FLAMES SERIES 1
THE FANCY BRIDE
"FARAH"
BY;EMMZ
CHAPTER 15.....
Nagising kinabukasan si Farah na wala sa kanyang tabi ang asawang si Matt kaya patamad siyang nagtungo ng banyo para linisin ang sarili saka humarap na muli sa salamin ng mapadaan ito sa salamin sa kanilang kwarto bago lumabas ito at ng makababa ng hagdan ay nakasalubong nito sa may pasilyo papunta ng kusina ang kanyang biyenan na si donya Nenita....
"Good morning mommy!,..nakita po ba ninyo si Matt kasi paglkagising ko ay wala na siya sa aking tabi?...bati ni Farah sa kanyang biyenan sabay tanong nito sa biyenan...
'Good morning iha!,..hmm...ay kasama pala niya sina Lianne at Kirie na nagabayo kasi namilit na mangabayo si Kirie dahil hindi pa daw siya nakakaranas na makasakay ng kabayo kaya nais daw niyang maranasan,..hihintayin ka sanang magising ni Matt ngunit nagmamadali namang lumarga yuing dalawa kaya hindi kana nahintay pa ni Matt....salaysay ni donya Nenita kay Farah na napansin nito ang pananamlay ng mukha ng manugang kaya biglang nag alala ang matanda...
"Ah bakit ba kasi iha may gagawin ba kayo ng asawa mo?....biglang tanong ni donya Nenita sa manugang...
"Ah eh wala naman po mommy,..may gusto lang po sana akong ipabili sa bayan eh wala naman pala siya hindi po bali sa susunod nalang1,...matamlay na sagot ni Farah ngunit kay bigat ng dibdib niya ng malamang kasama ni Matt ang maarte at malanding si Kirie...
"Ano ba kasi ang ipapabili mo kay Matt iha at ako nalang ang bibili?...muling tanong ni donya Nenita sa manugang...
"Yung malalaking santol sana mommy pero wag na aksi si Matt ang gusto ko sanang bumili eh wala naman siya saka ayaw ko ng kumain nun at hayaan mo nalang siyang kasama niya ang babaeng iyon kahit maghapon silang magkasama kung yun ang gusto niya....hindi napigilan ni Farah na sabihin ang nasa loob niya sa sobrang bigat ng kanyang dibdib na ikinamangha ni donya Nenita saka deritsong umakyat sa kanilang silid saka ikinandado ito at naiwang napanganga ang kanyang biyenan sa mga sinabi ni Farah...
"Santol!,..gustong kumain ni Farah ng malalaking santol!..hindi kaya naglilihi na ang manugang ko at nagseselos siya sa kaibigan ni Lianne so ibig sabihin niya ay mahal na ni Farah ang kanyang asawa kaya nagseselos ito?......nakangiting wika ni donya Nenita sa kanyang sarili saka nagmamadaling tinawagan si Matt para pauwiin na agad ngunit hindi naman sinasagot ni Matt ang kanyang tawag....
"Walanghiyang lalaki na iyon at hindi niya sinasagot ang aking tawag nasaan na kaya siya at kung may mangyaring masama sa aking manugang dahil sa sama ng loob humanda ka lalaki ka huh!....gigil na bulong ni donya Nenita sa sarili saka tinungo nito ang kwadra at tamang tama naman na kararating lang nila Matt ng mga sandaling iyon...
Hindi pa nakababa ng kabayo si Matt ay naririnig na niya ng sigaw ng kanyang mommy na parang galit ito kaya naman nagmamadaling bumaba ito at saka nilapitan ang kanyang ina saka humalik sapisngi nito...
"Bakit po mommy kung makasigaw kayo eh daig niyo pa ang nasunugan?....iiling iling na tanong ni Matt sa ina nito...
"Kanina kapa hinihintay ng asawa mo at galit na galit dahil nalaman niyang kasama mo ang babaeng iyan na kinaiinisan niya at sabi niya kanina na kahit maghapon daw kayong magkasma ng babaeng iyan ay wala na siyang pakialaman at saka umakyat ng inyong kwarto.....pabulong ngunit madiin na sabi ni donya Nenita kay Matt na ikinaalarma nito...
"Matagal na po ba siyang nagising mommy?....balisang tanong ni Matt sa ina...
"Kagigising lang niya yata dahil halos kabababa lang niya at hayun nagmumukmok na siya sa inyong kwarto....saad ni donya Nenita...

BINABASA MO ANG
Flames Series 1...THE FANCY BRIDE..."FARAH"...by...emzalbino
RomanceAng kwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang kaya kung sakaling may pagkakatulad ang mga tauhan sa ibang kwento o buhay ng isang tao ay hindi po sinasadya...... ......salamat.... (emzalbino)