANILA...
"Babe may sasabihin ako sa iyo!... naglalambing na saad ni Frieda kay Garry na noon ay naninigarilyo sa may bintana ng kanilang kwarto..
"Ahemm ano yun babe?... sagot ni Garry ngunit nakatingin sa labas ng bintana..
"Babe buntis ako mahigit isang buwan na at magiging daddy kana...malambing na wika Frieda kay Garry sabay yakap sa likod ng lalaki ngunit biglang napaharap ito kay Frieda ng marinig ang sinabi nito..
"What buntis ka!.. Frieda naman bakit hindi ka nag ingat alam mo namang hindi pa ako handang magpamilya tapos ngayon sasabihin mong buntis ka!... biglang taas ng boses ni Garry dahil sa balitang sinabi ni Frieda..
"Eh babe ano ang gagawin ko eh naririto na ito alangan namang ipalaglag ko ang anak natin?... maluha luhang sabi Frieda kay Garry..
"Kung ano ang nararapat yun ang gawin mo kung talagang mahal mo ako!... turan ni Garry saka lumabas ng kwarto at pabalibag na isinara ang pinti ng kwarto...
"No!.. ayaw kong mawala ang baby ko hindi ako papayag sa gusto mo Garry...ani Frieda saka hinawakan ang impis nitong tiyan...
ITUTULOY!!!

BINABASA MO ANG
Flames Series 1...THE FANCY BRIDE..."FARAH"...by...emzalbino
RomanceAng kwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang kaya kung sakaling may pagkakatulad ang mga tauhan sa ibang kwento o buhay ng isang tao ay hindi po sinasadya...... ......salamat.... (emzalbino)