Chapter 24

10.3K 211 3
                                    

FLAMES SERIES 1

THE FANCY BRIDE

"FARAH"

BY:EMMZ

CHAPTER 24....

Naguguluhan si Manuel sa nangyayaring ito sa kanyang mga anak..., naiintindihan niya ang damdamin ng anak nitong si Farah dahil ganon din ang sakit na naramdaman niya ng mamatay ang mama nito ngunit naaawa naman siya kay Frieda lalo na sa ipinagbubuntis nito lalo pa at sinabi nitong itinakwil sila ni Garry kaya napasapo siya sa ulo saka dahan dahang naupo ito sa sofa at siya namang paglapit sa kanya ni Frieda habang umiiyak ito...

"Papa hindi na ninyo kailangan pang mamili

dahil kasalanan ko naman ang lahat at tama si Farah na akong ang dapat na umalis sa pamamahay na ito dahil ako ang ampon at walang karapatang tumira sa bahay na ito at ang tanging masasabi ko lang po ay patawad papa at mahal na mahal kita bilang naging ama ko at nag aruga sa akin!"... lumuluhang saad ni Frieda kay Manuel...

"Iha kahit hindi kita tunay na anak ay itinuring kita parang isang anak ko na rin at masakit para sa akin ang nangyayaring ito sa inyo ni Farah ang makita kayong nagbabangayan dahil iisa lang tayong familya at sana ay matapos na ang gulong ito sa lalo't madaling panahon para hindi na lumala pa ang alitan ninyo ng kapatid mo!... malungkot na saad ng gobernador kay Frieda na noon ay napahikbi na ito sa iyak...

"Papa mas makakabuti kong lumayo muna ako dahil galit na galit sa akin si Farah at hindi ko siya masisisi dahil sa ginawa ko sa kanya at sana ay dumating ang araw na mapatawad niya ako para naman gumaan ang aking dibdib!... lumuluhang niyakap ni Frieda ang kanyang ama amahan..

"Babalik kaba kay Garry?....nag aalalang tanong ni Manuel kay Frieda...

"Hindi papa ayoko ng pumunta sa kanya baka mapahamak pa ang baby ko!....iiling iling na sagot ni Frieda habang tumutulo ang luha nito...

"Eh saan ka tutuloy ngayon?... muling tanong ni Manuel sa anak anakan nito..

"Bahala na po papa at wag kayong mag alala kaya ko ito wag ninyong pababayaan ang inyong sarili dahil kahit pasaway akong anak ay mahal ko kayo!...

"Iha ayokong humantong sa ganito ang lahat kaya sana ay magbati na kayo ng kapatid mo!...ani Manuel...

"Papa wag na muna ninyong pwersahin si Farah dahil baka mas lalo pang magwala at baka sasabihin niyang kinakampihan ninyo ako darating din siguro ang tamang oras na mapatawad niya ako at i deserved this papa for all the mistakes that i caused to her.... ani Frieda saka pinunasan nito ang mga luha sa kanyang pisngi at mata saka muling yumakap sa ama amahan at hinalikan nito ang noo ni Manuel...

"Sana papa kahit na anong kamaliang nagawa ko sayo at sa kapatid ko ay hinding hindi ka magbabago sa akin at pipilitin kong ibalik ang tiwala at pagmamahal ni Farah sa akin na sinira ko kahit gaano katagal ay maghihintay ako basta magkaayos lang kami.... Muling saad ni Frieda na nangingilid na naman ang luha nito...

"Kung ano ang ipinakita ko sayo at turing ko ay hindi magbabago iyon at pantay ang pagtingin ko sa inyong magkapatid kaya walang dapat na magselos dahil mahal na mahal ko kayong pareho!...saad ni Manuel....

"Salamat papa!... nakangiting sabi nito kay Manuel na hindi mapigilan ang pagtulo ng kanyang luha...

"Kung aalis ka ay sa tita mo Marie ka tutuloy kakausapin ko siya para hindi na ako mag alala buntis ka pa naman baka mapaano pa yang dinadala mo..., nawalan na ako ng isang apo sana ay ingatan mo ang ipinagbubuntis mo at ipakita mo magaling na lalaking iyon na kaya mong palakihin ang anak mo kahit wala siya!....turan ni Manuel kay Frieda saka inakap nito..

Flames Series 1...THE FANCY BRIDE..."FARAH"...by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon