FLAMES SERIES1
THE FANCY BRIDE
"FARAH"
BY:EMMZ
CHAPTER 25
"Matt iho ano ang nakasaad sa papeles na hawak mo?...maang na tanong ng mommy ni Matt na si donya Nenita...
"Mommy it's an annulment paper and Farah wants me to sign this to give her freedom..,,to let her go but i can't mommy..,i can't just let our marriage to be broken like that!.. Mahal ko siya mommy maghihintay ako hanggang matunaw ang yelo sa kanyang puso at kung nagawa ko noon na mapaibig siya habang iba ang laman ng kanyang puso makakaya kung muli mommy dahil sa ngayon ay alam kong ako ang nasa sa puso niya at ang tanging kailangan kong ghawin ay ibalik ang tiwala niya sa akin na nawala ng dahil sa babaeng iyon!....maiyak iyak na salaysay ni Matt sa kanyang ina...
"Sana nga iho at magbago pa ang isip ni Farah dahil ayaw ko rin na masira na lamang ng basta ang pagsasama ninyo and i likes her so much!,..ani donya Nenita kay Matt saka nagyakapan ang mag ina...
...
Samantala pinagmamasdang mabuti ni Farah ang annulment paper nila ni Matt at ng masigurong handa na ito at tanging ang pirma nalang ni Matt ang kailangan upang ganap na maging malaya na sila sa isa't isa ay biglang tumulo ang kanyang luha dahil hindi niya akalain na dito na magwawakas ang dati ay masasayang nakaraan nila ni Matt lalo pa ng nasa sinapupunan pa niya ang magiging anak sana nila ngunit lahat ay parang naglahong parang bula at ngayon ay heto't magkanya kanya na sila para sa ikatatahimik ng kanyang isipan....
"Hindi ko alam kung hanggang kailan ko makakalimutan ang nakaraan ngunit kakayanin ko para sa ikakatahimik ng lahat at sana Matt mapatawad kita sa lalong madaling panahon para sa ikakapanatag ng isip ko dahil ngayon ay hindi ko pa kaya at kahit na anong gawin mo ay hindi ko maturuan ang aking puso na patawarin ka ng dahil sa kagagawan mo ay naglaho lahat ang mga pangarap ko sa buhay ang magkaroon ng simpleng pamilya at ngayon nga ay isang huwad na pangarap nalang iyon......lumuluhang wika ni Farah sa sarili at maya maya ay nagulat nalang siya ng may yumakap sa kanyang likuran at ng tingalain niya ay ang kanyang ama...
"Anak talaga bang hindi na magbabago ang pasya mo?....malungkot na tanong ni Manuel sa anak nito habang yakap niya ito..
"Hindi na po papa at handa na po ang lahat kaya wala na pong atrasan ang pirma na lang ni Matt ang aking hinihintay para maipasa na ito kay Attorney"..saad ni Farah sabay pahid nito ng mga luha...
"Anak baka pagsisihan mo ito balang araw!,..hindi mo na ba mahal si Matt!?...maya maya ay tanong ni Manuel kay Farah ngunit hindi ito umimik sa tanong ng kanyang ama dahil hindi niya alam ang kanyang isasagot....
"Mahal mo siya diba?.., bakit hindi mo siya bigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag sayo?...anak wag kang padalos dalos !!.hintayin mo munang maghilom ang sugat at mawala ang galit sa iyong puso bago ka gumawa ng mga hakbang sa iyong buhay para wala kang pagsisisihan sa bandang huli....paliwanag ni Manuel sa anak niyang si Farah na pilit tinatago ang lungkot sa kanyang mukha...
"Wag kang mag alala papa kaya ko ito !..,, tanging sagot ni Farah sa ama saka pinahid ang kanyang mga luha at tinungo ang bintana saka napabuntong hininga na tumingin sa kawalan...
Iiling iling nalang si gov.Manuel habang nakamasid sa kanyang anak na naging bato na ang puso nito sa nangyayari sa kanyang buhay at ng hindi na kaya pang tingnan ang anak ay saka nilisan ang kwarto nito na lulugo lugo...
....
6 MONTHS LATER....
Dahil sa kalungkutang nadarama ni Matt sa tuwing nag iisa lalo na pag gabi at nasa loob siya ng kanilang silid ni Farah ay ipinasya niyang sa maliit na bahay sa may hasyenda na siya tumutuloy pagkagaling nito sa pagbisita sa mga pananim at mga alaga nilang mga hayop para sa ganun ay hindi niya gaanong naiisip si Farah ngunit kahit na anong pagbabaliwala niya ay siya ring pananabik nito....
BINABASA MO ANG
Flames Series 1...THE FANCY BRIDE..."FARAH"...by...emzalbino
RomanceAng kwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang kaya kung sakaling may pagkakatulad ang mga tauhan sa ibang kwento o buhay ng isang tao ay hindi po sinasadya...... ......salamat.... (emzalbino)