FLAMES SERIES 1
THE FANCY BRIDE
"FARAH"
BY:EMMZ
CHAPTER 11....,,
Nagising si Farah sakit ng katawan na naramdaman ng oras na iyon at dahil sa pagod at ilang araw na walang tulog ay napasarap ang tulog nito at hindi niya namalayan na umaga na ng maidlip siya ng bandang mga alas singko ng hapon kahapon..
Babangon na sana siya ng maramdaman niyang parang may nakadagan sa kanya at ng kanyang alamin ay ang hita ni Matt ang nakadagan sa kanyan at ang mga kamay niya'y nakayakap naman sa kanya...
Biglang siyang bumangon dahilan ng pagkagising ni Matt at yayakap na sanang muli si Matt kay Farah ng biglang tinabig ni Farah ang kamay ni Matt saka deritsong tumayo ito at tinungo ang banyo...
Nagtataka si Matt sa inasal ni Farah dahil kagabi lang ay ok na sila kaya agad siyang tumayo at nakita nito ang lamat ng dugo sa kobre kama na palatandaang siya ang nakauna sa kanyang asawa at sa isiping iyon ay napangiti si Matt at saka sumulyap sa may pinto ng banyo kung saan naroroon ang asawang si Farah at ilang sandali lang ay lumabas itong nakatapi ng tuwalya...
Parang kay bigat ng katawan ni Farah dahil sa nangyari sa kanila ni Matt ng angkinin nito ang kanyang sarili hindi niya inaasahang mangyayari iyon ngunit nadala lang siya sa tuksong hatid ni Matt tuloy ay parang nakonsensiya siya para kay Leo...
Bigla siyang natigilan ng maalala si Leo ni hindi na niya alam kung ano ang nangyari sa nobyo nito dahil ang cellphone niya ay nasa tita Marie niya..
Biglang naalarma si Farah ng maalalang baka hindi iniwan ng tita Marie niya ang kanyang cellphone kaya ipinasya niyang pupunta sa kanilang bahay..
Magbibihis na sana si farah ng maalala niyang wala pala siyang damit na dala at ng mapatingin siya kay Matt ay may kinukuha ito sa loob ng wardrobe at ng makuha ay iniabot kay Farah ang paper bag...
"Heto ang damit mo asawa ko binili ko yan kahapon sana magkasya sayo at mamayang hapon ay pupunta tayo sa inyo para makakuha ka ng mga gamit mong importante para magamit mo rito.... malumanay na wika ni Matt sa asawang walang imik...
"Salamat!..tanging sagot ni Farah saka inabot nito ang paper bag saka nagbihis habang tahimik na pinagmamasdan siya ni Matt..
"Farah asawa ko sana ay dumating ang araw na magkasundo tayo para walang maging problema ang ating pagsasama at pangako gagawin ko ang lahat para maging masaya ka sa piling ko...ani Matt saka lumapit ito kay Farah at yayakapin sana niya ang kanyang asawa ng tabivin ni Farah ang kamay ni Matt...
"Ito ang tandaan mo Matt hibdi porke na nakuha mo na ang katawan ko'y mababaking na sayo ang aking pagtingin..
Wag kang umasa dahil hinding hindi mangyayari yun at yung naganap sa atin ay init lang ng katawan yun!...
"Farah angsakit mo namang magsalita don't wirry because i will respect your decision but you will here where i am... tanging wika ni Matt saka pinagmasdan na lamang ang paglabas ng asawa mula sa kwarto..
"I hope someday ay tuluyan ka ng maging akin Farah.. bulong ni Matt sa sarili saka dahan dahang lumabas ng kwarto para sundan nito ang kanyang asawa..
Nadatnan ni Farah ang kanyang biyenan sa may sala at ng makita siya'y agad na tumayo ang donya at nilapitan siya nito...
"Oh iha kamusta ang tulog mo hindi kaba namahay?...masayang tanong matanda sabay halik sa pisngi ni Farah na tinugon naman nito..
"Hindi naman po tita napasarap nga po ang tulog ko dahil recently ay hindi ako gaanong nakatulog kaya deritso ang tulog ko kagabi... sagot ni Farah sa kanyang biyenan..
" Iha i told you call me mommy hindi tita diba?... paalala ng kanyang biyenan..
"Ay sorry po mommy nakalimutan ko po!.. hinging paumanhin ni Farah..
" It's ok iha i hope next time you won't forget to call me mommy.,,ah anyway where's Matt?... biglang tanong ng donya ngunit siya namang pagdating ni Matt at agad na humalik sa pisngi ng kanyang ina saka inakbayan ang kanyang asawa..
Hindi makatutol ng akbayan siya ni Matt dahil nasa harap sila ng kanyang biyenan at ayaw naman niyang bastusin ang ginang..
"Asawa ko let's go and take breakfast... yaya ni Matt sa asawa na alam niyang napipilitan lang itong paakbay sa kanya dahil nariroon ang kanyang mommy...
"Ok tanging sagot ni Farah saka binalingan nito ang kanyang biyenan..
"Sabay na po kayo sa amin mommy..... yaya ni Farah sa ginang para hindi naman sabihin siyang bastos..
"Oh sure iha and thanks!.. nakangiting sagot ng ginang saka magkasunod na pumunta sa kusina ang tatlo...
Sinamantala ni Matt ang pagkakataon na asikasuhin ang kanyang asawa habang nakikipag usap sa kanyang mommy..
Pinagsilbihan niya ito na para bang walang anumang namamagitan sa kanilang dalawa..
"Hmm maiba nga pala ako ng topic kailan ba ang alis ninyo papuntang boracay?...tanong ng ginang habang kumakain ito..
"Boracay?...gulat na ulit ni Farah sa sinabi ng kanyang biyenan..
"Yes iba iha your honeymoon diba binigyan kayo ng tita Marie ng ticket for trip to boracay!....muling saad ng ginang sa dalawa na parang napakunot noo sa sinabing iyon ng ginang..
"Wala naman pong binigay si tita Marie mommy... alinlangang sagot ni Farah dahil nagulat siya sa sinabi ng kanyang biyenan na honeymoon at tuloy ay napatingin siya kay Matt na noon naman ay tila napangiti ito na mas lalo pa niyang ikinaasar sa lalaki..
"Asawa ko baka yung binigay niya kahapon na brown envelope?...ani Matt ng maalala ang binigay ng tita Marie ni Farah..
"Siguro!.. tanging sagot ni Farah kay Matt
Matapos na kumain ng agahan ay sandaling nagkwentuhan ang magbiyenan at natutuwa si Matt na nakikitang kasundo ni Farah ang kanyang mommy..
"Sana ganyan karin sa akin Farah asawa ko pero hindi ako susuko dahil alam ko balang araw ay tuluyan ko ng maangkin ka ng buong buo...a isip isip ni Matt habnag walang sawang nakatingin sa babaeng kahati na ngayon ng kanyang puso..
Nang matapos ang pagkukwentuhan ni Farah at donya Nenita ay pumanhik si Farah sa kanilang kwarto para tiyakin kung ano ang laman ng brown envelope na binigay nga ng kanyang tita Marie at ng matiyak na tama ang sinabi ng kanyang biyenan ay bigla kumabog amg kanyang dibdib dahil sa isiping magsosolo sila ni Matt sa ibang luga...
Napabuntong hininga siya ng wala sa orass saka inilagay sa envelope ang ticket para sa kanilang honeymoon ng kunin ni Matt ang envelope sa kamay nito at ng mabasa ay..
"We leaving tomorrow to boracay for our honeymoon!.. pahayag ni Matt kay Farah..
"Eh bakit pa tayo pupunta ng boracay eh nakuha mo na nga ang gusto mo diba?... galit na turan ni Farah..
"Asawa ko regalo yan sa atin kaya dapat lang nating iappreciate para hindi maoffend yung taong nagbigay and don't worry hindi kita pupwersahin kung ayaw mong makaniig ako we just go for the gift na bigay sa atin...pahayag ni Matt na waring napahiya si Farah kaya napatango nalang siya...
Itutuloy!!!!
BINABASA MO ANG
Flames Series 1...THE FANCY BRIDE..."FARAH"...by...emzalbino
RomanceAng kwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang kaya kung sakaling may pagkakatulad ang mga tauhan sa ibang kwento o buhay ng isang tao ay hindi po sinasadya...... ......salamat.... (emzalbino)